Chapter 31.

12 2 0
                                    

RED POV.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng pumunta kami dito ni Master, ni hindi nanga malayo sakin si Master e..

Ngayon nandito kami sa sala nanonood, naboring kasi ako kaya nag aya nalang ako manood, habang tahimik kaming nanoood napa tingin ako kay Master ng mag ring ang phone nya..

Nabasa kopa ang caller, agad yon kinuha ni Master at bumitaw na sa pag kakayakap sa bewang ko at tumayo.

" I'll just take this call." Sabi nya at umalis na, napa simangot naman ako, sino naman kaya yung Zane? What the heck! I don't care, kung sino man yon dapat wala akong pake tsk..

Hindi na ako makapag focus sa pinapanood ko dahil sa kakaisip kay Master, bakit ba kasi antagal nya? At bakit ba iniintay kosya? Kakasabi kolang na dapat wala akong pake e..

Nag cross sitting ako at tiningnan ang dinaanan ni Master, bakit ba kasi antagal nya? Nakakainis..

Tumayo ako at pumunta sa Cr dahil nakaramdam ako na naiihi ako, pag ihi ko nagulat ako kasi may dugo, ngayon narealize kona kung bakit ambilis konang mainis nitong mga nakaraang araw..

Nilibot ko ang paningin ko, nag hanap narin ako sa mga drawer at napa ngiti ng may makitang may mga naka stock kaya kumuha ako ng isa, no choice nako e.

Wala namang dugo yung panty ko dahil sumakto lang sa pag ihi ko, ng matapos ay bumalik na ako sa inuupuan namin pero wala pasya, hindi ko alam kung bat naiinis ako pero naiinis talaga ako e, anong magagawa ko?

" Kahit wag na syang bumalik, dun nasya sa Zane nya." Inis na sabi ko, pero at the same time nag taka rin, kasi sa tono ko para akong nag seselos na ewan, napa iling ako at bumusangot kasabay ng pag dating ni Master.

" Why are you pouting?." Takang tanong nya at tumabi sakin.

" Wala!." Nangunot ang noo nya dahil sa biglang pag taas ng konti ng boses ko, ano bayan bakit ba kasi ako naiinis? E wala namang kami..

" Is there's something happened while I'm gone?." Takang tanong nya, inirapan kosya at nanood nalang..

" Baby answer me." Sabi nya na mas lalong ikina inis ko, bakit ba kasi laging baby ang tawag nya sakin? Mapag kakamalan kami nitong mag jowa e..

" Wala nga!." Iritang sabi ko, hinarap nya ako sa kanya ng may seryosong muka kaya napa iwas ako..

" Tell me." Seryosong sabi nya at hinarap nanaman ako sa kanya, sa di malamang dahilan bigla naman ako napa busangot, napaka bipolar ko, siguro dahil to sa may mens ako ngayun.

" Wala nga, nagugutom lang ako Master." Sabi ko..

" Ok.. Then I'll get you some snacks." Sabi nya at umalis na, naka simangot parin akong tumingin sa palabas, napaka moody ko, tsk dinaig pa yung buntis.

Ng makabalik si Master ay may dala dala na itong mga pag kain at binigay sakin, nag simula nakong kumain dahil totoo naman din na nagugutom nako.

" Anyway, we're going home tomorrow, I have an important business to do." Sabi nya, sus.. tumawag lang si Zane nya biglang nag bago, sabi nya nung nakaraan kahit mag palipas pa kami ng isa pang linggo, dahil natutuwa daw si tita Arielle na nandito kami, tapos ngayon biglaan naman ang pag uwi.

" Ok." Sabi ko, hindi naman na sya nag salita kaya nanood nalang kami, pero pansin ko na patapos na lahat lahat yung pinapanood namin ng mapansin ko na naka tutok sya sa cp nya, seryoso syang mag tetext sa kung sino man na nilalang yon.

" Matutulog nako." Sabi ko at dinala na sa kusina yung pinag kainan ko at tinapon sa basurahan yung wala ng laman..

Umakyak na ako at pumasok sa kwarto nya, lagi nalang syang natutulog sa sofa, may kama naman sya, kaya sa sofa nalang ako matutulog, nakakahiya naman sa amo ko, ako pa yung makapal ang muka na natutulog sa sarili nyang kama.

Nahiga na ako sa sofa, malambot naman kaya komportable, maya maya lang ay lumalalim na ang pag hinga ko, pero bago ako makatulog ng tuluyan ay naramdaman ko na may bumuhat sakin..

" Good night baby, sleep well." Sabi nya at bago ako tuluyan maka tulog ay naramdaman kopa ang pag halik nya sa noo ko.

NAKA uwi na kami at naka higa na ako sa kama, hindi na ako pinapasok ni Master at mag pahinga nalang daw ako.

Sa sabado na yung birthday ni Selena, kailangan mapag handaan ko dahil alam kong bongga iyon, pero bukas na at pagod ako.

Balak kona sanang matulog ng bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang maiingay na hampas lupa.

" Red!." Agad nila akong dinamba dito sa kama kaya napasigaw ako, ambigat nila tas dadaganan nila ako? Mga abnormal ba sila?

" Hoy kayo! Kalalaki nyong tao dinadaganan nyo ang babae! Gusto nyo katayin kona kayo!?." Inis na sabi ko at naupo, sinamaan kopa sila ng tingin na ikina simangot nila.

" Namiss kalang e, ansama mo!." Naka simangot na sabi ni Kudos na ikina irap ko naman.

" Pagod ako, tapos dadaganan nyo ako? E kung kayo kaya daganan ko?." Pang hahamon ko sa kanila na ikinalayo nila sakin.

" Chill lang, ang sungit, teka pinahirapan kaba ng boss mo nung nasa Makati pa kayo?." Tanong ni Karl.

" Hinde.. pagod lang ako sa byahe, tyaka kelan kapa naka uwi?." Tanong ko kay karl.

" Nung isang araw lang." Sabi nya na ikina tango ko naman.

" Tyaka teka, paano nyo nalaman na ngayon ang uwi ko?." Takang tanong ko, kasi wala naman akong nababanggit sa kanila e.

" Tinanong namin si Tita, sabi nya kasi baka ngayon ang uwi mo kaya pumunta narin kami." Sabi ni Kudos.

" E bakit ba? Ano bang kailangan nyo?."

" Kailangan agad? Hindi ba peding namiss lang? Tagal narin simula ng makapag bonding tayo, tara gala." Ngiting sabi ni Karl..

" Pagod ako!."

" To naman ang kj, minsan nalang mag sama sama e." Pangongonsensya pa ni Kudos na ikina irap ko.

" Fine.. mag bibihis lang ako." Sabi ko sabay tayo.

" Yown!." Sabay na sabi nila na ikina iling ko nalang.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now