Chapter 66.

8 2 0
                                    

RED POV.

Inaayusan na kami ngayun, excited nanga si Selena, malamang makikita nanya yung boyfriend nyang korni..

Natext kona rin si Decker, kaso di naman nag reply, hindi konga alam kung nabasa nyaba yung text ko e.

" Wow! Chix!." Ngiting sabi sakin ni Selena habang pinag mamasdan ang kabuuan ko, katatapos lang ako ayusan at lagyan ng konting make up.

" Wala akong pera, wag mokong bolahin." Sabi ko.

" Ewan sayoo.. ayaw tumanggap ng compliment pero taas ng confident ipag sigawan sa mundo na maganda sya." Pag paparinig nya, inirapan ko naman sya, kasi totoo naman na maganda ako, hindi na kailangan sabihin.

" Tara na, anong oras na baka malate pa tayo." Sabi nya kaya tumayo na ako at lumabas na kami, may naka handa ng kotse, habang nag aabang naman yung mga tauhan ni Decker.

Tahimik lang kami ni Selena sa byahe, hindi ko alam pero kinakabahan ako, hindi ko naman first time sa ganito e, pero may kakaibang feeling akong nararamdaman.

" You ok?." Tanong ni Selena..

" Oo naman."

" Bakit ganyan itsura mo?." Takang tanong nya, ngumiti ako at umiling.

" Wala.. naisip kolang sila Kudos." Pag dadahilan ko, kahit hindi sya kumbinsido ay tumango nalang sya at tumingin sa labas.

Kinuha ko yung cp ko nag babaka sakaling baka nag reply na si Decker, pero ni isa wala, binasa ko yung mga text ko.

Good morning Decker saan ka?

Dito ako kila Selena ah..

Kumain kana?

Reply ka namaann!!

I miss you! Love youuuu!!!

Marami pa, pero tinamad narin ako mag basa, mga nasa 15 na yata yung text ko pero ni isa walang sagot na dumating.

Nabasa nya kaya? O baka busy sya? Baka lowbat? Oh baka nawalan sya ng load pang text.. hys..

Napa tingin ako sa labas ng tumigil na ang kotse, pinag buksan na kami kaya bumaba na kami, nag taka ako kung bakit walang mga nag tatake ng pic, kadalasan kasi sa mga party ng mayayaman meron ganun..

" Selena.."

" Hmm?."

" Kung may importante palang iaannounce, bakit walang mga reporter? Para maibalita?." Tanong ko, natawa naman sya, bakit? Nakakatawa bayun?

" I don't know, alam ko dapat meron, kahit ako nag tataka na wala, siguro satin satin lang na dumalo, baka hindi pa ready na sabihin sa lahat." Sabi nya kaya napa tango naman ako.

Pag pasok, agaw attention kami, hindi ko alam kung dahil lang ba sa kumikinang na suot ni Selena oh sadyang kapansin pansin lang ang ganda namin, ahihi..

" Ganda ko." Mahinang sabi ko na ikina tawa ni Selena, sige, tawa pa, kukutusan kita.

" Dito kana maupo, punta lang ako sa restroom, mamaya mag sisimula na." Sabi nya, tumango ako at sinundan sya ng tingin habang papaalis.

Ng mawala sya sa paningin ko, nilibot ko nalang ang tingin, andami ring naka attire, pero meron rin naman na mga bata na naka attire rin, ang cute..

" Hi Miss ganda." Sabi ng nasa gilid ko kaya napa tingin ako sa kanya, bahagya pa akong nagulat..

" Anong ginagawa mo dito?." Gulat na tanong ko kaya natawa sya, happiness talaga nila ako no?

" Ininvite nila ako pati yung kasama ko." Ngiting sabi nya at tumingin sa di kalayuan, kaya napa tingin din ako, naka tingin sakin ang bruha at inirapan ako, problema banon?

" Kian.. si jana ba pinag lihi sa sama ng loob?." Tanong ko habang naka tingin sa kawalan, tumawa nanaman sya.

