Chapter 13.

12 3 1
                                    

RED POV.

" WHUAA!! KARL WAG MO KAMING IIWAN!." Sigaw na pag dadrama ni Kudos at niyakap pa si Karl, kaya inis nya itong nilayo sa kanya at sinamaan ng tingin si Kudos.

" Pedi ba Kudos tigil tigilan moko sa paganyan mo ah, di bagay sayo." Sabi ni Karl na ikina kamot nalang ni Kudos, umiling nalang ako at pumasok na kami sa loob at dumiretso sa guess room.

Pag pasok namin naka handa na ang mga higaan at syempre food dahil mag momovie marathon kami ngayon.

" So anong gagawin natin ngayon?." Tanong ni Kudos at naupo sa higaan na naka latag.

" Laro." Simpleng sabi ni Karl at naupo narin kaya naupo narin ako, 5 palang kasi, 6 naman ang simula ng marathon namin.

" What game?." Tanong ko naman.

" Truth or dare." Puma palakpak pang sabi ni Kudos kaya tumango nalang kami ni karl.

Kumuha kami ng bote at pinaikot na ito at tumigil naman ito sakto sakin, seryoso? Ako talaga ang una? Parang hindi ako bida ah hahaha char...

" Ako na mauna, I dare you to slap Karl." Sabi ni Kudos at mukang tuwang tuwa pa sa naisip nya kaya napa iling kami.

" Laro lang ah." Natatawang sabi ko at sinampal si Karl ng di gaano kalakas kaya napa simangot si Kudos.

" Mahina talaga? So unfair." Pag mamaktol nito na ikina tawa lang namin, ngayon si Karl na ang mag dare sakin, nginisian muna nya si Kudos pahiwatig na may binabalak itong masama haha...

" I dare you to make him stop from breathing." Sabi ni Karl na ikina laki ng mata ni Kudos, alam ko ang ibig nyang sabihin don kaya napa iling ako.

Mga sira ulong to, ginawa pakong daan para mag gantihan sa isa't isa.

" Chill my love karl, parang di kaibigan ah hehehe." Sabi ni Kudos ng lumapit nako sa kanya.

" Red naman, kaya mo talagang gawin yon sakin? Sa gwapo kong to?." Pag mamakaawa nya kaya napa irap ako, alam ko namang gwapo sya pero ang asim pag sinasabi nyapa.

" Saan banda?." Tanong ko.

" Dito oh." Turo nya sa muka nya kaya natawa nalang kaming dalawa ni karl na ikina simangot nya.

" Please wag kasi." Pag mamakaawa pa nito kaya tinalaban nako ng paawa effect nya, naupo ulit ako at tiningnan si Karl.

" Paalis kana gusto mo parin na saktan ang loves mo?." Tanong ko..

" Yuck.. di ko loves yan, pero dahil mabait ako sige iba nalang, matapang ka diba Red?." Ngising tanong nya at taas baba pa ang kilay kaya tinaasan kosya ng isang kilay..

" Oo bakit?."

" I dare you to make your boss fall in love with you, and when your boss fall for you break up with him before 1 week, challenge accepted or not?." Ngising tanong nya, at tiningnan pako ng nakakaasar na para bang sinasabi nyang hindi ko kayang gawin yung pa challenge nya.

" Deal.. kaya koyan ako pa." Pag yayabang ko, pero sa loob loob ko gusto konang mag pakamatay, Oo matapang ako wala akong kina tatakutan, pero pag dating sa boss kong yon naurong talaga dila ko.

Pero para hindi ako mag mukang mahina sa harapan nila, inaccept ko nalang dahil no choice.

" Seryoso kaba Red? Hoy Karl tarantado kaba? Kilala nyo naman ang pamilyang Vlades." Sabi ni Kudos.

" Try lang naman diba?." Sabi ni Karl.

" Kahit na, e pano kung mapahamak si Red sa katarantaduha___."

" Ayos lang sakin Kudos, at confident naman ako sa beauty ko no, wala ka yatang tiwala sakin." Sabi ko at nag flip hair pa, tiningnan nya nalang ako na parang nasisiraan nako, pero inirapan ko nalang sya at nag patuloy sa laro.

Inabot kami ng isang oras sa pag lalaro kaya naisipan na naming manood..

" Hoy Kudos, kahit kailan ka talaga, hindi pa nag sisimula yung palabas ubos na agad yung pag kain sayo." Paninita ni Karl kay Kudos na todo parin kain.

" E ang tagal e, alangan ako pa mag adjust sa palabas at hayaang magutom ang sarili ko." Sagot ni Kudos na ikina iling nalang namin.

Pinatay na ni karl ang ilaw at nanood na kami ng tahimik ng mag simula na, halos matapon yung kapit naming pag kain ng bigla nalang sumigaw si Kudos.

" WHUAAA!! ANG GANDA KWASS KONA SYA!." Sabi nya habang turo turo yung bidang babae, sa inis naming ni Karl sabay naming sinipa si Kudos dahilan para mapa subsob sya sa sahig.

" Ouch!." Daing nya at umupong kapit ang kanyang ilong na namumula.

" Napaka sama nyo!." Parang batang bulyaw nya samin.

" Ang ingay mo kasi!." Sabay na sabi namin ni Karl na ikina simangot ni Kudos.

" Sabay talaga?." Sabi nya, inirapan nalang namin sya at binalik na ang attention sa palabas.

Habang focus na focus ako sa panonood bigla nalang nag vibrate ang cp ko sa tabi, hindi kona sana papansinin ng bigla naman itong nag ring.

Balak kona sanang patayin kasi nasa magandang part na kami ng pinapanood ng mabasa ko ang pangalan ni Master Vlades.

" Hello Master? Napatawag ka?." Tanong ko, limang minuto na ang lumipas bago sya sumagot.

" I have a important client tomorrow, so you need to be there too, 8:20am it's that clear?." Sabi nya..

" Ye___." Hindi kopa natatapos ang sasabihin ko ng pinatay nanya, napa simangot ako kasi ang rude nya parin talaga sarap nyang tusukin.

Oo nga pala, nag palitan kami ng number, dahil secretary daw nya ako kailangan nya ng number ko para kung sakaling kailangan ako matatawagan agad ako.

" Sino yon?." Pag uusisa ng dalawa.

" Si Master." Sabi ko..

" Bakit daw?." Tanong ni karl..

" Kailangan daw ako bukas dahil may client syang kikitain." Sabi ko at bumuntong hininga, kahit na ilang araw konang nakakasama si master kinakabahan parin ako pag kasama sya.

Duh.. isa parin syang Vlades, pero kailangan korin naman maging malapit sa kanya dahil sa may deal kami ni Karl.

" Don't forget our deal Red, starting tomorrow, you will do ___."

" I know Karl, you don't need to remind it." Sabi ko at nanood nalang ulit kami.

Bahala na si batman sa mangyayare sakin bukas.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now