Chapter 86.

8 2 1
                                    

THIRD PERSON POV.

CONTINUE OF FLASHBACK..

Dahil sa gulong nangyayare ay nag labasan na ang lahat ng estudyante, walang tigil sa pagbabakbakan ang lahat.

Bawian ang nangyare kila Red at Erick, walang gustong mag patalo, pero ramdam nilang hindi mag tatagal at lalabas narin ang panghihina ng katawan nila.

Parehas nag tama ang mga kamao nila sa muka, at yung ibang tauhan ni Erick ay baksak na at nanghihina ng tumayo, at Sila Kudos at Karl naman naka upo na ngayon, kahit gusto nilang tumulong ay wala na silang lakas para gawin yon.

" Bakit ba hindi ka nalang mag patalo!? Alam naman natin na mas malakas ako!." Galit na sigaw ni Erick habang nag hahabol ng hininga.

Bigla namang napa ngisi si Red at tumayo ng maayos, pinunasan nya ang pawis at dugo nya, naka ngisi ito ngayon at parang walang nararamdaman sakit, nag unat pa ito.

" Alam mo, wala ka talaga alam." Sabi ni Red habang nag lalakad ng dahan dahan palapit dito.

" Sa tingin moba mapapabaksak moko? Sinabi kona sayo, hindi kopa nahahanap ang taong makapag papabaksak sakin, at ikaw? Para kang langgam na kumakagat, hindi mo kakayanin mag pabaksak ng mas malakas sayo." Sabi nito, sinubukan ni Erick na suntukin ito ngunit nanghina ang tuhod nya, nasalo naman sya ni Red.

" Ngayong nakikita kona ang pagka talo mo, sasabihin kona kung bakit Rose Queen.. Ang Rose Queen ang nag papakita ng kagandahan, kung titingnan mo muka talaga syang hindi mapanganib, pero pag kinapitan mo, dadaloy talaga ang dugo, gamit ang mga matitinik na nakabalot dito, lahat ng mag tatangkang hawakan yon, ay mapapalayo nalang, Ang pulang Rosas ang tunay na nag papakitang kahit anong ganda nito hindi matatakpan na sya aymapanganib, naiintindihan moba? Ang Rose Queen ay isa sa pinaka mapanganib na hahawakan mo, kasing delekado ako ng rose nayon, kaya ako kinakatakutan." Mahabang kwento ni Red bago ito kwelyuhan.

" Hindi masisiyahan ang Rosas pag kinapitan ito ng walang dadaloy na dugo." Sabi ni Red at nag pakita ng kakaibang Emosyon na kinatakot ni Erick..

" Red!." Sa pag tawag nila Karl ay syang pagpapaulan ni Red ng suntok sa muka ni Erick, nag kalat na ang mga dugo sa paligid..

" Red! Tamana!."

" Red! Tumigil kana!." Sabi nila Karl, kahit hirap ang mga to ay pinilit nilang tumayo.

Walang tigil sa pag suntok si Red, halos natakot narin ang tauhan ni Erick, at nag aalala dahil sa itsura nito at sa ginagawa dito.

" Red!." Agad na hinigit ni Karl si Red at si Kudos naman kay Erick na wala ng malay.

" Shit! Patay naba to Karl!?." Natatakot na tanong ni Kudos.

" Dalhin mona sa hospital yan!." Utos ni Karl na syang ginawa naman agad ni Kudos, nag simula namang tumawa si Red, hinarap sya ni Karl at sinampal dahilan para matigil ito sa pag tawa.

" Red, hindi ka naman ganito, nag iiba na yung pinag lalaban mo, parang sarili mo nalang kasiyahan ang ginagawa mo."

" Bakit ba!? Bakit kaba nangingielam!?."

" Red! Makakapatay kana! Tang ina naman oh!." Sigaw nito, namuo naman ang luha mula sa mata ni Red.

" Sa tingin moba talaga ginusto koto? Ni Hindi konanga rin maintindihan ang sarili ko." Sabi nito at nag simulang umiyak.

" Red.."

