Chapter 67.

7 2 0
                                    

RED POV.

Titig na titig ako sa dalawa, tuloy tuloy parin ang tulo ng luha ko kaya pinipilit ni Selena na iharap ang muka ko sa kanya..

" Red.. I told you, girlfriend nya nun si Zane, sya yung girl na pinakilala nya nung birthday ko, imposibleng mag kamali ako, kilala mo si Shine?." Tanong nya kaya napa tingin na ako sa kanya.

Shine? Sya yung nabanggit ng tauhan ni Decker na mahal na mahal daw nya.

" Oh?."

" Nickname ni Zane ay Shine.. Si Zane si Shine, yung babaeng matagal ng gustong pakasalan ni Decker, minsan kona syang nakasama, naging close kami ni Shine, kay shine lang talaga sumusunod si Decker noon." Kwento nya kaya mas lalo akong naiyak, tiningnan ko si Decker habang malamig ang tingin sa lahat, naka hawak naman si Zane sa braso nya.

Kinagat ko ang labi ko, gusto kong makita nya ako, pero imposible yon, sa dami ng tao imposibleng makita nya ako.

" Red.. Sila yung nakita kong nag hahalikan kanina." Sabi nya na kinadurog ng puso ko, para rin akong nabingi.

" Tamana.. mahal nyako.. panaginip to." Iyak na sabi ko..

" May gusto kabang sabihin Mr Vlades?." Tanong ng emcee at binigay kay Decker yung mic..

" I just want to thank you for attending this party, and I'm happy because you will witness how I love this girl beside me, and soon.. We will meet again when our wedding comes, that's all thank you again." Sabi nya na mas lalong ikina durog ko, nag tayuan at palakpakan ang lahat.

Putang ina!

Tumayo ako at pinahid ang luha ko, napa tayo narin si Selena at sinubukan akong kapitan pero nilayo ko ang sarili ko.

" Aalis nako." Sabi ko..

" Teka! Saan ka pupunta!?." Alalang sabi nya pero hindi kona sya sinagot, malalaki ang hakbang kong lumabas.

Mabigat, mabigat sa pakiramdam at nakakapanlambot lahat ng narinig ko, sa mismong bibig nyapa talaga nanggaling..

Hinarang ako ng mga tauhan ni Decker, nataranta pa sila dahil nakita nila ang mga luha ko.

" Lady re__."

" Alis." Madiin na sabi ko.

" Saan po kayo pupunta lady Red?."

" Alis sabe! Putang ina naman!." Galit na sigaw ko sa kanila dahilan para mapalayo sila, tinanggal ko ang singsing sa daliri ko.

" Sapat na ang mga nalaman ko ngayon, para iwan sya.. ibigay moyan sa tarantado nyong master! Paki sabi! Hindi nako mag papaloko pa sa kanya!." Sabi ko at binato sa kanila yung singsing.

Aalis na sana ako ng harangin nila ako, nag sisimula nakong mang gigil sa kanila.

" Umuwi napo tayo Lady Red.. baka magalit po samin si___."

" Wala akong pake!." Sabi ko at pilit na lampasan sila, pero kinapitan na nila ako.

" Hindi po pedi.. pasensya napo, iuuwi napo namin kayo." Sabi nya..

" Hindi ko papayag." Sabi ko at pwersahan na binawi ang braso ko, agad kong sinikmuraan yung isa at sinapak naman yung isa.

Nag madali ako sa pag takbo, hinabol naman ako ng iba, habang yung iba nag si sakay sa kotse..

" Tawagan nyo si Master!." Rinig kong sabi ng isang lalaki na humahabol sakin.

Tingnan natin kung sumagot yan! Busy sya sa lalabs nyaaa gagoo!!

Agad akong sumakay sa Taxi at sinabi ang address kung saan kami pupunta, pinag madali kopa sya dahil naka sunod yung kotse samin..

Parang naulit yung dati na pag takas ko, pero ang iba lang ay umaga noon at gabi naman ngayon, pero wala nakong pakee..

Pinunasan ko ang mga luha ko at mas pinag madali si manong, pag naabutan ako ng mga yon, hindi ko alam kung anong peding gawin sakin ng Decker nayon..

Nag bayad ako ng nasa tapat na kami ng bahay, bumaba ako at nag madaling pumasok, nagulat pa sila mommy ng makita ako.

" Anak!." Tawag nila pero nag madali akong pumunta sa taas at kinuha ang bag ko at laptop, kinuha kona rin yung wallet kong puro credit card..

" Anak.. saan ka pupunta? Bakit ka umiiyak?." Alalang tanong ni mom.

" Anak may nangyare ba?." Tanong ni dad, gusto kong umiyak, gusto kong mag sumbong, gusto kong sabihin sa kanila ang sakit na nararamdaman ko, pero wala ng time, may humahabol sakin at kailangan kong makaalis.

" S-sorry po, sa ibang araw ko nalang po ipapaliwanag, aalis napo ako." Sabi ko at tumakbo na pababa, narinig kopa ang pag tawag nila pero lumabas na ako, nakita ko ang mga kotseng naka tigil, nadagdagan panga..

Binalot ng kaba ang buong katawan ko ng makita ko ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita kopa ulit sa tanang buhay ko..

Dark..

" Fuck shit!." Bulalas ko at patakbo na sana ng may humawak sakin, halos mamura kosya pero si Mommy ang nakita ko.

" Anak.. ano bang nangyayare?."

" Mom! Please bitaw! Wag ngayon! Please!." Nag mamakaawang sabi ko, at sa isang iglap nasa harapan kona si kamatayan.

" I need to bring your daughter Ms Stavila.." Malamig na sabi nya kaya nabitawan ako ni mom, lintek!

Tiningnan kosya, nag tama ang tingin namin, para akong nalulusaw sa tingin nyang yan, bigla akong nanginig ng marahan nyang hinawakan ang buhok ko..

" You need to go home, my brother will be mad if he sees you outside." Sabi nya..

Bakit? Bakit sya magagalit? Nag aalala basya na mawawala ako dahil wala nasyang pam palipas oras?

" A-ayoko.. ayoko ng bumalik don!." Naiiyak na sabi ko, hahawakan nanya sana ako ng ilayo ko ang sarili ko, halatang nainis naman sya.

" Don't make me force you little girl." Sabi nya, humakbang ako paatras at nakipag matigasan..

" Ayoko! Hindi nako babalik sa kanya!." Lakas loob na sigaw ko at tumakbo, sa kabilang daan ako dadaan, hindi.. hindi nako mag papahuli pa, last nato na bumalik ako sa kanya, hindi na mauulit yon, ayoko na! Pagod nako sa kanya!

Ramdam ko ang pag habol nila, wala akong choice kundi gamitin ang alam ko sa pagtakas, habang tumatakbo pinunit ko ang dress na suot ko para makakilos ng maayos.

Agad akong nag sampa sa pader at patalon na bumaba..

" Dalian nyo! Yare tayo kay master!." Rinig kong sabi nila, hindi nako nag aksaya ng oras at nag madali ng lumusot sa kung saan saan.

Tamana siguro ang pag oover think ko, nasagot na lahat ng sabihin nya ang mga katagang yon.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now