Chapter 63.

8 2 0
                                    

RED POV.

Arf!!

Tahol ni Romeo, kasalukuyan akong nakikipag laro sa kanya dito sa garden, nung umalis na pala kami kahapon papunta sa restaurant, dinala na pala sya dito.

" Romeo! Habul!." Natatawang sabi ko, humabol naman sya, at tinalunan ako kaya parehas kaming nahulog sa lupa, hahaha.

" Ikaw Romoe ah! Bat mo naman ako tinalunan?." Naka pout na sabi ko, tumahol sya at dinilaan ako, luh! Hihihi..

" Lady Red madumi po dyan." Sabi ng isa sa tauhan ni Decker, habang yung kasama nya may hawak na supot ng jollibee, jollibeeee!!!

Agad akong tumayo at binigay nanya sakin yung supot kaya nag pasalamat ako..

" Salamat." Sabi ko, paalis na sana sila ng pigilan ko sila.

" Teka.. pedi nyoba akong ihatid kay Decker? Gusto kong kumain kasabay sya." Sabi ko, nag tinginan pa sila.

" Pasensya napo Lady Red." Sabi nya, imbis na mainis ako ay ngumiti nalang ako.

" Sabayan nyo nalang ako, kain tayu." Ngiting sabi ko at tinaas pa ang hawak ko.

" Hindi napo lady Red."

" Sasabayan nyoko o itatapon ko nalang to?." Sabi ko, tiningnan ko sila na nag tititigan sa isa't isa, para silang nag uusap lang sa tingin.

" B-baka po kasi magalit si Mas___."

" Nandito basya? Diba wala? Wag kayong matakot sa taong wala naman dito, oks.." Sabi ko, wala silang nagawa kundi ang tumango nalang kaya natuwa ako.

Pumunta kami sa table malapit sa mga halaman, binigyan kona sila kasi hindi pa sila kumikilos..

" Kwento na." Sabi ko sabay subo ng fried chicken, agad naman sila nag taka.

" Po?."

" Kwento kayo, matagal naba kayong nag tatrabaho kay Decker?." Tanong ko, nag tinginan sila at parang nag tatanong sa isa't isa.

" Hindi ba kayo makakasagot ng walang tinginan? Ang weird nyo kasi." Sabi ko kaya napakamot sila pareho sa ulo nila, sure yan, may kuto yan sila.

" Ano? Matagal na kayo?." Pag uulit ko.

" Opo.." Sagot ng nasa kaliwa kaya napa tango ako.

" Gaano na katagal?." Tanong ko habang sumusubo ng spaghetti.

" Matagal napo, nung bata palang si master Decker sila papa ang nag babantay sa kanya, nung 18 years old na kami, kami na ang bagong tauhan ni master, pag kasi nasa 50 na tinatanggal na sa trabaho pero dapat may kapalit, pero susuportahan parin ng Vlades ang mga tauhan nilang nangangailangan pa ng pera." Mahabang kwento ng nasa kanan kaya napa tango tango ako, ganun pala yun..

" Eh pano kung walang kapalit?." Tanong ko.

" Kailangan may kapalit parin, hindi peding wala." Sabi nya.

" E gusto nyoba sa trabaho nyo? O sadyang kailangan lang dahil umalis na ang papa nyo?." Sabi ko, umiling naman sila pareho.

" Malaki ang utang na loob namin sa mga Vlade, lahat kami na tauhan ni Master ay ginusto namin na sumunod sa kanya." Sabi naman ng isa, napa tango nanaman ako at uminom, may pumasok sa isip ko.

" Kung ganon, matagal nyonang kilala ang mga Vlades lalo na si Decker syempre, may gusto lang akong malaman sana sagutin nyo." Sabi ko kaya bigla silang kinabahan.

Seryoso? Nakakakaba ba talaga ang itatanong kong to? Grabe mg ofa reaksyon ah..

