Chapter 70.

12 2 0
                                    

RED POV.

4 na ng hapon ng makarinig ako ng katok mula sa labas, kaya bumangon ako at pinagbuksan sya ng pinto.

" Oh.. totoy ikaw pala." Sabi ko, nag taka ako kasi namumula ang mata at ilong nya, kahit hindi ko tanungin alam kong kagagaling nyalang sa pag iyak.

" Pasok ka." Sabi ko kaya tahimik naman sya na pumasok sa loob, pumunta kami sa kusina, inabutan kosya ng tubig at naupo sa tabi nya.

" May nangyare ba?." Tanong ko, sinubukan nyang pigilan ang pag iyak nya pero napa hagulgol narin sya kaya niyakap kosya.

" Bakit? Anong problema?."

" K-kasi.. sabi ni mama, kukunin na si Lillie sa isang linggo, p-pinapaampon nanya.. k-kasi hindi nanya daw kaya kaming b-buhayin." Iyak na sabi nya, kahit ako nalungkot don..

" Shh.. baka pedi pang magawan ng paraan." Sabi ko pero umiling sya at kumalas sa pag kakayakap sakin.

" Nakapag desisyon na si mama, hindi na mag babago yun." Sabi nya.. dalawa nanga lang silang mag kapatid tapos mag kakalayo pa sila.

" Hindi ko hahayaan na malayo sayo ang kapatid mo." Sabi ko kaya nag tataka nyakong tiningnan.

" Wala naman po tayo__."

" Meron, gaya ng pangako ko sayo, pag aaralin kita isama mona rin ang kapatid mo, bibigyan ko ng trabaho ang magulang mo." Sabi ko pero napa iwas sya ng tingin.

" Kelan papo ba mangyayari yon?." Iwas tingin na sabi nya, parang tinusok ang puso ko dahil sa tanong nayon..

Kelan ngaba Red? Kelan ngayon kailangan na kailangan na nila ng pera? hindi kasi ako makauwi, at hindi sapat tong laman ng credit ko, baka ako naman ang gipitin.

Napa buntong hininga ako, pag nawala ang kapatid nya malulungkot sya ng sobra, syempre pag nalungkot sya ay malulungkot rin ako, kasi sya yung nag papasaya sakin tapos hindi kosya magawang pasayahin, natatakot ako na baka hindi kona sya makitang masigla at masaya pag nag kataon.

" I'll find a way, hindi ako papayag na mangyari yon, alam kong ayaw rin tong gawin ng magulang mo, kaya gagawin ko ang lahat para tulungan kayo." Seryosong sabi ko kaya pinunasan nanya ang luha nya at tumingin sakin.

" Paano mopo gagawin yun?." Tanong nya, ngumiti ako sa kanya.

" Dahil ako si Red Stavila, mag tiwala ka totoy, hindi kayo mag kakalayo ni lillie, bigyan molang ako ng oras." Sabi ko habang naka ngiti sa kanya, ngumiti narin sya na ikina gaan ng dibdib ko.

" Naniniwala po ako sayo."

KINABUKASAN.. naalim pungatan ako ng makarinig ng ingay mula sa labas, tiningnan ko ang oras at 5 na ng umaga, agad akong bumangon sa kama at sinilip ang bintana, ganon nalang ang kaba ko ng makita ang mga naka hilerang itim na kotse, mga lima yata yon, at hindi ako peding mag kamali.. tauhan nila to..

Ng mag si babaan na sila ay agad akong nag madaling kunin ang bag ko at nilagay ang laptop ko at ibang importante, mabilis akong tumakbo sa kusina at lumusot sa bintana..

Bago pako tuluyan makaalis, nilingon ko muna ang loob, naka pasok na sila, at kitang kita ko yung mala halimaw na presensya na ayaw konang muling harapin, pag katapos kosyang sigawan sa bahay baka hindi nanya ako maihatid ng buhay kay Decker..

" Hanapin nyo dali!." Sabi ng lalaki, tumakbo na ako, pero hindi pako ganon nakakalayo ng may humarang na sakin, shit...

" Wag kana pong tumakas lady Red." Sabi nila pero lumiko ako, hinabol naman nila ako, nahirapan ako kasi medyo mabigat narin tong bag ko..

" Nandito si Lady Red!." Sigaw nila kaya nag labasan narin yung iba sa bahay na tinitiran ko, mga walang hiya! Paano ba kasi nila ako nahahanap!?

Mabilis ang pag takbo ko at pag lampas ng tulay, kaso napa tigil ako ng makita ko ang gulat na gulat na muka ni totoy, natakot ako at tiningnan ang likod, naka habol sila pero malayo layo pa naman.

" Ate Red.. saan kapo pupunta? Sino po sila?." Nag tatakang tanong nya sakin.

" Bakit gising kapa? Bumalik kana sa loob." Natatarantang sabi ko sa kanya.

" Aalis kana po ba? Paano po yung pangako mo?." Para nasyang maiiyak, pero kailangan kona rin mag madali.

" Babalik ako Totoy, mag tiwala ka, babalikan kita, asahan mo ang pangako ko, hindi malalayo sayo si Lillie, pero sa ngayon, kailangan kona munang umalis, babalik ako intayin molang." Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit, ganon rin ang ginawa nya.

Ng marinig ko na malapit na sila agad nakong bumitaw at nginitian sya ng malungkot.

" Aalis na ako, mag iingat ka paalam." Huling sabi ko at tumakbo na ulit, naiiyak ako, naiiyak ako kasi iiwan kona ang pangalawang tinuring kong pamilya, tinuring kona syang kapatid, kaya nasasaktan ako na malalayo nako sa kanya.

Hinayaan ko ang pag tulo ng luha ko, kung sana, kung sana hindi nalang ako pumasok sa Ecker Building nayon, kung sana hindi kona sya nakilala, kung sana hindi kona sya minahal edi sana hindi magulo ang buhay ko ngayon..

Kung sana.. kung sana lang kaya kong ibalik ang oras na hindi sya kilala, gagawin ko ang lahat para hindi kami mag kakilala..

Napapahikbi nako dahil sa pag iyak ko, ok lang, masyado pang maaga at wala rin naman masyadong tao, ang kailangan ko nalang gawin makatakas..

Kahit muntik nakong madapa ay mas binilisan kopa ang pag takbo, napapagod nako sa habulan nato, napapagod nako sa taguan nato, pero kung susuko ako, mapupunta sa wala lahat ng pag hihirap kong to, magiging masaya yung kupal nayon habang ako nag dudusa.. kabet.. malamang pakakasalan nyayon, kaya magiging kabet nako sa paningin ng lahat, at ayoko non..

Napakapit ako sa dibdib ko, ang sakit na kasi, hindi ko kayang malayo kay totoy, gusto kong manatili kasama nya, pero.. hindi kasi pwede, kaya mas lalo akong naiiyak kasi hindi nga pede ang gusto ko.

Eto naba ang kapalit ng lahat? Lahat ng gusto ko nakukuha ko noon, pero ngayon halos lahat ng gusto ko hindi kona makuha, para nakong pinag damutan ng tadhana sa lagay nato.

Bakit kasi.. bakit kasi nakilala pa kita Decker?

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now