Chapter 65.

7 2 0
                                    

RED POV.

Ring ng ring yung phone ko kaya inis kong kinuha yon sa side table, sinagot koyon ng walang tingin tingin.

" Hello!." Inis na sabi ko..

" Grabee!! Anong oras na Red? 12 na at kanina pako nag iintay dito sa labas! Ayaw akong papasukin!." Inis na bulyaw nya kaya napa bangon ako.

" Teka! Lalabas nako!." Nag mamadaling sabi ko at binaba na ang tawag at tumakbo na palabas..

Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng gate, naka taas ang kilay at naka pamewang syang naka tingin sakin.

" Ang aga mo.. nahiya ako." Sabi nya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

" Sorry na, napuyat e." Sabi ko, napa iling nalang sya at lumapit sakin.

" Tara na.. titingnan kopa kung bagay sayu yung Dress.." Sabi nya kaya tumango ako, lalakad na sana ako papunta sa kotse nya ng harangin ako ng mga tauhan ni Decker.

" Lady Red, saan po kayo pupunta?."

" Kila Selena, sasama kasi ako sa party mamaya." Sabi ko..

" Hindi po pedi, wala po kasing sinabi si Master na aalis ka."

" Maiintindihan naman nya ako, sigi na hayaan nyona ako." Sabi ko.

" Hindi po pedi.."

" Sige na! Bored nako dito oh!." Inis na sabi ko, napa buntong hininga naman sila.

" Ganito nalang po, sasama nalang po kami." Sabi nya.

" Huh!?." Naiiritang napakamot ako sa ulo kaya natawa si Selena..

" Hayaan monang sumama, baka hindi kapa makaalis nyan e." Sabi nya kaya napa irap nalang ako, para kasi akong bata na binabantayan pa.

" Sige nanga!." Sabi ko at sumakay na sa kotse, tumabi na sakin si Selena at umandar na ang kotse, wala naman si Decker ng magising ako, kaya paano pako makakapag paalam?

" Anu yan?." Tanong ni Selena at tinuro ang singsing sa daliri ko.

" Nag propose nasya." Ngingiti ngiting sabi ko, pag kasi naaalala ko yung mga sinabi nya kinikilig ako.

" Hmm.." Tango nya, at tumingin nalang sa unahan, siniko ko naman sya.

" Bat natahimik ka?." Takang tanong ko.

" Hys.. ayoko na sanang mangielam, pero seryoso kaba talaga dyan kay Decker?." Tanong nya na ikina kunot ng noo ko.

" Bakit mo naman natanong yan?."

" Ilang bwan mo palang kilala si Decker, at.. isa pa, hindi ako maka move on don sa pinakilala nya." Malungkot na sabi nya.

" Dun sa birthday ko, alam kong hindi ako nag kamali ng rinig, may girlfriend sya Red." Sabi nya na ikina sikip ng dibdib ko, nag iwas ako ng tingin.

" Katrabaho nyayon, mahal nyako Selena, imposible na lokohin nyako, eto nga oh, nag propose nasya." Sabi ko at pinakita pa ang singsing..

" Ikaw.. hindi naman kita pinipigilan sinasabi kolang naman ang alam ko." Sabi nya at tumahimik na, napa tingin nalang ako sa labas, ayokong maniwala sa mga sinasabi nya, mahal ko si Decker, at alam kong ganun rin sya kahit na may pag dududa ako.

Hindi na ulit kami nag usap sa bagay nayon hanggang sa makarating sa mansyon nila, bumaba na kami at pumasok, habang nasa labas naman yung mga tauhan ni Decker, marami sila, dalawang kotse panga ang dala.

Pinaupo ako ni Selena sa kama nya at nilabas ang tatlong fitted dress, may pula, pink at black, puro may glitters kaya pag sinuot kikinang ka talaga, hanep..

" Ano bang gusto mo? Yung normal? Then wear pink, kung gusto mo bongga wear red, pero kung yung pam malakasan, kabog sila sa taray ng dress mo wear black." Ngiting sabi nya..

Daming sinabi, pare pareho namang ayokong suotin, duh! Yung isa, isang sleeve lang tapos off shoulder na yung kabila, habang yung isa parehong off shoulder tapos may pasabit sa leeg, malay koba dyan, habang yung isa backless na off shoulder, at ang malala pa nito puro fitted dress, makikita hubog ng katawan ko, pang baboy.. hihi grabe..

" Ano? Ano gusto mo?." Tanong nyapa, napa ngiti ako ng mapait.

" Wala bang semi-formal?." Sabi ko.

" Mas bagay nato sayo Cous, sige na pili na, wag kana mahiya dahil maganda naman katawan mo, mas maganda panga sa katawan ko e." Sabi nya.

" Kahit na no, ayaw ko!." Bulyaw ko sa kanya kaya napa simangot sya.

" Fine.. eto na pinaka last na babagay sayo." Sabi nya at binalik na yung mga dress at may kinuha.

Pinakita nya sakin ang isang simple dress na color sky clue, above the knee lang sya, may ribbon rin sa likod, basta maganda at eleganteng tingnan..

" Yan!." Ngiting sabi ko at nag thumbs up pa, napa ngiti rin sya.

" Naku.. sabi na e, oh sya 4 aayusan kana, 6 kasi aalis na tayo, pero kumain na muna tayu haha." Sabi nya at bigla naman kumulo ang tyan ko.

" Tara." Sabi ko at tumayo na, sabay na kaming bumaba..

" Anong pag kain?." Tanong ko.

" Alam ko steak e." Sabi nya, napapalakpak naman ako sa tuwa.

" Sarap! Sarap!." Sabi ko na ikina tawa nya.

" Bakit? Hindi kana ba nakakakain non ah?." Natatawang tanong nya, umiling naman ako at nag pout.

" Puro jollibee, kung hindi jollibee mcdo, kakasawaaaa!." Sabi ko..

" Ay.. kawawa naman ang cousin ko, dahil dyan hahayaan kitang lamunin lahat ng steak na lulutuin ni manang." Sabi nya.

" Grabe sa lalamunin ah." Sabi ko at sabay nalang kaming natawa.

May mga naka hain na kaya kumuha nalang kami ng pagkain, nag kwentuhan narin kami.

" Nga pala Red.. yung parents mo, hindi yata makakapunta." Sabi nya.

" Huh? Bakit naman?."

" May aasikasuhin daw e." Sabi nya kaya napa tango ako, nakakalungkot, kala ko naman makikita kona ulit sila mommy.

" Sumama ka nalang samin ng boyfriend ko, ok." Ngiting sabi nya kaya tumango ako.

" Nga pala, para saan yung party?." Tanong ko.

" May importante daw na iaannounce, nalimutan ko kung para kanino e." Sabi nya kaya tumango ako..

Kumain nalang ulit kami, naka tingin lang ako kay Selena, alam ko naman na matagal nanyang kilala si Decker dahil sa parents nya..

Pero.. kasi.. mas nangingibabaw ang pag titiwala ko kay Decker, naniniwala ako sa kanya, kasi nga mahal kosya, ganon naman talaga diba?

" Cous.. nakekwento pala kita sa kaibigan ko, he want to meet you, is it ok?." Tanong nya.

" He? Lalaki?." Takang tanong ko.

" Yes.. mabait sya, kaibigan ko naman sya don't worry, kung inaalala mo na baka mag selos si Decker mo, don't worry babakla bakla yun, hahaha." Sabi nya..

" Sige.. kelan ba?."

" I'll text you pag free nasya." Sabi nya kaya tumango ako, pinag patuloy na namin ang pag kain.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now