Chapter 56.

11 2 1
                                    

RED POV.

" Basta anak gusto ko lalaki ah." Sabi ni mom, bigla nya nalang kasing pinasok yung pag papakasal ko at yung magiging anak ko..

" Mom hindi panga kami engage e, anak agad?." Namumulang sabi ko at humigop sa milk tea ko..

" E anak, advance talaga ako, tyaka don rin naman ang punta nyo."

" Pero hindi kopa po iniisip yung anak anak nayan!." Inis na sabi ko na ikina tawa nya, bat ba kasi napasok tong topic nato?

" Wee? Kakasabi molang kanina habang nag shoshopping tayo na ayaw mong maranasan ng future anak mo yung naranasan mo." Pang aasar nya..

" Naisip kolang poyun para alam kopo kung anong gagawin ko kung sakali."

" Hahaha.. ganon narin yun no." Sabi nya at tumawa ng tumawa, napa iling nalang ako.

Naka tingin ako sa di kalayuan, kanina kopa napapansin yung pag sulyap sulyap samin nung nakaupo don, naka jacket at shades sila..

" Bakit anak?." Tanong nya ng mapansing tahimik ako, tiningnan nya yung tinitingnan ko.

" Kanina kopa din yan napapansin." Sabi ni mom at nag katinginan kami, parehas kaming tumango at tumayo.

Agad na tumungo yung taong nasa dulo ng mapansing papalapit kami sa kanila.

" Kanina pa namin kayo nakikita, alam kong kayo yan!." May inis na tono na sabi ko sa kanila, agad silang tumingin kaya tumaas ang kilay namin.

" Sinusundan nyoba talaga kami?." Inis na sabi ni mom kaya tinanggal na nila yung hoodie nila at shades, alanganin naman na ngumiti si daddy habang naka iwas naman ng tingin si Decker.

" N-napadaan lang." Sabi ni Dad habang napapakamot pa sa ulo.

" Hindi nayan gagana! Kanina nyopa yan palusot! Una sa dressing store, sunod sa luxury store, tapos sa arcade at books store, ngayon dito naman! Alam naming di coincidence yon no!." Iritang sabi ko kaya tumayo si Dad.

" Oo na, umaamin na kami, e sa hindi kami mapakali, tapos etong si Decker, ilalayo nadaw nya ikaw kung iiwan molang naman daw sya sa tabi, kanina payan nagagalit bat modaw iniwan." Sabi ni daddy kaya napakapit ako sa sentido ko dahil sa mga sinabi nya.

Tiningnan ko ng masama si Decker na hindi parin tumitingin, napaka paranoid, ang oa lang talaga..

" Mom.. dadalaw nalang po ako sa bahay, mukang hindi matitigil kaluluwa nila pag wala tayo." Sabi ko kaya bahagyang natawa si mom.

" Oo nga e, sige, mag iingat kayo, uuwi narin kami." Sabi ni mom at kinuha na yung mga pinamili nila at umalis.

Tiningnan nako ni Decker, naka simangot sya pero inirapan kosya, kinuha ko yung pitong paper bag at nag lakad palabas

" Let me carry that." Sabi nya at kukunin na sana ng ilayo ko.

" Wag na, hindi na kailangan." Sabi ko, nag pumilit pasya pero sinamaan kona sya ng tingin, kaya ayun tumigil rin.

Ng makarating sa parking kung nasaan yung sasakyan nya, pinag buksan nya ako ng pinto sa passenger seat, pero binuksan ko yung sa backseat kahit nahihirapan ako dahil sa dala ko, umupo ako sa loob at sinara na agad yung pinto.

Wala syang nagawa kundi ang sumakay na sa driver seat at mag maneho na, kahit hindi ko tingnan, alam kong kanina pasya tingin ng tingin sa front mirror, pag talaga naaksidente kami kukutusan kosya..

Medyo bumilis yung pag papatakbo nya ng kotse kaya medyo nag taka ako, kanina pasya tingin ng tingin sa front mirror.

Naririnig ko yung mahinang pag mura nya, ano bang nangyayare? Titingin na sana ako sa likod ng bigla namang lumiko si Decker sa isang eskinita.

" A-anong nangyayare!?." Kabadong tanong ko habang nakakapit ng mahigpit sa pinto ng kotse, bigla bigla kasing lumiliko e..

" Someone following us." Sabi nya, halos mapa sigaw ako ng may bumunggo sa likod namin, napa tingin ako at may dalawang kotse nga ang sumusunod samin..

Lintek nayan! Anong nangyayare!? Nakuu naman problema nanaman to!

" AHH!!."

" Get Down!." Sigaw ni Decker kaya sinunod ko naman sya, sunod sunod yung putok ng baril mula sa likod, may kinuha si Decker at nanlaki yung mata ko dahil may baril don.

" Shit!." Bulalas nya at binuksan yung bintana, aba'y putang ina! Mukang alam kona ang gagawin nya.

Napatakip ako sa tenga ko ng makipag palitan na si Decker ng bala sa kalaban, baka mamaya mabunggo kami sa ginagawa nya..

" D-decker." Natatakot na sabi ko, malay koba kung dito na kami mamatay! Ayaw ko!

Bumalik sya sa upuan at lumiko, nakalabas na kami sa masikip na eskinita at wala ng masyadong nadaan na sasakyan dito.

Nakasabay na yung humahabol samin, nasa mag kabila na ng sasakyan namin sila, bumabaril parin sila.

Binunggo nila kami kasabay non ang pag harang ng isang kotse sa dinadaanan namin kaya nag stop kami..

" Fuck!." Bulalas ni Decker at agad na bumaba, mabilis nyang binuksan yung back seat at hinila ako..

" D-decker."

" Don't be scared, I won't let them to hurt you." Sabi nya..

" Ibigay mo samin yang babaeng yan, hahayaan ka naming mabuhay." Sabi ng isang lalaki, marami rin sila, potik..

" I'm not stupid to do that.." Sabi ni Decker at tinago ako sa likod nya, mahigpit ang kapit ko sa damit nya.

" Kung ayaw mo." Sabi nya at kinasa yung baril nya kaya mas lalo akong kinabahan, tinutukan nya ng baril si Decker.

" Papatayin nalang kita."

" Please W-wag!." Sabi ko.. sakin na sila tumingin at ngumisi..

" Sumama kana samin, hindi namin sasaktan yang kasama mo." Sabi nya, kinapitan ni Decker ang kamay ko, sobrang higpit, parang sinasabing wag akong sasama.

" Teka.." Sabi ng isa sa kasamahan nya na may kapit ng cellphone.

" Bakit?."

" Nag bago daw ang plano, umalis nadaw tayo." Sabi nya kaya nainis naman yung lalaking kumakausap samin kanina.

" Ano? Andito na oh!."

" Tara na, wala tayong magagawa, babalikan natin sila." Sabi ng lalaki kaya nag si sakay na yung iba, masamang tingin ang binigay samin ng kaharap namin.

" Hindi pa dito nag tatapos, asahan moyan." Sabi nya at nag madali naring pumasok sa kotse.

Ng mag alisan sila ay doon nako nakahinga ng maluwag, pero hindi parin mawala ang kaba ko.

" You alright?." Tanong nya ng harapin nyako kaya tumango ako.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now