Chapter 81.

9 3 1
                                    

RED POV.

Naka higa lang ako sa kama habang naka tingin sa kisame, wala akong magawa kundi ang mag hintay na iligtas ako ni Decker.

Alam kong hindi sya mapapahamak dahil marami syang tauhan, pero nag aalala parin ako, Hindi ko alam kung dapat kobang isipin na dapat nya akong iligtas, dahil maaari syang mapahamak.

Tumagilid ako ng higa pero napa upo narin, mas maganda kung maliligo nako, banas e..

Si Selena ang bumibili ng mga susuotin ko, pero hindi sya yung nag dadala kundi ang mga tauhan nila.

Agad nakong pumasok sa Cr para simulan ng maligo, nag babad ako sa shower hanggang sa marinig ko na nag bukas yung pinto sa labas.

Nag madali nakong nag bihis, hindi kasi ako komportable na maligo pag may napasok dito sa kwarto, kahit na si Selena payan.

Pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako ng bumungad sakin ang isa sa tauhan nila, at ang masama pa nito ay halatang lasing ito.

" Hello." Sabi nito, napa atras ako habang naka tingin sa kanya, hindi maganda to.

" Peding pumasok?." Gegewang gewang na sabi nya.

" Anong ginagawa mo dito?." Matapang na tanong ko kahit may clue nako kung bakit, ngumiti sya sakin.

" Wala naman sigurong masama kung mag sasaya tayo dito diba? Tutal.." Sabi nya at pinasadaan ako ng tingin mula paa hanggang ulo at ngumisi ng nakakaloko.

" Mamamatay karin naman, hindi kana mapapakinabangan kung patay kana diba? Hahaha!." Sabi nito.

" Wag kang lalapit." Sabi ko pero tumawa lang sya.

" Binabalaan kita, wag mokong hahawakan kundi babaliin ko yang kamay mo." Nag babantang sabi ko, pero imbis na matakot ay mas lumapit pasya..

" Hoy babae, tingin moba.. AHH!!." Sigaw nya ng agad kong hinawakan ang kamay nya patalukod.

" Babaliin koto! Bastos ka!." Sabi ko habang naka tingin sa kanya na naka lunod na habang nasasaktan.

" W-wag! Please wag! Masakit!." Sabi nya, nanggigigil man akong baliin ang kamay nya pero binitawan kona rin.

" Umalis kana." Sabi ko, tumalikod nako at nag simula ng mag lakad, kaso bigla nyang hinawakan ang paa ko dahilan ng pagkahulog ko.

Tumama yung ulo ko sa pader dahilan ng pagka hilo ko, napakapit ako sa ulo ko dahil umiikot ang paningin ko.

Shine..

Biglang nanlabo ang paningin ko kasabay ng pag flash ng nakaraan.

THIRD PERSON POV.

FLASHBACK..

" Tita Delia, I'm thirsty." Sabi ng batang si Red.

Ngumiti naman ang kanyang tita at mahinang pinisil ang pisngi nito.

" Ok.. wait me here, bibili lang ako sandali." Sabi ng kanya tita Delia at tumango naman ang batang si Red.

Naupo si Red habang naka tingin sa tita nyang papalayo, habang nag iintay ay nilalaro nya ang kanyang mga paa sa buhangin.

Habang ginagawa nya iyon ay may panyong nahulog malapit sa paa nya, nag angat sya ng tingin at nakita nya ang lalaking nag lalakad, kaya walang alinlangan na kinuha ng batang si Red ang panyo at tumakbo palapit sa batang lalaki.

" Sandale!." Sigaw nito ngunit hindi manlang sya nilingon ng batang lalaki at dirediretso parin sa pag lakad.

" Sandale Grumpy Boy!." Sigaw pa nito, sa pag kakataong to ay tumigil sa pag lalakad yung batang lalaki, napa ngiti naman si Red at mabilis na lumapit sa batang lalaki.

" Hi!." Masiglang sabi nito sa kaharap, wala manlang naging reaksyon ang batang lalaki, at mukang hindi rin nya nagustuhan ang pag lapit ng batang babae sa kanya.

Hindi na sana nya ito papansinin at mag papatuloy na sa pag lakad ng harangin sya ng batang babae na ikina inis nya.

" Teka lang."

" If you need money, just talk to may maids." Masungit na sabi nito at lalakad na sana ng harangin ulit sya.

" Ano bang sinasabi mo? Hindi ko kailangan ng pera mo." Pag lilinaw nito sa batang lalaki.

" Then what do you need from me?." Masungit na tanong nito, agad namang nilahad ni Red ang hawak hawak nyang panyo na ikina tingin naman ng batang lalaki.

" Panyo mo." Sabi nito, tumingin naman sa iba ang batang lalaki at walang balak na kunin ang panyo nya.

" It's dirty now, you can throw it away." Sabi nito at nag lakad na paalis, nilingon naman ni Red ang papaalis na lalaki at napa pamewang ito, naguguluhan sa ugali ng lalaki.

" Teka lang Grumpy Boy!." Habol nito sa lalaki, agad nyang hinigit ang sleeve ng batang lalaki dahilan para mapa harap ito sa kanya, halatang inis na ang batang lalaki dahil narin sa marahas nitong pag layo ng braso nya dahilan para mabitawan ni Red ang sleeve nito.

" Go away! I don't like seeing you and hearing your annoying voice! And stop calling me Grumpy Boy." Inis na sabi nito, tumayo naman ng maayos si Red at masama itong tiningnan.

" Ang sungit mo naman, at bakit mo naman itatapon ang bagay na nadumihan lang? Wala kabang pag papahalaga sa bagay na meron ka!?." Inis na sabi nito sa batang lalaki na ikina gulat nito ng bahagya.

" What the.. are you yelling at me? Don't you have any idea who I am?." Inis na sabi nito, matapang na lumapit si Red dito at nakipag titigan.

" Wala akong pake kung sino ka!." Sabi nito at kinuha ang kamay ng lalaki at pilit na pinahawak ang panyo nito sa kanya.

" Bad ka! Ayoko sa mga guy na bad na tulad mo! Ipalaba monalang yan sa mga maids mo kung ayaw mo ng marumi." Sabi nito at agad na umalis.

Hindi makapaniwalang naka tingin ang batang lalaki habang naka tingin kay Red na papalayo.

Walang sino man ang nag lalakas loob na bastusin sya, ngayon lang ito nangyare sa kanya kaya hindi ito makapaniwala.

" Eto oh, natagalan kaba?." Ngiting tanong ng Tita Delia nya, naka ngiti namang umiling si Red at kinuha ang tubig na dala nito.

" Hindi po, tara napo uwi napo tayo, for sure may naka handa ng masarap na pagkain." Ngiting sabi nito sa tita nya.

" Osige uwi na tayo." Masayang sabi ng Tita nya at nag lakad na sila na magkahawak ang kamay.

" Tita Delia, do you remember the boy? Yung laging nandito rin sa park?."

" Oo naman bakit?."

" Bad sya, sa ibang park nalang tayo pumunta para mag laro." Sabi nito.

" Osige, kung yan ang gusto mo."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now