Chapter 54.

6 2 0
                                    

RED POV.

Isang bwan na't kalahati ang nakalipas ng umamin na si Decker, nandito kami ngayon sa company, namiss kona rin kasi, ayaw ko naman talagang umalis kaso wala e, nagawa kona..

At dahil nga kami na, hindi na sya pumayag na babalik ako bilang personal assistant nya, hindi naman daw nya talaga kailangan non, nag taka ako at tinanong sya kung bakit nyapa ko tinanggap noon? e hindi naman pala nya kailangan? Ayun hindi sumagot kaya clueless parin ako.

Sa isang bwan at kalahati na pag sasama namin, nakwento nya yung about sa babae ni Dark dahil sa nag punta kami sa condo nya.

Hindi ko naman sinasadyang makita yung litrato ng isang batang babae, dahil sa curiosity ko tinanong ko si Decker, nung una ayaw nya mag kwento kasi hindi naman daw nya lovelife yun, e sa makulit ako kaya wala rin syang nagawa.

Kaya pala kami nag punta don dahil may iuutos daw si Dark sa kanya, akala nga namin ay pumayag na yung babae sa trabahong inaalok ni Dark pero yun pala hindi padaw nagagawan ng paraan nung kurt? Kurt yata yun yung personal assistant ni Dark.

May importante daw na pupuntahan si Dark at hindi nya maaasikaso ang pag kuha sa babae nya, gagraduate palang daw yung babae nya malapit na, kaya hindi rin daw makagawa si Kurt ng paraan kung paano ito ipapasok.

Pero ang alam kolang na inutos ni Dark kay Decker, pag tumawag naraw si Kurt at nasimulan ang plano, si Decker daw ang aasikaso para hindi daw tanggapin yung babae sa trabaho, hanggang sa wala na syang maging choice kundi tanggapin ang trabahong iaalok..

Nagalit nga ako kay Decker kasi bakit kailangan pang gawin yon? Alam ko naman na kung bakit kailangan gawin yon, desperado ng makuha ni Dark yung babae nya kaya nag patulong na.

Wala rin naman akong magagawa, baka ako pa patayin ng tarantadong yon, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng nilalang nayon no.

Tyaka medyo naawa rin ako, dahil antagal nanyang naka subaybay at nag iintay sa babaeng yon, nabanggit na ni Decker yung pangalan kaso nalimutan kona, pag narinig ko siguro baka maalala ko.

" Decker!." Tawag ko sa kanya at naka simangot na lumapit sa kanya, tumigil sya sa ginagawa nya at tumingin sakin.

" Why baby?." Malambing na tanong nya, ng makalapit ako sa kanya ay niyakap nya ang bewang ko.

" Bigla akong nag crave sa pizza, gusto kong pizza!." Parang batang sabi ko kaya bahagya syang natawa, sinamaan kosya ng tingin, bakit nyako tinatawanan? Kutusan kosya dyan.

" Order?." Tanong nya, umiling ako.

" Punta nalang ako sa B'Chee Pizza! Masarap don, tyaka pag order lalamig lang." Sabi ko, tumango naman sya at tumayo.

" Teka! Ok lang ba sayo na umalis? Baka matambakan ka, dadalan nalang kita." Sabi ko pero umiling sya.

" Baka kung mapano kapa." Sabi nya at hinila nako palabas, nginitian ko naman sila Manager Haze at Hailey, pansin ko nitong mga nakaraang araw, lagi silang mag kasama.

Siguro may something na sa dalawang yun.. hihihi..

Ng makalabas sa building ay sumakay na kami sa kotse, excited nako, hindi ko alam pero excited talaga akong kumain, matagal narin kasi simula ng makakain ako ng pizza, kaya siguro ganito nalang ako kung matakam.

Ng makarating ay agad na kaming nag park, sa sobrang excited ko, hindi kona inintay na pag buksan nya ako at lumapit na sa kanya na napapailing, pero naka ngiti sya..

Pumasok na kami sa loob habang hawak nya ang bewang ko, pinag titinginan kami, ano pangabang bago? May mga nagulat, kinilig at nag bubulungan, tsk.. isa ba namang Vlades ang pumunta sa ganitong lugar.

" Ako na oorder." Sabi ko pero hinigpitan nya ang hawak sa bewang ko kaya napa tingin ako sa kanya.

" Sasama nako." Sabi nya at medyo badtrip, bat kaya? Ok naman sya kanina ah?

" Sige." Sabi ko at pumila na kami, todo parin yung bulungan nila, nakakailang man pero naalala kong sanay na pala ako sa attention..

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan malapit lang samin, kaya malamang maririnig namin kasi medyo malakas yung pag sabi nila.

" Pre si Red."

" Same school lang kayo noon diba?."

" Oo, famous kaya yan sa campus, si Red Stavila."

" Mga pre! Yan yung crush ko, hmp!."

" May jowa na yata."

" S-si Decker.. bakit sila mag kasama?."

" Vlades? Yare ka pre!."

" Bat ako!."

Sisihan nila ng mapansin ang masamang tingin ni Decker, kinapitan ko ang braso ni Decker, muka na kasi syang manununtok e.

" Hayaan mo nalang." Mahinang sabi ko.

" Tsk." Inis syang nag iwas ng tingin, nako! Badtrip na talaga ang kumag, di naman sya inaano ng mga yun e.

Ng makarating na sa counter ay sinabi kona yung order namin, binigyan kami ng number kaya umalis na kami at nag hanap ng Table..

" Huy.. bat ba badtrip kadyan?." Takang tanong ko, tahimik parin sya at patingin tingin lang sa paligid.

" Nothing."

" Eh! Ano nga!?." Pamimilit ko at mahina syang hinampas, napabuntong hininga naman sya at sumimangot sa harapan ko.

" Their staring at you! It's annoying and nonstop of talking about you!." Inis na sabi nya, gusto kong matawa sa itsura nya, kaso baka mainis sya pag tinawanan kosya.

" Hayaan mona, ganon talaga kaya masanay kana, parang hindi ka naka experience na pinag uusapan ah." Natatawang sabi ko, kinapitan nya naman ang kamay ko at makahulugang tiningnan.

" I won't let them to steal you from me." Sabi nya..

Nangangamoy selos! Whahaha.. kakilig naman ih!

" Hayaan mona, sayo lang ako." Sabi ko, hinila nyapa yung upuan ko para mas malapit sa kanya, inakbayan nya ako at tiningnan ng masama yung mga naka tingin samin.

Kung possessive sya, ganon rin ako kaya sinamaan ko yung mga babaeng naka tingin sa kanya, hindi kolang pinapansin at ayokong mainis, eto namang isang to hindi makapag pigil, tsk..

" Baby focus on me, stop looking around." Sabi nya kaya napa iling nalang ako, tumingin nalang ako sa taas para wala nasyang masabi, ang dami nyang issue nakuuu..

" Eto napo yung order." Sabi ng crew at kinuha na yung number namin, nag thank you ako at excited ng kumain, amoy palang masarap na!

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now