RED POV.
3 weeks.. 3 weeks nakong nag tatago sa pisting yon, tangina, nakita kopa muka ko sa tv, at puta.. lost lover daw.. ampotangina talaga!
" She's lost, my lover.. If you see this beautiful face, bring it to me I'll pay who ever you are, just give Red Stavila back to me.."
Naiinis na tinusok ko yung cake na kinakain ko, pag naaalala koyon naiinis talaga ako.
At ang malala, halos sampu na yata ang nalipatan ko dahil sa pisting Dark nayan! Paano nyaba nalalaman kung saan ako? Buti nalang malakas ang senses ko at nakakatakas agad ako..
Kinain ko nalang ang cake ko, napaka boring mag isa, hindi makalabas, hindi mapuntahan sila karl, nag aalala rin ako kung maayos naba ang lagay ni Kudos, patay ang cp ko, hindi ko alam pero natatakot akong buksan.
Kinuha ko yung laptop ko at kinalikot yon, dito rin ako nakuha ng mga balita, mamaya pati pala ibang tao hinahanap na ako.
Gusto ko sanang iopen yung account ko pero natatakot ako, ibang account ang gamit ko ngayon, nag gawa ako ng bago..
Sinara ko yung laptop at tumayo, lumapit ako sa bintana at napa buntong hininga, hindi ko kasi naisip na darating ang panahon na para akong nakawala sa preso at mas isa nalang, ang hirap lumabas kailangan naka disguise pa..
Napa tingin ako sa bolang gumugulong, nangunot ang noo ko, konti lang mga bahay dito at mapuno rin, wala naman nadaan dito kaya kanino yun?
Lumabas ako at nilapitan yung bola, kukunin kona sana ng may marinig akong tumatakbo.
" Bola kopo yan!." Hinihingal na sabi ng batang lalaki at tumigil sa harapan ko.
" Ah.. Eto oh." Sabi ko at inabot sa kanya.
" Salamat po."
" Anong ginagawa mo dito totoy?." Tanong ko, para pasyang nagulat kaya nag taka ako.
" Paano nyopo nalaman ang pangalan ko?." Sabi nya kaya naguluhan ako, ano?
" Huh?."
" Totoy po kasi ang pangalan ko." Sabi nya, hindi ko alam kung matatawa ba ako o kukunotan nalang sya ng noo.
" Ah.. Totoy pala, nahulaan kolang." Sabi ko sabay tawa..
" Ang weird nyopo." Sabi nya kaya napatigil ako sa pag tawa, aba'y.. loko tong batang to ah!
" Chee!."
" Sorry po, dito kapo ba naka tira?." Tanong nya at tinuro pa yung tinutuluyan kong bahay.
" Hinde, pansamantala lang yan dahil wala akong mapuntahan.." sabi ko kaya napa tango sya.
" E ikaw?." Tanong ko naman kaya ngumiti sya.
" Pag lampas po ng tulay, may makikita kapo dong bahay na kulay pula." Ngiting sabi nya.
" E bakit napunta ka dito?." Tanong ko.
" Nag lalaro po kasi ako, tapos bigla nalang pong humangin ng malakas hanggang sa mapadpad po dito yung bola ko." Sabi nya..
" Gusto mobang pumasok muna? May cake pa ako dyan." Ngiting sabi ko.
" Sige po! Basta wala pong lason ah!." Sabi nya kaya natawa nalang ako, kaninong anak kaya to? Ibabalik kolang sana sya kung saan sya nilabas.. cute e..
Pumasok na kami sa loob at kinuha sya ng binili kong cake, nung natripan ko bumili ako, agaw attention nga yung suot ko, para kasi akong holdaper na ewan haha..
" Bata.. ilan taon kana?." Tanong ko habang nakain sya.
" 10 po." Masiglang sabi nya, nakakatuwa syang panoorin kumain.
" Nag aaral kapaba?." Tanong ko, nilunok nya yung kinakain nya at mapait na ngumiti.
" Dapat po grade 4 napo ako ngayun, pero 2 lang po ang natapos ko kasi nung palayasin po kami dito napo kami napunta, hindi narin po ako nakapag aral dahil sa malayo ang school at walang pera." Sabi nya..
Parang tinusok ang puso ko sa mga narinig ko, naaawa ako sa kanya, Oo nakapag tapos ako, pero grabe yung katamaran ko noon at wala akong ginawa kundi ang makipag away, naisip konga pag ako naging presidente ipapatanggal kona yung school school nayan, hahaha pero noon lang yun no..
" Gusto mobang mag aral?." Tanong ko, para syang nabuhayan sa tinanong kong yon.
" Syempre naman po, gustong gusto kopo, kaso sa pag kain palang po hirap na kami, kaya imposible narin po na makapag aral pa ako." Sabi nya, naka ngiti sya pero ramdam ko ang lungkot nya, bahagya kong ginulo ang buhok nya at ngumiti.
" Mag promise kaya tayo sa isa't isa." Ngiting sabi ko.
" Anong promise po?."
" Pag nagawa mokong pasayahin habang nandito pa ako, promise ko na pag aaralin kita hanggang sa maka tapos ka, tapos sagot kona rin mga kailangan mo sa school at bibigyan ko ng trabaho ang magulang mo." Sabi ko na ikina laki nya ng mata, sabay napa ngiti ng malapad..
" Talaga po!? Sige po!." Sabi ko, natawa nalang ako sa sobrang sigla nyang bata, nakakatuwa talaga.
" Baka po joke joke lang poyan ah?." Pout na sabi nya.
" Hindi ah, totoo yun.. pero pag napasaya moko habang nandito pa ako." Sabi ko kaya tumango tango naman sya.
" Sige po, pasasayahin po kita! Basta promise mopo ah!?."
" Oo nga, hindi naman ako malilimutin." Sabi ko, tumango sya at kumain na ulit.
Kala ko magiging boring lang ang buhay ko dito, pero mukang hindi naman, may isang makulit na hulog ng langit, ahihihi..
" Nood tayo gusto mo? Meron akong mga movie sa laptop." Sabi ko..
" Sige po."
Tumayo nako at kinuha ang laptop ko, nag pipipindot narin ako at nag hanap ng magandang palabas, pero naisip ko na animation movie nalang, kahit na malaki nako gusto ko parin yung mga ganito noo!!
Tahimik lang kami na nanood, tuwang tuwa nga tong si totoy dahil wala daw silang tv kaya hindi sya makapanood..
Naaawa tuloy ako, hindi ko naman naranasan ang kahirapan dahil simula ng pinanganak ako, nasa harapan kona lahat, tapos spoiled pako ni daddy sa lahat ng gusto ko.
Habang sila.. papatak muna ang pawis bago makakuha ng makakain, habang ako naman Aircon at kain lang ng kain, parang ang unfair sa mga katulad nila, wala manlang gustong tumulong..
" Ano po palang pangalan mo?." Tanong nya ng nasa kalagitnaan na kami ng pinapanood, ngumiti ako sa kanya..
" Red.. Red Stavila ang pangalan ko."
" Bagay po sayo yung pangalan mo, ang ganda mopo kasi." Sabi nya kaya pabebeng inayos ko ang buhok ko.
" Alam ko naman na maganda ako e."
" Syempre joke joke lang poyon." Sabi nya sabay tawa, napa pout naman ako, sira ulo talagang bata.
YOU ARE READING
The Destroyer King 2(4D)
FanfictionI'M THE DESTROYER KING, WITH NO HESITATION. It's not bad to love a bad guy, especially if that guy is afraid to hurt you, he can't even look to others to you to feel, that he's all yours and all he just do is to you to feel that you're the most esp...