" Hindi kona alam.. sinapuso ko ang sinabi sakin ni mommy, na wag mang aaway ng tao, oo ginagawa ko, pero bigla nalang akong nag bago, bakit? Bakit ba ako nag bago?." Nanghihinang sabi ni Red, pabaksak na ito ngunit nasalo naman sya ni Karl.

" Sorry Red, sorry, Hindi ko sinasadyang masaktan ka, pero nawawala kana kasi sa saliri mo."

" Sorry.. sorry talaga hindi kona uulitin."

END OF FLASHBACK..

RED POV.

Dahan dahan akong gumalaw, malambot rin ang hinihigaan ko, dahan dahan akong nag mulat at bumungad sakin ang nag aalalang muka ni Selena.

" Gising kana rin sa wakas." Sabi nya at tinulungan akong umupo, gabi narin, mukang nawalan talaga ako ng malay sa pag kakauntog ko.

" Yung lalaki?."

" Yung nambastos sayo? Wag kang mag alala, hindi na masisinagan ng araw ang lalaking yon." Sabi nito kaya nag taka ako.

" Anong ibig mong sabihin?." Tanong ko, ngumiti lang si Selena.

Napakapit ako sa ulo ko, bigla kong naalala yung nakaraan, ngayon alam kona kung bakit ko nalimutan si Decker.

" Selena, diba sinabi mong ako si shine? Pero hindi ko maalala?."

" Oo bakit?."

" Malapit tayo sa isa't isa, kaya malamang alam mo ang dahilan, kaya koba sya nalimutan ay dahil kinalimutan ko talaga sya? At kaya nangyare na kinatakutan ako sa school nung highschool ay dahil sa sakit ng nararamdaman ko ay nagagawa kong manakit? Tama ba?." Tanong ko, tumango naman sya.

" Tama ka." Sabi nya, napa iwas ako ng tingin, kung ganon ginusto kong kalimutan si Decker, nangyare yon dahil inalis kosya sa isipin ko at pinalitan ng karahasan, natigil lang ako sa basag ulo matapos kong talunin si Erick, pero hindi totally na nag quit, nakikipag basag ulo nalang ako pag may naapi or nanghaharang samin.

" Sabi mo hindi kita matatalo." Biglang sulpot ni Erick habang naka ngisi, masama ko naman syang tiningnan.

" Pero tingnan mo, hawak kona ang tagumpay." Ngising sabi nito, napa ngisi rin ako..

" Hindi kapa tagumpay, dahil kahit kailan hindi moko natalo, naaalala moba? Isang taon kang comatose nung unang laban natin, at dahil bumait ako, nung nag balik ka hindi na comatose ang nangyare sayo, mga injury lang, kaya salamat at natauhan ako ng mga oras nayon." Sabi ko, natawa naman ito.

" Masaya ako dahil nakatulong ako, at dahil don, heto at nababalikan parin kita kahit ilang beses mona akong natalo."

" Niminsan hindi ka nanalo, wag kang hambog dahil bihag nyoko, kung gugustuhin ko, kaya kitang patayin." Sabi ko na ikina inis nya.

Ang totoo nyan hindi nako sure kung kaya kopa bang gawin yung dati, dahil matagal nakong tigil sa pakikipag away, ni hindi konga alam kung mananalo paba ako kung mag wa-1v1 kami ni Erick, panigurado kasing handa sya, kaya hanggat maaari, mag iingat ako.

" Kung ganon, bakit hindi mo gawin?."

" Wag nalang, tuso ka kasi, saklap naman kung mamamatay ako ng dinaya, naaawa ako sayo kasi kailangan mopa ng maraming tauhan mabantayan lang ako, natatakot kaba na pag sinugod kita walang tutulong sayo?." Sabi ko, halatang inis na inis nasya.

" Hanggang salita ka nalang, wala kanang magagawa ngayon." Sabi nito at lumabas, sobrang bilis ng tibok ng puso ko na dati ay hindi ko naman nararamdaman.

" Red.."

" Umalis kana, matutulog nako." Sabi ko at nahiga na, wala syang nagawa kundi ang lumabas.

Tama si Erick, hanggang dito nalang ako, wala nakong kayang gawin, dahil Hindi na ako yung dating Red na nakilala nya, ngayon ay mahina nako.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now