" A-ano po yun? Hindi po namin maipapangako na masasagot namin lahat." Sabi nya kaya bahagya akong natawa.

" Wag kayong kabahan nako.. madali lang naman itatanong ko." Sabi ko kaya tumango sila pareho, nilunok ko ang kinakain ko at sumandal, tinitigan ko sila bago mapag pasyahan na itanong na ang bumabagabag sa isip ko.

" Sinong unang babaeng minahal ni decker? I mean meron basyang naunang minahal bukod sakin?." Tanong ko, napatitig naman silang dalawa sakin, nag intay ako sa sasabihin nila, medyo nainip pako dahil sa katagalan nila.

Nag pekeng ubo muna sila bago nag isip, wow.. ngayun lang nag isip? Grabe lakas..

" Sa pag kakaalala kopo, may babaeng minahal na si Master." Sabi ng nasa kanan, kahit na ako na ang fiance ni Decker ngayun, nakaramdam parin ako ng lungkot at sakit..

" Bata panon si Master nung makilala nya ang babaeng.. kung hindi ako nag kakamali, shine ang pangalan nya." Sabi nya, tahimik lang ako na nakikinig sa kwento nya, shine pala, sino kaya yun? Nag kikita paba sila ni Decker?

" Ah Oo! Si Shine yun pre.. nangako nga si Master sa kanya na balang araw sya ang pakakasalan ni Master, sabi nga ni Master hindi nasya mag mamahal ng iba bukod kay shine, walang tatalo sa kagandahan nya haha.." Sabi naman ng isa kaya napasimangot ako, mukang napansin naman yun ng isa kaya siniko nya..

Natutuwa nako kasi hindi na sila nahihiya kagaya kanina, pero bigla nalang akong nainis sa kanila dahil walang preno mga pinag sasabi nila, pero hindi narin nila kasanan kasi ako naman nag tanong.

" S-sorry po lady red." Nahihiyang sabi nito kaya ngumiti nalang ako.

" Ok lang.." Sabi ko, para akong nawalan ng gana kumain pero pinilit ko parin, baka kasi mahiya sila dahil sa sinabi nitong baliw nato.

" May tanong pa ako." Sabi ko na ikina upo nila ng maayos, tiningnan ko sila ng seryoso.

" Sino si Zane Lowey?." Tanong ko, nabanggit sakin ni Selena yan, tyaka narinig ko kay Decker, at naalala kong sya rin yung Zane na nabasa ko na caller nung nasa davao kami, kaya napauwi rin kami agad, ngayun ngayun kolang naalala..

" Sino sya? Anong koneksyon nya kay Decker?." Tanong ko, may part kasi sakin na parang ayaw ko sa Zane nayun, hindi ko alam kung bakit pero parang naiinis ako sa kanya kahit di kopa sya nakikita.

" Ahm." Hindi na nila alam kung anong sasabihin at kung saan saan tumingin, nag sikuhan narin sila kaya napataas ang kilay ko.

" Mahirap ba ang tanong ko at di kayo makasagot? Promise di ako magagalit." Sabi ko, hindi ako magagalit kahit gusto kona talaga..

" Ano.. k-kasi.."

" Katrabaho lang po lady Red." Biglang singit ng isa sa mga tauhan pa ni Decker, seryoso rin ang muka nya.

" Ikaw ba ang tinatanong?." Tanong ko, halatang napahiya sya pero pinilit nyang maging seryoso parin.

" Pasensya napo, pero kailangan napo kasi sila." Sabi nya at tiningnan ang dalawa, nagets naman nila at nag si tayu.

" Aalis napo kami, salamat po sa pag kain." Sabi nila at nag bigay galang at dinala na ang mga kalat namin at umalis..

Napa buntong hininga ako, bakit parang may hindi sila sinasabi sakin? Parang ayaw nilang nasasama sa topic ang Zane nayun, ano bang meron sa kanya?

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now