Chapter 87.

10 3 1
                                    

RED POV.

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na parang may tumatali sa katawan ko, pag mulat ko ay Hindi ako nag kamali, nakatali nanga ako ngayon sa isang upuan.

" Ano to?." Inis na sabi ko at pilit na kumakawala kaso mahigpit ang tali, lumapit si Erick at kinapitan ang panga ko habang naka ngisi.

" Erick! Wag mosyang kapitan!." Inis na sabi ni Selena kaya bahagyang natawa si Erick at lumayo kasabay ng pag taas ng kamay.

" Kalma, wala akong gagawin." Sabi nito bago ako tingnan ng diretso sa mata.

" Oras na." Sabi nito bago kunin ang cp, nagulat ako kasi cellphone koyon.

" Teka! Anong balak mo!?." Sabi ko.

" Mag isip kanga, paano namin matatawagan yung Vlades nayon kung hindi namin alam ang number?." Sabi nito at may pinakita sa screen.

" Eto yon tama ba? Andaming missed call e." Natatawang sabi nito, pilit kong kumakawala dahil sa inis.

" Ano bang binabalak mo?."

" Tawagan sya, obvious ba? Lagyan nyona ng tape yan." Sabi nito kaya nilagyan nako ng mga tauhan nya, makawala lang ako rito sasapakin kosya.

" Shh.." Ngising sabi nito at narinig namin ang pag riring, hindi nag tagal at sinagot narin ng kabilang linya.

" Red!? Where the hell are you!?." Inis na sabi nito, pero mababakas ang pag aalala sa tono ng pananalita nya, gusto kong maiyak, kung sana lang nakinig ako sa kanya, hindi mangyayare to, mapapahamak sya dahil sakin.

Naaalala ko, yung huling away namin ni Erick, dehado na kami ni Kudos buti nalang dumating si Karl, ngayon alam konang hindi kona kakayanin pang lumaban sa marami, wala nakong kayang gawin.

" Kalma Vlades." Natatawang sabi ni Erick..

" Who are you?." Malamig na sabi nya kaya natawa si Erick.

" Nakakatakot naman kayong mag shota, boses nyo palang kinikilabutan nako, pano kaya kung patayin ko ang isa sa ___."

" Fuck you!." Diin na sabi nito dahilan para mapatawa nanaman si Erick.

" Wag kang ganyan Vlades, bihag namin ang pinaka mamahal mo, kaya mag ingat ka sa mga sinasabi mo." Ngising sabi ni Erick, alam kong galit na ngayon si Decker, mabilis pa naman uminit ang ulo non lalo na pag ang usapan ay ako.

" What do you need? If you need money just say it, just let her go." Sabi nito.

" Hindi naman pera ang kailangan namin."

" Then what?."

" Ikaw." Diretsong sabi nito.

" Who are you? And why did you included her?." Malamig na sabi nito.

" Syempre, mapapapunta kaba namin dito kung wala kaming kukunin na mahalaga sayo?."

" I want to hear her voice."

" Bakit miss mona ba?."

" I'm just making sure that she's ok." Sabi nito, pinatanggal naman ni Erick ang tape sa bibig ko at tinapat sakin ang cp.

" Decker.. please wag hmm.." Tinakpan na agad ng tape ang bibig ko kahit hindi pako tapos mag salita.

" Red! Please, wait me, I'll be there to save you."

" Wow naman, nagpapaka super hero ka, nakaka touch."

" Send me the location, I'll be there as fast as I can." Sabi nito, umiling iling ako, hindi Decker, mas ok na pala na mamatay ako dito kesa naman madamay kapa, wag na, kahit alam kong malakas ka, walang mag sasabi kung sino ba ang mananalo..

" Wag kang mag sasama ng kahit na sino, Lalo na ng mga pulis."

" I know, Just don't touch her, you'll regret it if you do." Nag babantang sabi nito bago patayin ang tawag, napatawa naman si Erick na hinarap ako.

" Matapang talaga sya, nakakatakot, diba sabi mo hindi mopa nakikita ang makakatalo sayo? Pero mukang nakita mona." Ngiting sabi nya bago tanggalin ang tape sa bibig ko.

" Ano bang sinasabi mo?."

" Si Decker Vlades, imposibleng matalo mosya, sya ang kahinaan mo, tama?." Sabi nya at pinantay ang muka sa muka ko.

" Kaya kung mapapatay kosya, malaking tagumpay ang makukuha ko." Sabi nya, napatawa naman ako.

" Tagumpay? Kalokohan, pagkapanalo lang ba ang ikakasaya mo? Napaka babaw mo pala." Sabi ko, inis syang tumayo ng maayos at masama akong tiningnan.

" Hindi mababaw yon, dahil matagal konang gustong patumbahin ka."

" Kaya ba ginagamit mo ang ibang tao para manalo? Hahaha.. Hindi parin matatawag na tagumpay kung hindi ikaw ang tatapos mag isa, mahina ka parin tulad ng dati, immature the little commander." Sabi ko kasabay ng malakas na pag tama ng palad nya sa muka ko, may nalasahan akong dugo.

" Kung ako sayo, tatahimik nalang ako." Sabi nito, agad syang tinulak palayo ni Selena at nilapitan ako.

" Ok kalang ba? Erick naman! Nag usap na tayo, hindi mosya sasaktan, bihag lang sya." Inis na sabi ni Selena.

" Kasalanan nya, inubos nya ang pasensya ko." Sabi nito bago umalis, hinarap ako ni Selena at hinawakan ang pisngi kong sinampal, pero inis ko kolang na iniwas ang muka ko.

" Umalis kana."

" Cous__."

" Umalis kana sabi! Kinasusuklaman kita! Ayoko ng makita ang pag mumuka mo kahit kailan!." Galit na bulyaw ko sa muka nya, kita ko kung paano tumulong ang luha nya, tumayo sya at pinunasan yon, nag iwas sya ng tingin.

" Babalik nalang ako." Sabi nya at umalis na, naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya tumungo nalang ako.

Kahit na galit ako sa kanya, pinsan ko parin sya, nasasaktan ako dahil ganito na kami, sobrang lapit namin sa isa't isa kaya nasasaktan ako, pero sya ang gumawa ng dahilan kaya nangyayare to, dahil sa kanya mapapahamak pa si Decker.

Alam kong may kasalanan rin ako, dahil kung nakinig ako kay Decker hindi sana mangyayare ang mga to, kasalanan koto, kasi matigas ang ulo ko, lagi nalang yung gusto ko ang ginagawa ko..

" Kawawang nilalang, ngayon na ang araw na mawawala nasya sa mundo."

" Gandang babae pa naman, hindi mo talaga aakalain na sya ang tumalo kay Boss Erick noon."

" Wag natin sya tingnan bilang babae, delekado sya, kaya dapat mag ingat tayo, dahil kung makawala yan, abay yare tayo."

" Pero sabi ng dalawang nag bantay dyan, Wala naman syang ginawa, imposible naman na may gawin yan, babae parin sya, kaya tara na, kumuha muna tayo ng makakain, papasukin muna natin dito yung nasa labas." Sabi ng isa at narinig kona silang lumabas pero may pumalit.

" Eto naba talaga ang katapusan namin?."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now