Chapter 55.

6 2 0
                                    

RED POV.

" Saan mo gusto pumunta!?." Masiglang sabi ni mommy, nandito kami ngayon sa mall, kadalasan si Dad ang masigla at si mommy ang taga sermon, siguro dahil narin sa pag kamiss, ako rin namiss kosya.

Sayang lang dahil wala si Dad, nahirapan kasi akong humiwalay kay Decker, inintay pa na magalit ako kaya no choice sya kundi ang sumama kay dad..

Parang hindi na magkikita, loko talaga..

" Shopping!." Sabi ko..

" Tara!." Ngiting sabi nya, parang antagal na simula ng mag bonding kami ni mom, kaya susulitin ko talaga to.

" Mom.."

" Bakit?."

" Si Greedy po? Nasa kama kopo yun, nandon papo ba?." Tanong ko, special sakin yun dahil galing payon kay Decker, sa makati payun no..

" Ah Oo.. nakita konga, pinalaban kona dahil wala ka, nag kakaron na ng alikabok." Sabi nya kaya napa ngiti ako.

" Thanks po mom.." Ngiting sabi ko, una naming pinasukan yung dressing store..

Hindi man halata sakin pero mahilig rin ako sa dress gaya ni mom, hindi lang ako nakakapag dress dahil lagi naman ako sa trabaho non, tapos laging bahay, pero nung high school nag dedress naman ako kahit papano.

" Off shoulder? O backless?." Tanong ni mom, napakapit ako sa baba ko at iniisip kung anong pipiliin, parehas maganda, pedi naman sigurong pareho.

" Both___."

" Hindi kami papayag! Baguhin nyo!." Napa tingin kami ni mommy sa nag salita, nangunot pareho ang noo namin ng makita sila, kala ko may sarili na silang libot?

" Dad! Anong ginagawa nyo dito? Diba girl Bonding muna kami? Kayo muna ni Decker." Ngusong sabi ko.

" Oo nga, n-napadaan lang." Sabi nya, hinablot nya yung hawak ni mom.

" Diba sabi ko sa inyo wag kayong mag susuot ng ganito? Halos makita na kaluluwa nyo." Sermon samin ni Dad, habang seryoso naman si Decker habang tumatango, ibig sabihin sang ayon sya sa sinabi ni dad.

" Why? Minsan lang kami mag shopping! Wag kangang magulo dyan!." Bulyaw ni Mommy..

" Oo nga!." Pag sang ayon ko.

" No. You're not going to buy that trash." Madiin na sabi ni Decker na ikina simangot ko, grabe sya maka basura! Ansama nya!

" Hinde! Bibilin koto!." Pag mamatigas ko at kinuha kay daddy yung damit, mag lalakad na sana ako ng may humablot non at tinapon sa kung saan.

Masama ang tingin nya sakin kaya sinamaan korin sya ng tingin, pisti.. kaya ayaw namin silang kasama, ang kj!

" Girl Bonding to. Walang susunod!." Inis na sabi namin ni mom at nag lakad papunta sa exit, pero nilingon pa namin sila.

" Ang sumunod samin.. sa labas matutulog!." Sabay na sabi namin ni mom at nag lakad na, hindi na sila sumunod, ng malayo na kami bigla nalang kaming natawa ni mom pareho.

Grabe kasi ka oa ng dalawa, parang ganon lang kinakagalitan na, grabe, over protective..

" Saan tayo?." Tanong ni mom kaya nag isip ako, gusto ko sanang mamili ng mga dress, panira talaga sila dad, mag kasundo kami sa maraming bagay ni dad, pero pag dating sa mga ganon mag kaaway kami at si mommy naman ang kakampi ko.

" Hmm.. Make up!." Ngiting suggest ko, hindi nako nakakapag make up, namiss kolang.

Sumang ayon naman si mom kaya agad na kaming pumasok sa isang store, nag ikot kami at tumigil sa mga lipstick.

" Red anak! Tingnan mo! New brand ng lip gloss!." Manghang sabi nya at pinakita nya sakin ang hawak nya, hala gagi Oo nga, bagong brand..

" Whoaa! Ganda nga po!." Tuwang sabi ko, may hawak kaming cart kaya dun namin nilagay yung mga nakita namin na gusto namin, minsan lang to kaya sulitin.

Kumuha narin kami ng foundation at mga brushes, pati eye liner at blush on, marami pa kaming kinuha, medyo nangalahati na yung cart kaya naisipan na naming mag bayad.

" Sunod, bili tayong sapatos at sandals, masyado na kasing luma yung ginagamit ko pag may business trip kami." Sabi ni mom kaya tumango ako, ng mabayaran na ay tag isa kaming hawak na paper bag.

" Mom." Tawag ko sa kanya habang nag lalakad kami.

" Bakit?."

" I know you've been struggling to handle the company, I'm sorry if I refused to handle it." Mahinang sabi ko kaya napa tingin sya sakin, ngumiti sya at kinapitan ang braso ko.

" It's ok, wag monang intindihin yon."

" Hys.. kaya kolang naman poyun ginawa kasi I want attention from you two, masyado kayong subsob sa trabaho lalo na si dad, lagi akong naiiwan kaya sila Kudos nalang ang nakakasama ko, yeah nag tatampo ako, naisip ko pag ako na ang may hawak non, baka maging tulad nyo ako at maiiwan korin na nag iisa ang magiging anak ko sa future." Mahabang sabi ko, hindi sya nag salita at nakikinig lang, nag patuloy ako.

" Ayokong maramdaman nya ang nararamdaman ko tuwing wala kayo, malungkot, malungkot kaya nagawa ko lahat ng mga bagay na hindi dapat." Sabi ko..

Yung mga bagay nayun, yun yung dahilan kung bakit sumikat ako at nakilala, hindi dahil sa maganda lang ako, kundi ako yung babaeng pinaka malakas sa school, na kahit ibang school hindi ako nilalabanan, mas kumalat pa ang pangalan ko noon dahil narin sa lahat ng nakaaway ko, walang hindi napunta sa hospital, lahat sila halos mabawian na ng buhay, at ayoko nanon.

" Sorry anak." Sabi nya, ngumiti ako.

" Ok lang po, hindi kopo to sinasabi para maguilty po kayo, gusto kolang po na malaman nyo na kahit wala kayo sa tabi ko lagi, Mahal na mahal kopo kayo, intayin nyopo, ako napo ang hahawak ng company, I need to be a responsible daughter, at kahit kapit kona poyun, gagawin ko ang lahat para mabigyan parin ng attention ang mga taong mahalaga sakin." Ngiting sabi ko.

" Tama yan anak, pasensya na kasi nahirapan parin kami ng dad mo na ihandle yon dahil sa dami, medyo stressing na kasi talaga kaya napapabayaan kana namin, umaasa kami lagi sa mga maids, at yun ang malaking pag kakamali namin, kaya babawi kami.." Sabi nya.

" Ih.. tamana ngapo ito, tara napo at mamili napo tayo ng sapatos." Sabi ko ng makapasok na kami sa store..

" Tara don oh!."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now