Chapter 2.

7 2 0
                                    

RED POV.

" Wala kang taste pwe!." Sabi ni kudos kaya sinamaan sya ng tingin ni Karl, nag peace sign nalang ito.

Binayaran na ni Kudos yung hawak na polo shirt ni karl at nag palit na ng damit, naka simangot na tumabi sakin si Kudos, tapos bigla syang bumulong.

" Red, ang mahal naman ng tinda dito sa mall, isang polo 350.. siguro scam sila." Sabi nya na ikina tawa ko.

" Kung scam pala sila edi uto uto ka? Alam mo naman pala bibili kapa." Pang aasar ko sa kanya na mas lalong ikina simangot nya.

" Let's go." Agaw attention ni Karl na agad naming ikina tayo.

" Wow pre.. bagay na bagay sayo, pogi kana ngayon, pero ngayon lang ah hehe." Sabi ni Kudos na ikina iling namin, may kasalanan kasi kaya nambobola.

Agad na kaming lumabas at sumakay sa escalator, napa tingin ako sa isang store sa baba na puro teddy, pero umiling ako.

" Red bilisan na natin." Sabi ni Kudos at agad akong tinulak papalakad pataas.

" Hoy tangina ka Kudos! May mababangga tayo!." Inis na sabi ko at ng pagkarating na pagkarating namin sa taas ay may nabunggo nga ako.

" Fuck!." Bulalas ng lalaki, putangina! Ang laki ng katawan.

" Sorry po.. sorry." Paulit ulit na sabi ko at yumuyuko pa.

" Tss blind."

" Panong blind?."

" What?." Kunot noong tanong nya.

" Huh? Wala sabi ko sorry." Sabi ko at hinigit na yung dalawa at makakaalis na sana ng tumikhim sya kaya napatigil kami.

" Turn around." Malamig na sabi nito kaya napalunok ako at hinarap sya ulit.

Tinaas nya ang phone nyang basag kaya napapikit ako ng mariin, seryoso ba? Nabunggo kolang naman sya, bakit nabasag agad? Local pala cp nya e.

" I'll pay fo__."

" Do I look like I need money? This phone is fucking important, all my important things is in here, and the fuck replace my phone in money." Malamig na sabi nito kaya mas lalo akong napalunok.

" Pre chill__." Hindi na natapos ni Karl ang sasabihin ng putulin sya ng lalaki.

" Shut the fuck up."

" Pero sir, galing rin naman sa pera kung bakit meron kang cp ah?." Sabi ko, at mukang maling sinabi kopa.

" Ok.. ganito nalang, papagawa ko nalang ang cp mo, ok?." Sabi ko at agad na hinablot ang cp nya at tumakbo na kami palayo, pero umistop ako at nilingon sya.

" Saan konga pala ibibigay?." Sabi ko, tinitigan nya muna ako ng matagal bago sumagot.

" In my office, Rock Building." Sabi nya kaya tumakbo na ulit kami.

Ng makarating sa arcade ay hingal na hingal kami, ng makabawi ako ng hangin ay sabay kong binatukan yung dalawa at sinamaan ng tingin..

" Ayan! Harut kasi e! Muntik nako mamatay don sa kaba!." Bulyaw ko sa kanila.

" Bakit ako nasama? Si Kudos lang naman nanulak sayo." Sabi ni karl.

" Lolo wag kana mastress.." sabi ni Kudos kaya nakatikim din sya ng batok kay Karl kaya napa simangot nalang ito.

" Tara nanga sa loob." Sabi ko at pumunta na kami sa bilihan ng token.

" Saan tayo una mag lalaro?." Tanong ko habang nililibot ang tingin.

" Tara sa basketball." Sabi ni Kudos at napapapalak pak pa.

" Tara " Sabi namin at agad na kami nag hulog at nag simula na mag shoot, paramihan kami ng shoot kaya tagi tagisa kami.

Ng matapos lumipat naman kami sa bowling, gagi naka perfect nga ako e, talong talo sila haha..

" Wuushuush! Panalo tayo." Sabi namin ni Karl at nag apir pa kami kaya napa simangot nalang si Kudos at gusto rin makiapir.

" Wow! Ano to?." Napa tingin kami sa nag salita at napa ngiti kami ng makita sya.

" Selena!." Sabay sabay na sabi namin at agad namin syang dinamba ng yakap.

" Aray naman guys!." Natatawang sabi nya.

" Anong ginagawa mo dito? Gagi namiss ka namin!." Sabi ko, pinsan ko kasi si Selena, simula pagka bata mag kakasama na kaming apat.

Matapos ang pag lalaro namin ay lumabas na kami at gumala, hindi na namin nakasama pa si Selena dahil may kasama rin sya.

" Teka, saan konga pala to ipapagawa?." Tanong ko habang naka tingin sa cp ng nabunggo kong lalaki, potik nakakatakot talaga yung hayop nayon, may tattoo pa sa kamay at leeg.

" Sakto, ayon oh." Sabi ni Kudos at tinuro pa yung isang shop na may nakalagay na repair gadgets.

Agad kaming pumunta don at agad na tinawag yung tao, lumapit naman agad sya kaya pinakita ko yung cp.

" Kuya, pedi pa kaya tong irepair?." Tanong ko kaya kinuha nya at tiningnan.

" Oo miss, wait lang." Sabi nya at may kinuhang gamit at binuksan ang likod ng cp, nag taka kami kasi nangunot ang noo ng lalaki at tiningnan kami.

" Niloloko nyoba ako?." Inis na tanong nya kaya sabay sabay kaming umiling.

" Hinde po kuya, sa lalaki po kasi yan at nabasag ko kaya ipaparepair kopo sana, nandyan daw po kasi yung mga important file nya." Sabi ko.

" E miss.. sira na talaga halatang sinadya, tyaka grabe naman rin yung pag kasira kaya nag taka ako ng makita tong cp, pero tiningnan ko parin at baka ayos pa pero hinde e, kulang narin yung loob." Sabi nya kaya kinuha nalang namin yung cp at humingi ng pasensya sa abala.

" Aba'y putangina pala ng lalaking yon, sira naman pala talaga tang ina." Inis na sabi ko at nag papapadyak pa sa inis.

" Dat pala talaga sinapak kona yung lalaking yon e, scammer pala." Sabi ni Kudos at napapailing pa.

" E pano yan? Ibabalik mo nalang?." Tanong ni Karl, tumango ako.

" Aba'y oo, alangan itapon ko tas balikan ako non, yare sya sakin makakatikim sya ng isang malutong na sapak, pero bukas kona ibabalik at mag gagabi na." Sabi ko kaya tumango sila at sumakay na kami sa kotse.

" Ano oras? Sasamahan kana namin." Sabi ni Karl.

" Oo nga, baka kung ano pang gawin non sayo, muka pa namang adik." Sabi ni Kudos.

" Kaya kona, tyaka hindi ako basta basta napapatumba no, parang di nyo naman ako kilala." Sabi ko na ikina tawa nila.

" Sige sabi mo e, basta call mo kami kung may ginawa syang masama kami ang back up mo."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now