Chapter 40.

6 2 0
                                    

RED POV.

Mag iisang linggo na simula ng mapunta ako dito sa bahay nila manong Raze, sila lang ng asawa nya ang nakatira dito dahil yung dalawang anak nila ay may sarili ng pamilya.

Nung una talaga ay nag alinlangan si Manong na patuluyin ako dahil sa nalaman nyang hinahabol ako ng Vlades..

Pero sa huli ay pumayag narin dahil siguro naawa rin sakin, yun ang kondisyon nya, ang sabihin kung bakit ba ako tumatakas ngayon.

" Halika na iha, tayo'y kakain na." Sabi ng asawa ni Manong kaya ngumiti ako at tumayo.

" Sige po." Sabi ko at pumunta na sa dining area at nakahanda na ang pag kain.

" Si Manong Raze po?." Tanong ko ng maka upo na.

" May pinuntahan lang." Sabi nito kaya tumango ako, kumain na kami ng tahimik.

" Iha."

" Bakit po?."

" Ayos lang ba talaga na dito ka? Baka nag aalala na sayo ang magulang mo." Sabi nya kaya napa iwas ako ng tingin..

" Babalik naman po ako samin, hindi kolang po alam kung kelan, dahil may problema papo." Sabi ko kaya ngumiti naman sya ng malungkot.

" Alam moba, kahit na may pamilya na ang mga anak namin ay nag aalala parin kami sa kalagayan nila, kaya sigurado ako na ganon rin ang nararamdaman ng magulang mo sa ngayon." Sabi nya..

" Alam ko naman poyun, pero maiintindihan naman po nila ako." Sabi ko at ngumiti kaya ngumiti nalang rin sya.

Ng matapos ay sya na ang nag ligpit at pinabalik nanya ako sa kwarto kung saan dating kwarto ng mga anak nila.

Napa buntong hininga ako dahil wala manlang akong dalang cp para macall sila mommy..

Alam kong kaduwagan itong ginagawa ko pero wala nakong magagawa kundi ang manatili dito, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nong taong yon, kaya hindi peding makuha nya nalang ako.

" Ah!." Napa bangon ako ng marinig ang sigaw ng asawa ni Manong , agad akong tumakbo palabas at nanlaki yung mata ko ng makitang kapit kapit na ng mga naka itim na lalaki si Manong Raze.

" Manong!." Nag aalalang tawag ko dito.

" Sa wakas, Lady Red nahanap kana namin." Sabi ng lalaki kaya sinamaan kosya ng tingin.

" Sumama kana po samin Lady Red, hindi namin sila sasaktan kung papayag kang sumama." Sabi nito kaya napa tingin ako sa mag asawa na takot na takot.

" Pakawalan nyo sila." Sabi ko..

" Iha.." Nag aalalang tawag nila sakin pero ngumiti lang ako.

" Ayos lang po, kaya kopo ang sarili ko, maraming salamat po sa pag papatuloy." Sabi ko at lumapit na sa mga tauhan ng tarantadong yon.

Pinakawalan na nila si Manong Raze at kinapitan ako, hindi na ako pumalag ng hatakin na nila ako palabas.

" Teka." Sabi ko.

" Bakit Lady Red?." Tanong nila, ng nasa tapat na ako ng Van ay nginisian ko sila.

" Hindi ako Tanga para sumama sa inyo pag katapos kong tumakas." Sabi ko na ikina alarma nila.

" Lady Re_ Arg!." Daing nya ng sipain kosya sa muka, agad kong pinag untog yung dalawa at sinikmuraan naman yung isa, lumuksong ako sa likod ng lalaki kaya natadyakan ko yung muka ng lalaki pa sa likod..

" Bye!." Sabi ko ng makitang sobrang dami na nila, tumakbo ako ng pagka bilis bilis..

Kabado akong palingon lingon dahil hindi ko alam kung saan ako peding pumunta, at isa pa ambilis rin nilang nakakahabol, kaya pinapatumba ko lahat ng nakakasabay sakin.

" Tangina talaga!." Inis na bulalas ko at agad na umakyat sa bakod at tumalon..

Napa daing ako ng magasgasan ang balikat ko, king ina, malay koba na ganito kalubak dito, tumakbo na ako at nag lusot kung saan saan..

Wala akong pake kung saan na ako mapunta, basta makatakas lang, habang tumatakbo pag liko ko ay may nabangga ako, dahil sa bilis kong tumakbo ng mag kabanggaan kami ay parehas kaming natumba..

" Ouch!." Daing namin pareho, bubulyawan kona sana sya ng mamukaan kosya.

" Red?."

" Kian?." Gulat na sabi namin pareho, tumayo sya kaya tinulungan nya akong maka tayo.

" Ayos kalang? Bakit ka tumatakbo?." Takang tanong nya.

" Wala kana don." Sabi ko at aalis na sana ng kapitan nya ako..

" Hindi ka ok." Sabi nya at tiningnan ang braso ko, agad ko naman yon binawi.

" Ayos lang ako, kung gusto mokong tulungan, ihanap moko ng matutuluyan." Sabi ko.

" Bakit hindi ka pumunta sa Hotel? Mayaman ka naman madali kalang makakakuha." Sabi nya na ikina irap ko.

Sa pag kakaalam ko, napaka raming hotel na pag mamay ari ng mga Vlades, at sigurado ako na mahahanap agad nila ako kung mag checheck-in ako sa hotel, kahit na sa hotel namin hindi pedi..

Paano pa tinawag na makapangyarihan at katakot takot ang Vlades kung mahina ang utak nila at hindi maisip na isearch ang mga pag mamay ari namin? aish.. hindi sila basta basta, kaya mabuti ng nag iingat.

" Hindi pedi." Sabi ko na ikina taka nya.

" Kung ganon, bakit hindi nalang ikaw mag stay muna sa condo ko, ako lang mag isa don." Sabi nya kaya tinitigan kosya ng kakaibang tingin.

" Woy! Wag ka naman tumingin ng ganyan, wala akong planong masama, gusto lang naman kitang tulungan kung may tinatakasan ka." Sabi nya kaya napa iwas ako ng tingin.

" Paano mo naman ako mapapaniwala sa sinabi mo?."

" Kinuha monga yung chocolate na binigay ko kahit tinanong na kita kung may lason, pero tinanggap mo parin, you can trust me, Like you said, I can't harm a girl like you." Sabi nya kaya napa titig lalo ako sa kanya.

Tama naman sya, muka naman wala syang balak na masama kaya wala naman sigurong masama kung mag stay muna ako sa condo nya, at kung hindi ako mag mamadali baka makita na ako ng mga humahabol sakin.

" Fine.. Tara na." Sabi ko.

" Chill, puntahan na muna natin yung kotse ko, doon naka park." Sabi nya at tinuro ang daan, tumango ako at nag madali na kami.

Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay sa kotse, parang kahapon lang ng mapunta ako sa bahay nila Manong Raze, ngayon ay iba nanaman ang pupuntahan ko, sakit sa ulo..

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now