Chapter 22.

12 3 2
                                    

RED POV.

Ng maalim pungatan ako ay nag kusot ako ng mata at bumangon, naka tulog pala ako, napa tingin ako sa labas at madilim na, agad kong kinuha ang cp ko at 7 na ng gabi.

Tumayo ako at tiningnan kung nandito naba si Master, pero ni isang bakas nya ay wala..

Naupo nalang ako sa upuan at pinatong ang muka sa mesa, amboring, nasaan na kaya si Master?

Napapikit ako at may naisip, hindi ko papala natatawag si Master sa pangalan nya, bakit hindi ko subukan bigkasin?

" Hmm.. Decker." Sabi ko habang naka pikit, bigla akong napa ngiti, hindi ko alam pero ang lakas ng impact na banggitin ang pangalan nya.

" Decker." Ulit kopa.

" What?." Sagot ng nasa gilid ko kaya gulat akong napa ayos ng upo, nanlalaking mata kong tiningnan si Master na naka tayo sa gilid ko habang naka pamulsa.

" M-master.. kanina kapa dyan?." Kabadong tanong ko, hindi sya nag salita at inurong paharap sakin yung upuan at naupo sya, inayos nya ako paharap sa kanya at nagulat ako ng bigla nya nalang akong niyakap at pinatong ang ulo sa balikat ko.

" Master?." Tawag ko sa kanya..

Hindi sya nag salita, itutulak kona sana sya ng maramdaman ko ang mabibigat na pag hinga nya, bahagya kosyang sinilip at nakita kong tulog nasya.

Napa hinga ako ng malalim at napa ngiti, baka pagod si Master, dat dumiretso nalang sya sa kama para komportable sya.

Inayos kosya para makatulog sya ng ayos sa balikat ko, hindi kosya maihihiga sa hita ko dahil naka yakap sya at mabigat rin ang katawan nya.

Bigla akong namula ng may pumasok sa isip ko, napa labi ako habang dinadama nalang ang muscular body nya, ang sarap tas ang bango pa hmm..

Nasampal ko yung sarili ko dahil sa mga iniisip, grabe nayan Red, pinag papantasyahan mo si Master habang natutulog.

Ilang minuto rin ang lumipas at ngalay na ako sa bigat ng katawan ni Master, buti naman ay naalimpungatan nasya at naupo.

Napa titig ako sa mapupungay nyang mga mata, nakagat ko yung dila ko sa loob, titigan ko palang ang magulo at mapupungay nyang mga mata, kinikilig na ako, kung dati natatakot ako ngayon nag iba na.

" Thank you for letting me rest." Sabi nito, ngumiti lang ako sa kanya, tumayo nasya at tumingin sa ref, mukang nagutom narin sya.

Kumuha sya ng dalawa at pinag isa sa isang mangkok at nilagay na sa microwave oven para mapa init.

Lumapit sya sakin at sumandal sa table, naka cross arm sya habang naka tingin sakin.

" Do I look so handsome?." Biglaang tanong nya, napa iwas naman ako ng tingin, always naman Master.

" Malay ko." Sabi ko, nahihiya kasi akong sabihin na super duper pogi nya, kahit nga yata tumira sya sa lansangan pogi parin sya.

" I'm asking you not as your boss, but as a Decker Infront of you." Sabi nito, napa tingin ako sa kanya kaya nag tama ang tingin namin..

Nag tititigan lang kami at hindi ko alam kung paano iiwas ang tingin sa kanya, hanggang sa napansin ko nalang na unti unti nanyang nilalapit ang muka sakin, ng ilang inches nalang ang muka namin ng biglang tumunog ang oven, pahiwatig na tapos na ito.

Lumayo na si Master at kinuha na yung pinapainit nya, napa tulala ako ng marealize kung anong mangyayare dapat kanina..

" Let's eat." Sabi nya kaya napa kurap kurap ako, napa tingin ako kay Master na nilalagyan na ng ulam ang pinggan ko, may kanin narin.

" Tomorrow, we are leaving in 9am." Sabi nito kaya napa tingin ako sa kanya.

" Bakit? Uuwi naba?." Tanong ko..

" No.."

" E saan tayo pupunta?."

" You'll see tomorrow, so eat now." Sabi nito, bigla naman akong na excite sa sinabi nya, kumain na kami ng tahimik.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil parang may kung anong naka patong sa tyan ko.

Nagulat ako ng makitang naka yakap sakin si Master, akala ko sa sofa ulit sya natulog, hindi naman sa nag rereklamo ako na dito sya sa kama natulog, nagulat lang talaga ako.

Aalis na sana ako ng mapa tingin ako sa payapa nyang muka, sa hindi malamang dahilan ay nahiga nalang ulit ako at tiningnan sya.

" Bakit ang gwapo nyong mga Vlades? Pero I think mas gwapo ka parin sa mga kapatid mo Master, Or.. pedi kobang sabihin na.." Sabi ko, inayos ko ang pag kakatitig ko sa kanya at ngumiti.

" Decker." Mahina lang at baka mamaya bigla nalang syang magising, bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin ko nanaman ang pangalan nya, napakapit ako sa bandang puso ko at tama nga, mabilis..

" May gusto naba ako sa kanya?." Tanong ko sa sarili ko, napa tingin ako sa kanya ng bigla nalang syang gumalaw.

" Good morning." Sabi nya at bagong gising lang talaga ang boses nya..

" Good morning din Master, Ah.. Eh.. punta lang akong Cr." Nag mamadaling sabi ko at bumangon, tumakbo nako papunta sa Cr at nag hilamos, kinapitan ko ang muka ko at tinitigan sa salamin, namumula ang muka ko, sana hindi nya nakita.

Napa buntong hininga ako, bigla namang pumasok sa isip ko ang itsura ni Master kaya namula nanaman ako.

" I think.. I'm starting to like him, sabi kopa naman hindi ako mag kakagusto sa kanya." Sabi ko at napabuntong hininga nalang.

Hindi naman narin ako nag tagal sa Cr at lumabas na, wala na si Master kaya pumunta na akong kusina, pero wala rin sya, nasaan kaya sya?

Papunta na sana ako sa labas ng mapansing may tao sa Balcony, at don ko nakita si Master na seryosong may kausap sa Cp..

Umalis nalang ako at pumunta sa kusina, ako na ang mag hahanda ng almusal, nakakahiya naman kasi kay Master kung sya nanaman ang gagawa.

Napa isip ako bigla, bakit nga pala para akong pinag sisilbihan ni Master? Diba dapat ako yung gumagawa non kasi sya nga yung boss? Tyaka syapa nag babayad ng hotel.

" What's that? A black egg?." Tanong ni Master kaya napa tingin ako sa kanya tyaka sa niluluto ko, nagulat ako ng nangingitim nanga kaya agad kong pinatay yung stove.

" Hala nasunog na." Pout na sabi ko.

" That's ok, you can cook again."

" Pero sayang parin to no, hys."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now