Chapter 41.

5 3 0
                                    

RED POV.

" Wala kaba talagang balak na lumabas? Ilang araw kanang hindi nasisinagan ng araw." Sabi ni Kian habang nag aayos, nag hahanda para sa practice nila..

Malapit na ang festival, I think sa isang linggo nayon, naupo ako at tiningnan sya.

" Muka bang makakalabas ako nito? Baka mahanap lang ako ng mokong nayon." Pout na sabi ko kaya napa iling sya.

" Pero gusto mong lumabas?." Tanong nya.

" Ofcourse, sino bang may sabing gusto ko dito? Lagi kang wala at amboring rin." Sabi ko.

May kinuha sya sa closet at hinagis sa muka ko yung jacket nya, kaya sinamaan kosya ng tingin..

" Anong problema mo!?." Bulyaw ko sa kanya..

" Suotin mo kung gusto mong lumabas." Sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Hindi nako nag alin langan pa at sinuot na agad yung jacket, aba meron naman palang ganito bakit hindi nya agad inisip? Haha..

Patakbo akong lumabas at humabol sa kanya na papalabas na..

" Intayin monga ako." Sabi ko.

" Ambagal mo kasi." Sabi nya kaya napa simangot ako.

" Sadyang nauna kalang, tsk." Sabi ko at nauna ng mag lakad, ng makababa ay sumakay na kami sa kotse nya.

Excited akong nag seatbelt, nakalabas na talaga ko, grabe, simula ng pumunta ako sa condo nya hindi na ulit ako nasinagan ng araw..

" Seryoso kaba? Isasama moko sa practice nyo?." Tanong ko.

" Walang problema samin kung may nanonood man ng practice namin." Sabi nya..

Sya lang naman ang walang pake, yung mga kaibigan nya halatang kabado sya manhid.

Naka tingin lang ako sa labas, ng maisip na hindi nako malayang nakakalabas ay nainis ako kay Decker, sya lang naman ang dahilan kung bakit kailangan kong gawin to.

" Suotin moto." Sabi ni Kian at inabot ang facemask at shade, nag pasalamat ako at bumaba narin kami dahil nandito na kami.

Medyo kinabahan ako dahil andaming tao, lumapit lang ako kay Kian para hindi mawala, kaso ansama ng tingin sakin ng mga babae, mukang may gusto kay Kian, pero wala naman akong gusto kay Kian, kahit isaksak nila si Kian sa mga baga nila, tsee..

" Whoaaa! Kian sino yan?." Agad na lumapit sakin ang dalawang kaibigan ni Kian..

" Si Red." Sabi nito kaya namangha naman sila, anong nakakamangha don?

" Red sila Noel at Jana." Pakilala sakin ni Kian kaya nag wave ako.

" Hi." Sabi ko, tinaasan naman ako ng kilay ni Jana..

" Tara na, hindi dapat tayo nag sasayang ng oras." Masungit na sabi nito at tinalikuran na kami, napa taas ang kilay ko, buti nalang at naka shade ako at hindi nila kita, ansarap kasi nyang tanggalan ng kilay, sino sya para tarayan ako? Kapal!

" Pag pasensyahan mona, kabado lang yan para sa darating na festival." Ngiting sabi ni Noel, tinanguan kolang sya at pinaupo naman na ako ni Kian.

Naka tingin lang ako sa ginagawa nilang pag hahanda, at hindi nakakawala sakin ang pag sulyap ng masamang tingin sakin ni Jana, ano bang ginawa ko? Bakit ba ang sungit nya sakin? Kung hindi lang yan kaibigan ni Kian baka kanina kopa sya nilalampaso sa sahig.

Nag timpi nalang ako sa pinapakita nya, at wala ako rito para makipag away, nakakahiya naman kay Kian.

" Hay nakuu.. nakakadistract naman pag may nanonood." Sabi ni Jana at tiningnan ako, halatang ako ang pinaparinggan..

" Guys labas muna kayo, pasensya na." Nahihiyang sabi ni Noel sa mga taong nandito sa loob, tanging ako lang ang hindi umalis, ano sya? Batas? Asa sya..

" Hay.. nakakawala ng gana, tingin ko hindi ko kakayanin pag nag kamali pa ako." Sabi nya na ikina irap ko, ang arte nya, hindi bagay.

" Jana.. Si Red lang yan." Sabi ni Noel.

" I don't care.." Simangot na baling nya kay Noel.

" Then Let's just start this later, if you can't sing because of nervousness, because there's someone looking at us, then tell us if you're ready and used to his presence." Bored na sabi ni Kian at mag lalakad na sana pababa ng stage ng mag alburoto naman itong si Jana.

Tingin ko hindi band ang panonoorin ko, kundi drama na kaartehan ng kontra bida na parang inagawan ng Candy.

" What!? Seriously Kian? You can just told her to leave, bakit tayo pa ang mag aadjust para lang sa kanya!?." Inis na sabi nito..

" She can hear you Jana, watch your word." Sabi ni Kian na mas lalong ikina usok ng ilong nya, gusto kong matawa dahil hindi tinotolerate ni Kian ang kaartehan nya, Pft!

" But we need to practice now."

" Kung gusto mo talagang mag practice Jana, hayaan mona si Red, at isa pa kasama sya ni Kian, bakit ba pinapaalis mosya?." Biglang singit ni Noel kaya hindi makapaniwala na naka tingin si Jana sa grupo nya..

Ops.. Sorry, hindi ko alam na anlakas ko pala para ako ang kampihan nila, poor girl, I'm just Red.. hahaha

" Fine.. Gawin na natin to, wag nyo akong sisisihin pag nag kamali ako." Sabi nya at tiningnan ako ng masama.

" Scary." Ngising bulong ko sa sarili ko, wow.. war freak yarn..

Nag simula na sila sa pag tugtog, at sobra yung pag pipigil ko ng tawa ng nakailang ulit sila dahil nag kakamali si Jana..

My gosh, ganon ba nakakadistract ang presensya ko? Grabe anlakas ko talaga, tumayo ako ng mag kamali nanaman sila, kita korin ang pag tulo ng pawis nila at pagka irita ni Jana.

" Kian." Tawag ko sa kanya, agad nya naman akong nilapitan..

" Bakit?." Tanong nya, wow.. hindi nasya cold, kanina ang cold nya e..

" Saan yung Cr?." Tanong ko, tinuro nya naman.

" Samahan kita?." Tanong nya kaya umiling at ngumiti ako, nag pasalamat narin ako at umalis.

Pumasok ako sa Cr at agad na ginawa ang dapat, ng matapos ay nag hugas ako ng kamay at palabas na sana ng makitang kapapasok lang si Jana.

" Hey." Sabi nya ng nalampasan kona sya, hindi kosya nilingon at inintay ang sasabihin nya.

" Are you mocking me?." Sabi nya kaya napaharap nako sa kanya.

" Why would I do that?."

" Halata namang kanina kapa natatawa, Pinag tatawanan moba ako?." Sabi nya kaya mahina akong natawa.

" Laughing at you? Assuming ka naman girl, but if you feel that way, I feel sorry did I distract you because of that? Or it just my presence?." Ngising sabi ko.

" Stay away from Kian." Sabi nya at hindi sinagot ang tanong ko, tinalikuran kosya.

" Kian is all yours then." Sabi ko bago lumabas.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now