Chapter 89.

5 3 1
                                    

RED POV.

" Ano masarap ba ang malasahan ang sariling dugo?." Ngising sabi ni Erick at naupo sa harapan ni Decker, malalim ang pag hinga nya habang naka higa sa simento.

" 5.." Nag simulang bumilang si Decker kaya nag taka kaming lahat.

" 4.."

" Ano naman yan? Oras bayan ng kamatayan mo?." Natatawang sabi ni Erick, pero tuloy parin sa pag bilang si Decker.

" 3.."

" Hoy.. mag salita kanga!." Inis na sabi ni Erick.

" 2.."

Decker, may tiwala ako sayo, kahit anong mangyare, kahit ganito na tayo kadehado, maniniwala ako sayo.

Tiningnan ako ni Decker, ngumiti sya na para bang magiging ok na ang lahat..

" 1.." Matapos ang bilang nya ay kasabay ng pag pasok ng mga tauhan ni Erick.

" Boss may problema!." