Chapter 61.

6 2 0
                                    

RED POV.

Naka ngiti akong nag iintay sa order namin, nandito kami ngayon sa bagong bukas na restaurant..

Kala ko yun na yung date namin, yung pag punta kay Romeo, yun pala may paganito pa, madilim narin sa labas, ginabi na kasi kami don, pero sabi nya tamang oras lang to para sa date namin.

Kaya eto ako, kinikilig sa date namin kahit wala naman dapat ikakilig, para sakin eto ang pinaka especial na date, walang sino man ang makakatapat sa sayang nararamdaman ko..

Dumating na ang order namin, iisa lang yun pero maraming laman, hindi ko kasi alam kung anong trip nito at gusto share kami ng plato, hindi lang yun pati kutsara at baso, kaya nga kinikilig ako kahit ang weirdo ng naisip nya, pero sweet narin at the same time, duh! Nasa date kami aangal paba ako?

" Baby.. Ahh.." Sabi nya habang papalapit ang kutsara sa bibig ko, kung wala lang talaga kami sa date baka nakutusan kona sya.

" Ahh.." Pang gagaya ko at sinubo ang pag kain sa kutsara, ngiti akong ngumuya at inagaw naman sa kanya yung kutsara, kumuha ako ng pag kain.

" Ahh.." Pang gagaya ko sa kanya kaya napa ngiti sya at ngumanga, sinubo ko sa kanya, parehas kaming nag ngitian sa isa't isa, na para bang natatawa nalang kami sa kalokohang ginagawa namin.

Napa iling sya pero hindi parin nawawala ang ngiti sa labi nya, kahit hindi nya sabihin, ramdam kong sobrang saya nya, ganon rin naman ako..

Napa tingin ako sa paligid ng bigla nalang mag play ang sweet song, may dalawa namang lalaki na mukang crew, may kapit na bouquet of flowers, habang yung isa may hawak na parang pillow tapos may nakalagay don na isang box na black, yaman naman may papatong pa sa unan, unan lang yan uy! Bat nadamay yan?

Kinuha ni Decker ang bouquet ng makalapit yung dalawang lalaki, ngiting inabot sakin ni Decker ang flower na buong puso ko naman na tinanggap.

" Turn around." Ngiting sabi nya habang hawak hawak ang box, tumalikod ako at naramdaman ko naman ang galaw nya, dahil sa bagal ng kilos nya, kita ko ang kwintas na pababa sa harapan ko, sinundan korin sya ng tingin hanggang sa naramdaman kona nasuot na sakin ni Decker yung kwintas.

Kinapitan koyon at tumingin kay Decker na titig na titig sakin, nahihiya tuloy ako sa paraan ng pag titig nya, wala na yung dalawang lalaki, buti at wala rin tao dito kundi baka nasubsob kona yung muka ko dito sabulaklak.

" I know that no one can higher than your beauty, but fuck.. I can't help it to say it that you're the most beautiful girl, and seeing you have the things that I gave, it's giving me more happiness, no one can imagine how happy I am, all of the sacrifice for so long, that I wanted to give you the things that can make you happy, it's now happening." Sabi nya, hindi ko man maintindihan ang sinasabi nya, pero masaya ako, masaya akong makita syang masaya..

" Thank you.." Sabi nya, hindi ko alam kung bakit parang naiiyak sya, pero naiiyak din ako, sino bang di maiiyak sa mga sinasabi nya? Super nakaka touch kaya..

" Why are you thanking me?." Tanong ko, pinunasan kopa ang mata ko dahil naluluha na talaga ako, oa man ang nangyayare, e wala na kayong pake! Basta moment namin to!

Pero para talaga kaming tanga hahaha..

" Because you give me a second chance to see you again and be with you, you choose me, you love me, you let me love you and the most that I'm so thankful is, you let your heart again, and this is the present that I've been wanted before." Sabi nya, pinunasan ko ang luha nya, ang corni pakinggan hindi ba? Pero potang ina! Ang lakas ng impact sakin ng mga sinabi nya.

Ang hindi lang malinaw, para kasing may pinag huhugutan sya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya, lahat yon parang may ibang meaning, at may part sakin na parang may sumabog at lumitaw ang kakaibang feeling, Oo alam konang mahal namin ang isa't isa, pero may kakaiba parin akong nararamdaman, at hindi ko maexplain kung ano yon, pero ramdam ko ang pangungulila sa pag mamahal, hindi ko maintindihan..

" Kahit naman sino gagawin to, mahal kita, gaya mo.. gusto rin kita maging masaya." Sabi nya, hindi ko alam pero parang mabilis lang na dumaan ang lungkot sa mata nya pero nawala rin ng ngumiti sya, ang weird pero hindi kona pinansin..

" I love you.. and word can't describe that." Sabi nya, napakagat ako sa labi, for sure pulang pula na ako ngayon.

" i love you more, corni.." Sabi ko kaya natawa nalang kami, dahan dahan ang pag lapit nya, alam kona ang balak nya kaya pinikit kona ang mga mata ko.

Ng maramdaman ko ang halik nya, tumugon ako, yung puso ko, walang tigil sa pag tibok ng sobrang bilis, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, parang hindi kona kayang umistop pa at sana huminto ang oras para samin dalawa.

Habol hininga kami ng mag hiwalay na kami, nilagay nya sa mesa ang bouquet at maingat na nilagay nya ang dalawang kamay ko sa batok nya, habang niyakap naman nya ang bewang ko.

" Baby.." Tawag nya sakin, sobrang pungay ng mata nya habang titig na titig sa mata ko.

" Hmm?."

" I can't.." Mahinang sabi nya, halos pabulong nanga e.

" Huh?."

" I can't lose you, I can't lose my life, baby.. gusto konang matali sayo, I want you to use my last name, I want them to know that I have the most beautiful wife, and her name is Red Stavila Vlades.." Sabi nya, humiwalay sya at putang ina, napakapit nalang ako sa bibig ko ng lumuhod sya at may kinuha sa bulsa nya..

Pulang Box, isang pulang box at tinapat sakin, naiyak nalang ako ng makita ang loob..

" Are you willing to live with me forever? Are you willing to give that soft heart and let me take care of it? Are you willing to be mine and will you accept me? Will you accept me to be your husband? This ring.. this will prove that I'm willing to do everything for you, one reason, because I love you and word can't explain how much I really loved you, so Red Stavila, Will you marry me?." Sabi nya, yung luha ko, ayaw tumigil sa pag baksak, nakakagago.. kala ko date lang ang ganap, pero baka maiburol ako ng maaga dahil sa atake sa puso.

" Baliw ka.." Umiiyak na sabi ko, bakas ang kaba sa itsura nya, ngumiti ako kahit nag tutuluan parin ang luha ko.

" Ofcourse, I can't resist someone like you, at talagang sakin kalang pakakasal.. kasi sisiguraduhin kong hindi masisinagan ng araw ang babaeng pipiliin mong pakasalanan at hindi ako." Sabi ko, natawa nalang kami pareho dahil sa sinabi ko, sobrang saya nyang niyakap ako at pinag hahalikan ang noo ko, kalma lang brad! Hindi pa tayo kasal haha..

" Thank you.." Sabi nya at nanginginig pa ang kamay nya na sinuot sakin yung sing sing, napailing nalang ako..

" I love you baby.." Sabi nya, pinunasan ko ang luha nya, nababakla nanaman kasi sya.

" Mahal rin kita." Sabi ko, hinalikan nyako ng mabilis at niyakap ng mahigpit.

Isa lang ang masasabi ko, pag nasa harapan mona talaga ang bagay na bihira lang mangyare, kunin mona agad, kasi kung pakakawalan mopa, baka biglang umiba ang ihip ng hangin, ahihihi..

Ako lang ang kikilig dapat! Kasi especial day koto dapat moment lang namin hahaha...

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now