Chapter 64.

10 2 0
                                    

RED POV.

12:56 na ng umaga at mulat na mulat parin ako, feel korin yung eye bags ko na nakikisama lagi sa puyat ko..

Hindi ako makatulog, o sabihin nalang natin na ayokong matulog, iniintay ko si Decker, sabi nya uuwi sya ng maaga, nangako sya, pero anong oras na men!? Ano na!!?? Punyetaaa!!

Mag 1 na ng madaling araw at wala pa ang kinginang lalaking yon, ang aga umalis maaga ring uuwi, grabe yung aga namamangha ako..

Halos maluha na ako dito kakaintay sa kanya, antok na antok na ang mata ko, pero hindi kaya ng sistema kong matulog nalang ng hindi pasya nakikita..

Ng makarinig ako ng sasakyan automatic na napa tayu ako at sumilip sa bintana, hindi kotse ni Decker ang nakita ko, pero nakita kosyang bumaba, saan na yung kotseng ginamit nya?

Nangunot ang noo ko ng bumaba ang isang taong hindi ko inaasahan na makitang kasama nya, sarap mag mura, yung walang katapusan..

Pinanood kolang sila habang pinapagpag ang attire ni Decker, wala namang palag ang loko at nag paalam narin sila sa isa't isa, sana madapa kang kupal ka! Anong oras na!? Tapos makikita kolang na mag kasama kayu!! Ayos karin men!!

Bumalik ako sa pag kakaupo sa kama at natulala nalang sa kawalan, hindi ko alam kung anong iisipin ko, pero mas pinili kong wag nalang mag isip.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto at yabag ng lakad nya, hindi kosya tiningnan at naka tungo lang ako..

" Why are you still awake?." Sabi nya na parang nagulat pa na gising pa ako, ah.. baka ayaw nanya talaga akong makitang gising?

" Hinihintay kasi kita.. kumain kana ba?." Ngiting tanong ko sa kanya, tinitigan nya ako at parang inaalam yung iniisip ko.

" Go to sleep now." Utos nya at hinubad nya ang attire nya, tumayo ako at tutulungan na sana sya hubadin yung attire nya ng bigla syang lumayo.

" I can do it myself." Sabi nya at hinubad na ng tuluyan, nasaktan ako sa naging asta nya pero pinilit ko nalang na ngumiti..

" Kumain kana ba? Baka nagugutom kana ipag hahanda kita." Sabi ko.

" No need.. I'm tired please go to sleep now, it's already 1am." Sabi nya at kumuha ng damit nya at tawel..

" Siguro nga pagod na pagod ka, half bath lang ah, baka sipunin ka kung maliligo ka." Sabi ko, hindi nyako sinagot at pumasok na ng cr.

Naupo ako sa kama at nag simulang tumulo ang luha ko, para kasing pinipiga ang puso ko sa ginagawa nyang yan, parang iwas na iwas sya sakin.

Pinunasan ko ang luha ko at napa tingin sa attire nyang naka patong sa sofa, tumayo ako at kinuha yon, ilalagay kona sana sa basket ng may maamoy ako..

Dahil curious ako nilapit ko sa ilong ko ang attire nya, sumikip ang dibdib ko dahil hindi ako maaaring mag kamali, pabango ng babae to, at alam ko ang amoy nya..

Binabahay molang ba ako Decker? Tapos meron ka sa labas?

Sa tanong kong yun don kona di napigilan yung mga luha ko, nag sisimula na kasi akong mag over think, lalo na ng maalala yung kausap ni decker nung madaling araw..

Agad kong nilagay sa basket ng marinig ko ang pag bukas ng pinto, inayos korin ang sarili ko at siniguradong tuyo ang nadaluyan ng luha ko, ngiti kosyang nilingon, habang sya kunot ang noo na naka tingin sakin..

" Why are you still awake? I told you to sleep, why are you so stubborn." May bahid ng inis ang tono nya, gusto kong maiyak, pero nasa harapan kosya.

" S-sabay na tayo matulog, namiss kita." Sabi ko at humina ng bandang huli.. malamig ang titig nya sakin.

Narinig ko ang pag tunog ng cp nya, kinuha nyayon sa table, aalis na sana sya ng lingunin nya ulit ako.

" Dapat pag balik ko tulog kana." Sabi nya at lumabas na, mapait akong napa ngiti.

" Utos bayon?." Mahinang sabi ko sa kawalan.. huminga ako ng malalim at nahiga nalang sa kama..

Kahit wala naman akong ginawa, parang pagod na pagod ako, tumingin ako sa kisame..

Parang kanina lang galit na galit ako, pero nung makaharap kosya para akong nanghina, mahina naba talaga ako? O sadyang mahina pala talaga ako noon pa?

Napapasinghot ako na tumagilid, yung caller kanina, si Zane, sino basya? Bakit parang mas importante pasya kay Decker? Tapos putang ina ako? Paano naman ako? Wala naba syang pake sakin? Tangina naman oh!

Pumikit ako ng marinig ang pag bukas ng pinto, baka magalit nasya pag naabutan nyapa akong gising, e sino bang may kasalanan? Diba nangako sya? Dapat nga ako yung galit kasi sabi nya maaga syang uuwi..

Naramdaman ko ang pag upo nya sa kama at pag sandal nya sa head board, narinig korin ang malalim na buntong hininga nya.

" I can't lose you." Mahinang sabi nya, sino? Sinong ayaw nyang mawala?

" Shine.. forgive me, I love you forever, I can't.. I can't lose you now." Sabi nya sa mahinang boses..

Nag baksakan ang luha ko, hindi rin ako maka hinga ng maayos dahil may mabigat sa dibdib ko..

Decker naman.. ano bayang sinasabi mo? Nandito lang ako oh.. makiramdam ka naman..

" Soon.. Like I promise, I will marry you." Sabi nyapa..

Gagalaw na sana ako ng maramdaman kona na nahiga nasya, patalikod syang nahiga sakin, wow.. shine pala ah! May shine ka naman pala! E bakit moko pakakasalan kung sya naman pala ng gusto mo!? Tarantado!!

Hinde hinde.. hinde Red, nananaginip kalang, oh baka naman bigla lang naalala ni Decker yung pangako nila.

Gusto kong isipin na joke joke lang yun, baka alam nyang gising pako tapos pinag seselos nyalang ako, pero tangina, hindi ganon ang lumalabas e, lumalabas na parang wala lang ako at parang pampalipas lang ako ng oras..

Ng maramdaman kong tulog nasya, gusto kosyang sapakin, pero pumunta nalang ako sa cr at naupo sa isang sulok at umiyak ng tahimik.

Maniniwala ako sa mga sinabi ni Decker, ako lang ang mahal nya, kasi nga nag propose nasya sakin, ako ang pakakasalanan nya, pang hahawakan ko parin ang mga sinabi nya..

Kahit masakit na..

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now