" Haha.. hindi ganyan lang talaga yan pero mabait yan." Sabi nya kaya tumango nalang ako.. sakin lang talaga siguro sya sinasama, tsk..

" Nung festival." Sabi nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" Sabi ko sayo date tayu, tapos makikita ko iba kasama mo." Pout na sabi nya kaya nangunot ang noo ko.

" Hindi ako pumayag sa date nayun!." Sabi ko..

" Joke lang, sino pala yung kasama mo?."

" Wala kana don." Sabi ko, mag sasalita pa sana sya ng lumapit na ang dalawang kaibigan nya..

" Tara na Kian, hinahanap kana don."

" Hmm.. oh pano Red, alis na kami." Ngiting sabi nya kaya tumango nalang ako, nakatanggap pako ng pam malakasan na irap ni Jana, sana mapuwing ka!

Ng makaalis sila sakto naman na dating ni Selena, nag taka ako kasi para syang nakakita ng multo at hindi rin maka tingin sakin.

" Oh? Nyare sayo?." Takong ko, napa lunok sya at alanganin ngumiti, naupo nasya sa tabi ko at kumuha ng tissue..

" Huy.. Ok kalang? Bakit ganyan itsura mo?." Tanong ko, alanganin syang ngumiti at umiling..

" W-wala.. papunta na yung bf ko, mag sisimula naraw, may kinakausap lang." Sabi ko, kahit nag tataka ay tumango nalang ako.

Napa tingin ako sa gawi nila Kian, hindi ko natanong kung paano nga pala kami naging schoolmate, e hindi ko naman sya nakikita sa school ko noon.

Naka tingin lang ako kay Selena, halata kasi talaga na may tinatago sya, ayaw nyalang sabihin..

Nilibot ko nalang ulit ang tingin ko, at napa tigil, naka tingin ako sa malayo, para kasing.. kilala ko ang lalaking nag lalakad..

Madaming tao na ang dumaan kaya nawala narin sya sa paningin ko, hindi malinaw, pero.. parang nakita ko talaga si..

Erick?

Iniling ko ang ulo ko, imposible, paano naman makakapunta ang mokong nayun dito?

Napa tingin kami sa stage ng mag simula ng mag salita yung emcee, pinilit kong makinig, pero parang lumilipad talaga ang utak ko.

" R-red.." Nauutal na sabi ni Selena kaya napa tingin ako sa kanya.

" Bakit?." Tanong ko, parang hirap na hirap sya sa sasabihin nya at hindi nya masabi.

" Ano bayun Selena? Sabihin mona.. may nangyare ba habang nasa restroom ka?." Tanong ko, napa lunok sya at napa tungo, kinapitan nyapa ang kamay ko.

" Huy! Para kang tanga! Ano!?." Inis na sabi ko, tiningnan nya ako sa mga mata.

" Ayaw ko sanang sabihin, p-pero.. kailangan." Sabi nya, kinabahan naman ako don.

" A-ano yun?."

" Nakita kosya, hindi ako peding mag kamali, May kahalikan sya malapit sa hagdan, si Decker at si___." Hindi nanya natuloy ang sasabihin nya ng maagaw ng emcee ang attention namin dahil sa sinabi nya..

" Let's all welcome, Mr Vlades and Miss Lowey are now engaged." Sabi ng emcee dahilan para tumigil ang mundo ko..

" Red." Tawag ni Selena habang mahigpit ang kapit sa kamay ko, natulala ako.

" Sino? Vlades? Sino sa kanila? Nandito ba si Decker? Engage na yung kapatid nya." Sabi ko at pinilit na wag mabasag ang boses ko.

Alam ko naman na hindi sya yon, lima kaya silang Vlades haha..

" Red.. nasa harapan mona ang katotohanan, wag kang mag bingi bingihan." Sabi nya, ayaw kong maniwala, ayoko!

Napa tinginan kami sa dalawang taong umakyat sa stage, halos hindi ako maka hinga at nag tuluan ang luha ko.

" This is just a nightmare, right cous?."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now