Chapter 6.

6 2 0
                                    

RED POV.

" Gago panindigan moto ah! Pag di talaga papatayin kita." Sabi ko kay Kudos na ikina tawa nya.

" Oo naman Red, sabihin molang pag uuwi kana, kakain tayo sa labas my treat kasi nag babagong buhay nako." Sabi nya sabay tawa.

" Aba'y dapat lang, puro ka sa libre e." Sabi ko.

" Uy grabe naman, minsan ako nabili ng pag kain ko, pag wala kayo." Sabi nya na ikina tawa ko, para talaga syang tanga.

Ng makapag park na kami sa tapat ng Ecker Building ay bumaba na kami, pumasok kami sa loob, ewan koba at kung bakit pumasok din tong ugok nato.

" Gagi sosyal, mas maganda patong building sa building ko, but anyway, sino pala nag hahandle nito?." Tanong nya.

" Hindi kopa alam e." Sabi ko.

" Luh talaga ba? Bakit naman e dito ka nag tatrabaho?." Takang tanong nya.

" Aba'y hindi kopa nga nakikita si master e, tyaka pumasok kana nga! Agaw attention kana e." Sabi ko at hinampas pasya.

Andami na kasing naka tingin sa kanya, yung iba kinikilig pa, baka pag sasapakin koyang sila, alam ko namang gwapo ang kaibigan ko pero tigilan nila mga muka silang pusit.

" Alis na Kudos!."

" Oo napo, sungit." Sabi nya at nag wave bago tuluyan lumabas, napa tingin ako kay Faye na lumapit sakin.

" Sino yong poging yon? Jowa mo?." Kinikilig na sabi nya.

" Hinde, kaibigan koyon." Sabi ko at nag lakad na kaya sumunod sya.

" Introduce mo naman ako sa kanya." Pamimilit nya kaya napa irap ako.

" Gusto mo kaltukan kita? Kaya kanga aalis kasi lilipat kana ng bahay, kaya di mona makikita yong tangang yon." Sabi ko na ikina simangot nya.

" Grabe ka naman mag salita sa kaibigan mo."

" Ganon talaga kami." Sabi ko at naupo sa gilid ng glass wall.

" Nga pala Red, mag handa kana mamaya ah, eto yung book list ng mga schedule." Sabi nya at inabot yung book list.

" Gagawin ko?." Tanong ko at tiningnan ang mga naka sulat.

" Andyan lahat ng schedule ni master." Sabi nya kaya tumango ako.

" Miss Red.. sumunod ka sakin, ituturo kona sayo ang table mo." Sabi ni Manager haze kaya tumayo na ako.

" Sige po." Sabi ko at sumunod na sa kanya at sumakay na kami ng elevator.

" Tyaka 23 palang ako, hindi tayo nag kakalayo ng edad kaya wag kana mag po." Sabi nya.

" Cge." Sabi ko, ng bumukas ang elevator nag lakad na ulit kami, tumigil kami sa isang table na may computer na at may mga naka lagay narin, at ang katapat ng table ko ang isang pinto.

" Eto ang table mo, at etong pinto nato, eto ang office ni master." Sabi nya kaya tumango ako.

" Sige maiwan na kita, ayusin mona ang gamit mo." Sabi nya kaya tumango ako, paalis na sana sya ng tawagin ko ulit sya.

" Teka Manager Haze, etong computer? Pedi kobang pakielaman?."

" Oo naman, teka." Sabi nya at naupo at kinalikot ang computer, inalis nya lahat ng peding alisin gaya ng mga not important file and pictures.

" Eto.. maayos nato kaya pedi monang gamitin, don't worry ikaw lang ang makakagamit nito." Sabi nya at tumayo, ngumiti at nag pasalamat ako sa kanya.

" Sige mauna nako." Sabi nya kaya tumango ako, naupo ako at nag paikot sa swivel chair.

" May internet kaya?." Tanong ko at kinalikot ang computer, pinunta ko sa chrome at nag search.

Gumana naman kaya pinunta ko sa y8.com, hindi ko alam pero naisipan kong mag laro muna ng bad ice cream.

Ng maboring ako nag log in ako sa fb at nag scroll, napa tigil ako sa pag iiscroll at pinindot ang isang video.

" Sir totoo pobang pina baksak nyo ang pamilyang Rubio?."

" Maraming sabi sabi na marami kadaw babae sa Rubio?."

" Sino ang kasabwat mo?."

" Ano ang iyong dahilan at pina baksak mo ang pamilyang Rubio?."

Tanong ng mga reporter, tumigil ang lalaki na napapalibutan ng body guards at humarap sa camera.

" Say one word, and I'll make sure your life will go in hell." Malamig na sabi nito na kahit ako napalunok sa takot.

Tangina, sino tong nilalang nato? Promise hinding hindi ako malalapit sa taong yan, aba mamamatay muna ako, baka nga sya pa pumatay sakin pag nag kita kami.

Napa iling ako at tumayo at sumakay ng elevator, naboring kasi ako tyaka nakakagutom ang walang ginagawa.

Ng makababa nako nakita kong busy silang lahat, hindi ko naman makita sila manager Haze at Faye.

Lumabas ako ng building at pumunta sa pinaka malapit na 7/11 at bumili ng pag kain tyaka inumin.

Bumalik narin akong building at baka mamaya hanapin ako, habang nag lalakad kumakain ako.

" Hoy gagi ka! Bakit kumakain ka hindi pa oras ng lunch?." Gulat na tanong ni Faye sakin kaya nag taka ako.

" Bakit? Bawal bang kumain hanggat di pa lunch time? E gutom nako tyaka amboring doon sa taas." Sabi ko kaya napahilot sya sa sentido nya.

" Gagi ka itapon mona yan bago payan makita!." Natatarantang sabi nya.

" Bakit ba kasi!? Tangina mo! Kita mong nagugutom yung tao!." Sabi ko, agad namang lumapit samin si manager Haze na kinakabahan din.

" Miss Red hindi ka peding kumain dito hanggat di pa lunch time, baka may mag report sayo." Sabi nya kaya napa irap ako.

" Kanino naman ako irereport ah? Tyaka pedi ba umalis kayo sa harapan ko, napagod ako sa pag lalakad kanina." Sabi ko at mag lalakad na sana ng makita silang naestatwa.

Umiling nalang ako at nilampasan sila, naupo ako sa gilid ng glass wall at kumain ng tahimik.

Hindi kona rin pinansin ang biglaang pag tahimik at tumingin nalang sa labas, wala akong time sa mga jokes nila.

May kumuhit sa balikat ko pero di ko pinansin, tas kinuhit nanaman ako kaya inis kosyang hinarap.

" Bakit ba Faye? Oo na uubusin kolang to tas di nako kakain, nakakagutom kaya kaya chill kalang." Sabi ko, napasapo sya sa sentido nya at gumilid.

Una kong tiningnan si manager Haze at ang katabi nya, para akong nanigas sa kinauupuan ko ng makita kung sinong nasa harapan ko.

" You break my rules." 

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now