Chapter 79.

10 3 1
                                    

RED POV.

Naka tingin lang ako sa labas ng bintana, pinag mamasdan ang mga bituwin sa kalangitan.

Napa tingin ako ng bumukas ang pinto, pumasok si Selena dala dala ang pag kain na nasa tray.

" Kumain kana cou___ Red, kumain kana." Sabi nya at binaba sa table ang tray, imbis na lumakad palapit sa kanya ay sumandal lang ako sa pader at nag cross arm.

" Selena." Tawag ko kaya napa tingin sya sakin.

" I need infor___." Natigil ako dahil sa may pumasok na tao dito sa kwarto, expected kona to, sila nga kasi yung kumuha sakin.

" Leave us."

" Wala ka naman sigurong gagawin sa kanya." Sabi ni Selena kaya napa ngisi si Erick.

" At ano naman sa tingin mo ang gagawin ko? Behave ako, trust me." Sabi nito, tiningnan muna ako ni Selena bago kami iwan, ng marinig nya ang sara ng pinto ay naupo na si Erick sa kama at naka ngiting tumingin sakin.

" Ngiting tagumpay ka ah, akala moba panalo kana?." Sabi ko, napa tawa sya ng mahina at tiningnan ako.

" Yan ang stavila na kilala ko."

" Ano bang kailangan mo?."

" Alam kong curious ka kung bakit damay dito yung boyfriend mo." Sabi nya, masama kosyang tiningnan kaya napa ngisi sya.

" Gusto mong malaman kung bakit? Sige sasabihin ko sayo, dahil kahit pigilan ako ni Selena, mamamatay kayong pareho ng Vlades nayon." Sabi nya, gusto kosyang sapakin, pero baka hindi nya sabihin ang nalalaman nya.

" Ayaw ipaalam to sayo ni Selena, pero I want you to suffer, hindi ako mag papakita ng awa sa inyo." Sabi nya at naupo ng komportable.

" Ang totoo nyan, simula palang, alam na namin na hindi nya fiance yung Zane, wala silang relasyon." Sabi nya kaya sumikip ang dibdib ko.

" Nalaman namin yun matapos ang party." Sabi nya, so tama ako, sya yung nakita ko noon.

" Pero may hinala na kami nung birthday nyapa, alam namin na palihim silang kumikilos, iniimbistigahan nila kami, at alam kong may alam na sila about sa pamilya ni Selena." Sabi nya..

" Anong.. anong nalaman?."

" Na may ginagawa silang illegal, like nag bebenta ng drugs, kaya nga sila successful diba?." Sabi nya, para akong nalagutan ng hininga sa mga nalaman ko, sila selena? Imposible.

" Yun ang tunay na dahilan kung bakit namin kailangan patahinikin yang Vlades nayan, sagabal sa mga plano, bago pa sila tumaba, diba dapat na agad ligpitin?." Sabi nya, masama ang tingin ko sa kanya kasabay ng pag patak ng luha ko na muka namang ikina tuwa nya.

So.. hindi nga talaga ako niloloko ni Decker? Palabas lang lahat ng sinabi ni Selena? Hinde... Hinde pede..

Palabas na sana si Erick ng pinto ng tumigil sya, humarap sya sakin.

" Oo nga pala, maganda kung maaalala mo yung nakaraan mo, para naman pag nakita mong nag hihirap ang pinaka mamahal mo, mas lalo kang masaktan, ang ganda non diba? Hahaha!." Sabi nya bago tuluyang lumabas, napa upo nalang ako sa sahig.

Bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Karl noon, nung nasa mansyon kami.

Sabi nya, Mag iingat kadaw, wag kadaw basta mag titiwala sa mga taong nakapaligid sayo, dahil hindi lahat ng nakikita mo totoo.

Tama, ngayon alam kona kung sino ang tinutukoy ni Kudos sa babalang yon.

Kakabisita kolang sa kanya, hindi ko mapapatawad ang gumawa non kay Kudos, pero.. wala akong magagawa sa bagay nayon.

Alam ko Selena, alam kona ngayon kung bakit mo nasabi sakin yan, wala kang magagawa kasi kaibigan morin yung nanakit, pero hindi patas yun, walang ibang gagawa kay Kudos non kundi si Erick lang.

Simula palang Selena, nag sinungaling kana, ng dahil sa kasakiman nyo, andaming nadadamay at napapahamak, kaya hindi ko kayo mapapatawad.

Lumipas ang ilang araw, ilang beses narin ako nag tangkang tumakas kaso masyadong mahigpit, wala rin akong maisip na matatakasan, at minsan nalang rin mag pakita si Selena.

" Malapit narin matapos ang pag hahanda." Sabi ng lalaki habang nag uunat.

" Alam mo yung Vlades nayon? yung target natin?."

" Oh? Anong meron?." Tanong ng lalaki, umupo ako ng maayos at handa ng makinig, alam kong si Decker ang pinag uusapan nila.

" Nakakatakot sya pre, nabalita nga sya e, andaming kumpanya na pinasara at pinagiba nya, at mas malala pa nito, malalaking kumpanya yon."

" Ows.. Hindi nako magugulat dahil isa syang Vlades, may mga tawag sa kanila, pero dahil sya ang target natin, sya yung inalaman ko, alam mobang nakakatakot talaga sya kaya nga tinawag syang the destroyer king, dahil pag binangga mosya, masisira talaga ang buhay mo." Sabi ng lalaki, hindi nako magugulat, dahil alam ko naman na mahilig manira yung lalaking yon, pag may hindi sya nakuha, para syang baliw na mag wawala.

" Tama bang sumama pa tayo dito? Kahit na makuha natin ang isang million, ano pang magagawa non kung mawawala rin tayo sa mundo?." Sabi ng lalaki kaya binatukan sya ng kasama nya.

" Wag kangang maingay, pano kung marinig tayo ni boss? Tyaka hindi tayo mahuhuli, at isa pa, bakit ka matatakot sa taong mamamatay rin naman?." Sabi nito sabay tawa, pinunasan ko ang luha ko, hindi pedeng mamatay si Decker, kailangan nyapang mag paliwanag sakin kung bakit hindi nya sanabi sakin, yung about sa kanila ni Zane.

Tumayo ako at sumilip sa bintana, Wala naman akong ibang nakikita kundi mga puno, pero mas gusto kopang tumingin sa mga puno kesa dito sa kwarto, nauumay ako.

" Pre may narinig ako, wag kang maingay ah." Sabi ng lalaki, ramdam ko ang pag tingin nila sakin pero nag panggap ako na hindi nakikinig.

" Balita ko ang babaeng yan si ___."

" Puro kayo kwentuhan." Kahit Hindi ko tingnan alam kona kung sino sya.

" Sorry po, sige po lalabas na kami." Sabi ng dalawa at lumabas na, nakakabitin yung usapan nila, na curious ako kung sinong tinutukoy nila.

" Mag usap tayo." Sabi nya pero Hindi ako nag salita at nanatiling naka tingin sa labas, wala akong time makipag plastikan sa kanya.

" Red, may sasabihin akong importante."

" Mas importante bayan sa buhay ko?." Sabi ko, narinig ko ang pag buntong hininga nya.

" Oo." Sabi nya kaya napa lingon nako sa kanya.

" Sige, mag salita kana."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now