Chapter 82.

5 3 1
                                    

THIRD PERSON POV.

CONTINUE OF FLASHBACK..

lumipas ang isang linggo, masayang nag lalakad si Red galing sa paaralan, ngayon ay nag lalakad ito papuntang 7/11, tumakas rin sya sa driver nya dahil mas gusto nyang mag lakad pauwi..

Habang tinatahak nya ang daan papuntang 7/11 may nakita syang nag kukumpulan sa isang eskinita.

Hindi na sana nya ito papansinin ng marinig nito ang mga sinabi nila sa kausap.

" Wag kana manlaban, ibigay mona ang pera mo, mayaman ka naman diba?."

" Oo nga, kung ayaw mong masaktan wag kang maingay." Napakunot ang noo ni Red ng marinig yon.

" Abay mga loko pala to e." Sabi ni Red at agad na nilapitan sila.

" Hoy.." Tawag ni Red ngunit hindi ito pinansin, naisip ni Red na baka hindi lang sya narinig ng dalawang lalaki.

" Ehem.. Hoy!." Lakas loob na agaw pansin nito, nag tagumpay naman sya at nilingon sya ng dalawang lalaki.

" Sino ka naman? Pedi bang umalis kana? Istorbo ka e." Sabi ng isa, masamang tiningnan naman nito ang dalawa.

" Bullying yang ginagawa nyo, hindi ba kayo naturuan ng maayos?."

" Hoy babae, kung ayaw mong madamay umalis ka nalang." Sabi ng isa at tatalikuran na sana si Red ng mag salita pa ito.

" Bastos naman, kinakausap kopa kayo pero tatalikuran nyona ako?." Sabi nito, inis naman na hinarap sya ng dalawa, halatang naubusan na ng pasensya.

" Alam mo ang kulit mo, halika nga rito." Inis na sabi ng lalaki at tangka na sana nyang hahawakan si Red ng umiwas ito, gulat na naka tingin si Red sa lalaking binubully ng dalawa at tinuro nyapa ito.

" Teka, diba ikaw si Grumpy Boy!?." Gulat na sabi nito at tinuro nyapa, masama naman syang tiningnan nito.

" Wag kang mag alala, hindi ako natatakot." Birong sabi nito at agad na umiwas sa isa pang lalaki na nag tatangkang hawakan sya.

Binaling nanya ang tingin sa dalawa kasabay ng pag iiba ng expression nya.

" Hoy kayo, umalis na kayo, masama ang nakikipag away sabi ni mommy." Sabi ni Red kaya natawa naman ang dalawa.

" Hoy bata____ AHHH!!." Napa sigaw nalang sa sakit ang dalawa ng pilipitin ni Red ang mga kamay nito, napa iling nalang si Red.

" Masama yan, hindi nyo dapat sinasaktan ang babae." Sabi ni Red, halos maiyak na ang dalawa kaya binitawan nanya ito at nag taas ng kamay..

" Self-defense." Sabi nito habang naka tingin sa dalawa na kapit ang mga kamay nito.

" Baliw ang babaeng yan, tara nanga." Inis na sabi nito at nag tatakbo na Sila paalis, napa tingin naman si Red sa lalaking papaalis na.

" Teka Grumpy Boy!." Tawag nito at hinabol ang lalaki, agad namang tumigil ang lalaki at hinarap si Red, ngumiti naman si Red ng pagkalapad lapad.

" Weirdo." Sabi nito bago mag patuloy sa pag lalakad, agad namang napa pout si Red sa sinabi nito at sinabayan ito sa pag lakad.

" Niligtas kaya kita, kaya bakit ang sungit mo parin?."

" I didn't call you to help me." Masungit na sabi nito.

" Hys.. wag kang ganyan, sige ka hindi ka mag kakaron ng kaibigan nyan." Sabi nito ngunit hindi na nag salita ang lalaki, napa simangot ito at nag isip ng gagawin.

" Teka!." Sabi ni Red at pumunta sa harapan ng lalaki para pigilan ito sa pag lakad.

" Diba lagi kang nasa park pero naka upo kalang? Hindi nga kita nakikitang nag lalaro, siguro nga wala kang kaibigan, kaya sige, pumapayag nakong maging kaibigan ka, kaya Tara! Mag laro tayo Grumpy Boy!." Ngiting sabi nito at mabilis na hinigit patakbo ang lalaki.

" Hey Weirdo! Let go!." Inis na sabi nito pero hindi sya pinakinggan ni Red at tuloy tuloy parin sa pag takbo.

Hinihingal silang tumigil sa tapat ng Park, inis na binawi ng lalaki Ang braso nya.

" You're insane, you let me run like that? do you want your life to get miserable?." Inis na sabi nito, ngumiti naman si Red.

" Nag babanta kaba? Siguro kung ano ano na natakbo sa isip mo dahil sa pagod, tara maupo tayo don." Ngiting sabi nito at hinigit na ang lalaki kahit na pilit nitong inaalis ang kamay ni Red.

" Don't touch me!." Inis na sabi nito, hinarap naman sya ni Red ng makarating sa bench.

" Oo napo, Mahal na prinsipe maupo kana po." Sabi ni Red at inupo ang lalaki sa bench.

" Tamana na ang kaka English mo pede ba? Pag hindi ka tumigil kakareklamo ibabaon kita don sa buhangin sige ka." Pananakot nito at tinuro ang hugis bundok na buhangin.

Hindi na nag salita ang lalaki kaya napa ngiti ito, naupo narin sya sa tabi ng lalaki at may kinalikot sa bag nya.

Ng makuha nya ay masaya nya itong inabot sa lalaki, taka naman sya nitong tiningnan.

" Kunin mo."

" What's that?."

" Yogurt, hindi moba alam to? Don't worry hindi ito nakakataba." Ngiting sabi nito.

" No thanks, You have a lot of bacteria, I will never eat when it's not from my chef, in short, I don't accept anything from random people." Sabi nito at tumingin sa ibang direksyon, napa ngiwi naman si Red sa mga sinabi nito.

" Hoy Grumpy Boy, wala akong bacteria ah! Grabe ka naman!." Inis na bulyaw nito at sinimulan ng kainin ang yogurt.

" Kung ayaw mo diwag." Sabi nito, habang kinakain nya ito ay napa tingin sya sa lalaki at napa isip.

Bakit kaya ang sungit neto? Umalis ako dito sa park dahil sa kanya, mabilis kaya akong masaktan, pero ayus lang, siguro ay wala lang talaga syang kaibigan kaya hindi sya marunong makisama sa iba.'

" Stop staring at me weirdo." Sabi nito sa kanya ng hindi manlang sya nito tinatapunan ng tingin.

" Hindi weirdo ang pangalan ko, ako si Red Stavila 8 years old." Sabi nito pero hindi sya pinansin.

" E ikaw ba? Anong pangalan mo?." Tanong nito at sinilip pa ang muka ng lalaki, tiningnan sya nito ng seryoso.

" I want you to disappear in front of me, you're the only girl that makes me annoy like this." Sabi nito, napa pout naman si Red at tumayo.

" Hindi yan ang pangalan mo, kung ayaw mopa sabihin ok lang, tara mag laro na tayo." Ngiting sabi nito at inalis nanya ang bag sa likod ng lalaki bago ito hilahin.

" Hey___."

" Ang ingay mo, para kang babae, hahaha." Tawa nito, napatitig naman sa kanya yung lalaki at wala ng nagawa kundi ang mag pahila dito.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now