Chapter 42.

12 3 2
                                    

RED POV.

Mag dadalawang linggo na pala akong nandito, ibig sabihin mag tatatlong linggo na simula ng umalis ako sa bahay..

Napa tingin ako kay Kian na may sinusulat, wala silang practice ngayun kaya sya nandito sa condo.

" Wala bang magandang gawin dito?." Tanong ko habang nililibot ang tingin kahit na lagi ko naman itong pinag mamasdan.

" Gawin mo ang gusto mo, kung saan ka masasatisfy." Sabi nya habang nag susulat parin, napa irap ako at tiningnan ang ginagawa nya..

" Ano yan? Gumagawa ka ng kanta?." Tanong ko, tinakpan nya naman yon..

" Wala kana ron, kung wala kang magawa may cake dyan, kainin monalang yon kesa nakikigulo ka dito." Sabi nya na ikina simangot ko.

" Oo na sungit." Sabi ko at pumunta na sa kusina para kunin yung cake na nasa lalagyan, maliit lang naman ito kaya dinala kona sa sala at napag pasyahan manood.

Habang namimili ako ng panonoorin ay napa tigil ako sa pag pindot ng makita Si Dark sa tv..

" Pedi kapo ba naming maimbitahan sa isang interview? Tatanungin lang po namin kung may alam poba kayo sa pag kamatay ni Mr Yuuben?."

" Balita namin ay Huli syang nakipag kita sa isa sa inyong mga Vlades bago sya matagpuang patay sa Makati."

Nanlaki yung mata ko ng marinig ang mga sinabi ng reporter, si Mr Yuuben? Patay na? Hindi kaya..

Napa iling ako ng bigla nalang pumasok sa isip ko si Decker na may hawak na baril nung mga time nayon, pero imposible, kahit naman ganon si Decker alam ko naman na hindi nya kayang pumatay? Hindi ngaba? Pero isa syang Vlades, he can do whatever he want..

Tyaka ngayon lang binalita, at kelan pa kami nakauwi, ay Red, kahit masama ang ugali ng dati mong boss nakasama mosya, at alam mong inosente sya.

" I don't have time for that, you all know that I'm very busy, It's not just one company that I handling right now, I have a lot of properties to handle so don't fucking disturb me because of that stupid man's death, I don't need to speak for that because no one can have an information about what happened."

Malamig na sabi nito na syang nakapag pataas ng balahibo ko, grabe, nakakatakot talaga sya, napa lunok ako ng tumingin sya sa kamera.

" One thing I just want to say, I'm Dark Vlades, and no one can escape on my hand, I can see you even I'm blind, I can bring you back." Malamig at malalim na sabi nya.

Napa lunok ako, hindi ko alam kung sino ang sinasabihan nya pero tinaasan ako ng balahibo.

Sumakay nasya sa kotse at nag alisan na ang mga sasakyan, nilipat kona at sunod sunod akong napasubo sa cake.

Hindi dapat ako mag alala, at isa pa, wala akong kahit na anong koneksyon sa kanila, ang ipinag tataka kolang bakit ako pilit kinukiha ni Decker? Nagalit basya kasi nalaman ko na may gf nasya at hindi nanya ako malalandi? O dahil nag matigas ako? Ewan nalilito talaga ako, kahit sa pag takas kong to hindi ko parin maintindihan.

" Baka naman mabulunan kanyan." Sabi ni Kian ng lumapit sakin at naupo sa tabi ko.

" Wala kang pake." Sabi ko kahit na may laman pa yung bibig ko..

" Mr bean?." Sabi nya kaya tinaasan kosya ng kilay.

" Bakit? May problema ka kung gusto koyan panoorin?." Taas kilay na sabi ko na ikina iling nya, todo parin kung kaba ko kahit anong iwas ko na isipin yon.

Natatakot rin ako, kung sakali ba na makita nila ako? Ano balak nilang gawin sakin? Malamang ay galit na galit nayon dahil sa ginawa kong to.

Pero may karapatan naman ako, wala akong ginawang krimen para mag tago ng ganito, dapat nga sya ang nahihiya dahil sa ginawa nya akong kabit sa relasyon nilang mag jowa.

Naiinis talaga ako sa kanya, hindi na ulit ako mahuhulog sa patibong nya, sisiguraduhin kong hindi na babalik ang pag ka crush ko sa taong yon, dahil babaero sya tsk..

" Alam mo, kung sinasabi mo nalang kasi sakin kung bakit ayaw mong may makakita sayo, edi sana nag kakaintindihan tayo." Sabi nya.

Hindi kopa kasi talaga sinasabi sa kanya ang dahilan, dahil ang tanging sinabi kolang, kailangan ko ng matutuluyan at kailangan kong umiwas sa mga tao, dahil delekado ako, psh ang oa lang, pero parang ganon narin naman yon, malay koba kung ipapatay pala ako non diba?

" Alam mo kahit sabihin kopa sayo wala karin magagawa." Sabi ko, tiningnan nya naman ako na ikina titig ko sa kanya.

" Atleast may alam ako, kesa naman clueless ako kung bakit moto ginagawa." Sabi nya.

" Bakit ba? Ayaw mona ba ako dito? Pedi mo naman sabihin kung nagiging pabiga__." Natigil ako ng subuan nya ako ng Cake, anong problema nya?

" Hyss.. ang ingay mo." Sabi nya at sumandal, sinamaan kosya ng tingin at nanood nalang.

Grabe sya, minsan ok syang kausap minsan naman hinde, kasi minsan bored sya o kaya naman halatang tamad mag salita, tsk ambipolar nya.

" Nga pala, salamat at pinatuloy mo ako dito ah." Sabi ko, kita ko ang pag tingin nya sakin.

" May dahilan naman ako kung bakit kita tinulungan e." Sabi nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" At ano naman iyon?." Takang tanong ko, bigla naman syang ngumisi at naupo.

" Be my date." Sabi nya na ikina laki ng mata ko.

" Huh!?."

" Sa festival pa naman." Sabi nya..

" Seryoso kaba? Ako talaga? Alam mo marami pa nam__."

" Gusto ko ikaw, bilang kapalit ng pag papatuloy ko sayo." Sabi nya kaya napa simangot ako, pero kasama kona non sila Kudos e, tyaka hindi korin alam kung makakalabas ba ako.

" Tsk.. Sig__." Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng magulat kaming dalawa ng may biglang kumalabog sa pinto, sunod sunod na malakas na katok.

" Teka!." Sabi ni Kian at tumayo, tumayo narin ako at sinundan sya, sino naman kayang pesteng nilalang ang nambubulabog samin? Seriously?

Nagulat kami ng masira yung pinto, nanlaki yung mata ko ng tumayo ng ayos ang naka pamulsang lalaki..

" Sino ba kayo?."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now