Chapter 76.

3 2 0
                                    

RED POV.

" Maraming salamat sa inyo, hindi na namin alam kung paano makakabawi sa inyo." Sabi ng mama ni Totoy.

Kakatapos lang ng usapan namin about sa pag lipat nila, at nag offer narin ako ng trabaho para naman may pang gastos sila at mapag aral yung dalawa.

" Wala poyon, nangako po ako kay totoy at masaya rin po kaming makatulong, yung tauhan napo ni Decker ang bahala tumulong po sa inyo mag lipat, tawag lang po kayo pag may kailangan." Sabi ko, tiningnan ko si Totoy at naupo sa harapan nya.

" Natupad kona ang pangako ko, kaya ngayon, ikaw naman ang mangako, mangako kang poprotektahan mo Ang Kapatid at mama mo kahit anong mangyare." Sabi ko, ngumiti naman sya at tumango.

" Promise kopo yan, salamat po talaga, kung hindi dahil sa inyo, baka wala na ang kapatid ko." Sabi nya, ginulo ko naman ang buhok nya bago tumayo.

" Osya aalis na kami, aasahan koyang pangako mo." Ngiting sabi ko, at hinarap na ang mama nya.

" Aalis napo kami."

" Sige, mag iingat kayo, at salamat ulit." Sabi nya, nginitian ko sila bago tuluyang sumakay sa kotse.

Ng umandar na ang kotse, napa tingin ako kay Decker na naka tingin lang sa labas, na para bang may iniisip.

" Ehem.. ayus kalang?." Pasimpleng tanong ko at tumingin sa bintana, ng wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, naisip ko na baka hindi nyalang narinig o baka naman akala nya hindi sya yung kausap ko, tiningnan kosya at naka tingin parin sa bintana.

" Decker." Mahinahon na tawag ko sa kanya pero hindi sya tumingin, problema nito? Inis parin kaya to dahil sa pag yakap sakin ni totoy?

" You know what.." Panimula nya at tumingin sakin, napa upo naman ako ng maayus at inantay ang sasabihin nya.

" Bigla akong na curious sa mahihirap, alam ko naman na galing sa mahirap na pamilya ang mga bata na nasa ampunan, pero iba kasi yung ganito." Sabi nya, napa hinga ako ng malalim at napa sandal.

" Napaisip kaba dahil sa pamilya ni totoy?." Tanong ko.

" Yeah.. I can't ralate why they need to sale their daughter, I can't understand, I know they need money, but is there no option to not to do that?." Tanong nya, napa ngiti ako at tiningnan sya.

" Talagang hindi mo maiintindihan, Hindi nako mag tataka kasi isa kang Vlades, minsan talaga sa sobrang kahirapan hindi na makapag isip ng matino ang tao, kaya nagagawa nalang ang bagay na kahit labag sa loob nila." Sabi ko.

" Now I can ralate." Sabi nya.

" Panong naka relate ka?."

" May pagkakapareho, ayan ay tungkol sa kahirapan, sakin naman about sa love, I'm doing the things that I don't want to do on purpose, because I know that I'm hurting you at the same time, hurting me too." Sabi nya, napa titig ako sa kanya at napa iwas narin.

Naging tahimik sa loob, hindi narin ako nag tangka pang sumagot dahil wala naman akong maisasagot

Hindi nag tagal ay nakarating na kami sa mansyon, nauna nakong bumaba at pumasok sa loob.

" Wait." Rinig kong tawag nya, didiretso na sana ako pataas ng maramdaman ko ang pag hawak nya sa pulsuhan ko kaya no choice ako na humarap sa kanya.

" What?."

" I just want to know, if you still love me." Sabi nya kaya napatitig ako sa kanya.

" Akala ko hindi na importante yon basta nasa poder moko." Sabi ko at napatawa ng sarkastik, binitawan nyako at hinarap ng maayos.

" Please answer me."

" Pano kung hindi na?."

" Lair, I can see to your eyes if you are lying."

" Kung ganon bakit mopa ako tinanong kung hindi ka naman pala maniniwala?."

" Because I want to hear it from you that you still love me."

" This kind of conversation is nonsense, can we avoid this kind of topic? This is nonsense."  Sabi ko bago tuluyan ng umakyat at pumasok sa kwarto.

Naupo ako sa kama, napakapit ako sa dibdib ko, hindi kona alam ang iisipin, nasasaktan kasi ako pag nasasaktan kosya.

Nasasaktan ako kasi hindi ko masabing mahal kosya, hindi ko magawa dahil hindi panga ako tapos sa pag hihinala sa kanila ni Zane, pero kahit na ganon, alam kong sya parin ang hahanapin ko.

Lumipas ang oras hanggang sa mag dilim ay nandito lang ako sa kwarto ko, hindi nako nag tangka pang lumabas at baka mailang lang ako.

Lumapit ako sa bintana at sumilip, napa tingin ako sa bodega dahil bukas ang pinto, napansin korin na wala si Romeo sa paligid, baka pumasok sya don.

Dali Dali akong lumabas ng kwarto, pag baba ko ay wala naman si Decker kaya lumabas na ako.

Madilim at mahangin dito, masyadong maliwanag ang bwan kaya kitang kita ko ang dinadaanan ko.

" Romeo nandito kaba?." Tanong ko at binuksan ang ilaw dito sa bodega, kaso wala naman akong nakitang Romeo, saan kaya yon nag punta? Hindi kopa sya nayayakap simula ng maka uwi ako dito.

Tumingin tingin nalang ako sa mga gamit dito, mga gamit lang naman sa garden at wala na.

Naisipan konang lumabas kaso biglang namatay ang ilaw at nag sara ang pinto kaya nag panic ako.

" T-teka! May tao pa rito!." Sabi ko habang kinakalampag ang pinto.

" HOY! BUKSAN MO! HINDI MOBA AKO NARIRINIG!?." Napasigaw nalang ako dahil sa takot.

Napa upo ako at si Decker ang unang pumasok sa isip ko, imposible naman na si Decker ang mag sara alangan lumabas yon para lang isara tong bodega.

" Decker." Naiiyak na banggit ko sa pangalan nya, Hindi ko alam kung bakit ako natatakot, napa tingin ako sa bintana ng may pumasok don na bagay at nahulog sa kung saan.

Dali Dali akong tumayo para sana buksan yung bintana kaso naka lock na.

" Tulong! May tao pa rito!." Sabi ko habang hinahampas yung bintana, nauubo narin ako dahil may nalalanghap ako na parang usok na pumapalibot sa buong bodega..

" T-tulong!." Nahihirapan na sabi ko at tinakpan ang ilong ko.

" Please! Tulong! D-decker." Nanghihinang sabi ko, nararamdaman ko narin na malapit nakong bumaksak.

" RED!!!." Rinig kong sigaw ni Decker, alam kong malapit sya dito.

" DECKER!!." Binuhos kona lahat ng lakas ko sa huling sigaw nayon bago ko naramdaman ang katawan ko sa sahig.

" Fuck! Baby!." Rinig kong sabi nya habang sinusubukan buksan ang pinto.

Sa huling ubo ko ay ang pagkasira ng pinto, Malabo narin ang paningin ko at inaantok narin.

" Baby!."

" Decker." Huling sabi ko bago tuluyan mapapikit.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now