Chapter 34.

8 1 0
                                    

RED POV.

Ngayon ay kasalukuyan ako nag aayos para sa pag punta kila Selena, 6 ang simula at 5 na, kaya nag mamadali narin ako.

" Red!." Pam bubulabog nila kaya napa irap ako, nag si pasukan sila kaya tinaasan ko sila ng kilay.

" Whoaa! Ang ganda mo Red! Pedi na." Sabi ni Kudos habang tumatango tango pa.

" Pinag sasabi mo? Tyaka bakit nandito kayo? Wala kayong sinabi na susunduin nyo ako." Sabi ko.

" Mas ayos na mag sabay sabay tayo, dinala kona yung mahabang kotse para hindi tayo mag siksikan." Ngiting sabi ni Kudos, kaya tumango ako.

Lumabas na kami, wala na sila mom kaya wala ng dapat na ipag paalam, pinag buksan kami ng driver kaya pumasok na kami.

" Red e kung ikaw nalang kaya partner ko?." Natatawang sabi ni Kudos, binatukan naman sya ni Karl.

" Mag tigil ka, partner mona si Kim, nakakahiya naman don sa tao, inaya mopa." Sabi ni Karl na ikina kamot naman ni Kudos.

" Edi palit tayo ng partner, easy!." Sabi nya na ikina iling ko nalang, hindi kona sila pinansin at tumingin nalang sa labas, wala nga akong gana na pumunta, kaso baka mag tampo naman yung pinsan kong yon.

Ng makarating ay nauna ng bumaba si Kudos dahil iniintay nadaw sya ng partner nya na si Kim, sunod naman si Karl at inalalayan akong bumaba..

Ng ilahad nya ang braso nya ay kumapit na ako don, pumasok na kami at sobrang dami talagang tao, may mga business man and women din..

Hinanap ng mata ko si Selena pero wala pa, kaya naupo na muna kami ni Karl, kasama namin sa table sila Kudos at yung kim na tinutukoy nila kanina.

" Red si Kim nga pala, nag tatrabaho sakin, wala kasi akong partner kaya sya nalang inaya ko, tyaka medyo close naman na kami." Pakilala nya sa kasama nya kaya tumango nalang ako at nilibot ang paningin.

Gaya ng inaasahan, talagang engrande ang party ni Selena, at syempre ang magandang entrance nya mamaya, syempre birthday nya dapat sya ang bida dito.

Tahimik lang ako habang nag uusap usap sila, wala kasi akong ganang makipag sabayan sa kanila kaya nakikinig lang ako.

" Good evening everyone, we are all here to greet the main reason of this party every year, let's all welcome and joyful greet our lovely birthday girl, Miss Selena Castro!." Sabi ng emcee kasabay ng pag tapat ng spotlight sa taas ng hagdan, at nakita na namin si Selena na naka ngiting naka tingin samin, naka gown din sya na mas lalong nag paganda sa kanya.

Dahan dahan syang bumaba hanggang sa mapatabi sa emcee, tumigil narin sa palakpakan ang lahat ng abutin ng naka ngiti ni Selena ang mic.

" Good evening everyone, I just want to thank you for attending my birthday, and now, I want you all to enjoy this party, let's all have fun!." Masiglang sabi ni Selena na ikina palakpak naman namin, may lumapit narin na malaking cake, mas malaki pa sa kanya, nag wish muna sya bago hipan ang candle.

Matapos ang lahat ay kumain naman kami, dahil mamaya ay oras na ng sayaw, 8 kasi nag sisimula ang sayaw ng mag partner o kahit na sino mong gustong kasayaw, pero una isasayaw muna si Selena ng kanyang boyfriend bago ang lahat.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng trip ng pinsan ko at may paganon pa, nafeel yata nya yung debu nya kaya pinaulit ulit na, napa iling ako sa mga naiisip ko.

" Bat umiiling kadyan?." Takang tanong ni Karl.

" Wala." Sabi ko habang naka tingin parin sa kinakain ko..

Mabilis lang naman kaming natapos sa pag kain at nag pahinga, kung hindi ko kaibigan si Kudos baka napag kamalan kona silang mag jowa ni Kim sa sobrang close nila..

Napa tingin ako kay Karl ng kuhitin nya ako, nag tataka kosyang tiningnan, ngumiti naman sya.

" Ok kana ba? Sayaw tayo?." Tanong nya, aayaw sana ako kaso ayoko naman maging kj, kaya ngumiti ako at tumango.

Inalalayan nya akong tumayo kahit sa pag punta sa gitna na may nag sasayaw narin, sweet dance ito kaya ok narin, tapos narin kasi mag sayaw sila Selena na hindi ko manlang pinag tuunan ng pansin.

" Ang tahimik mo." Sabi nya sa kalagitnaan ng pag sasayaw namin.

" Bakit? Dapat ba maingay ako?." Takang tanong ko na ikina tawa naman nya, kaya mas lalo akong nag taka.

" Hindi naman sa ganon, kung hindi kapa kasi tatanungin hindi ka mag sasalita, may bumabagabag ba sayo?." Tanong nya..

" Wala naman." Sabi ko, hindi naman ako naiilang na nakakapit sya sa bewang ko, dahil part ito ng dance at syempre sanay narin, bata palang kami nag sasayaw na kami nila kudos ng ganito, pero laro laro lang yun.

" Sabihin mo kapag may problema Red, Tandaan mo na nandito lang kami ni Kudos, kaibigan mo kami, wag kang mag lilihim, kaibigan tayo dito." Sabi nya na ikina ngiti ko, at the same time napa yuko ako at natawa ng mahina.

" Bakit?." Takang tanong nya kaya tiningnan kosya.

" Namimiss kolang yung Karl na iyakin, yung nasa harapan ko kasi matured at napaka gwapo, grabe iba talaga pag tumatanda na." Natatawang sabi ko na ikina pula ng tenga nya, pero kinunutan nya parin ako ng noo.

" Nag matured lang nag mumuka na agad na matanda? Tyaka hindi naman habang buhay bata tayo Red." Istriktong sabi nya na ikina irap ko.

" Siguro kung tinanggap ko yung pamana nila mommy baka naging ganyan rin ako kamatured, kadiri." Pang aasar ko sa kanya na ikina iling nya naman.

" Balang araw maiintindihan morin, kahit mandiri kapa dyan dadating rin sa punto na magiging matured ka ng ganito." Sabi nya, napa titig ako sa kanya at napa ngiti, sobrang gwapo pala talaga nitong kaibigan ko, kaya hindi na ako nag tataka noon paman nung nag aaral pa kami, ng lagi akong pinag didiskitahan ng mga babae dahil kila Karl, mga lalaki nga naman, bakit ba kasi ang gwapo ng mga nakakasama ko?

" Bakit ka naka ngiti?." Takang tanong nya kaya mas napa ngiti ako.

" Wala.. ampangit mo kasi." Sabi ko sabay hagikgik na ikina iling nya nalang.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now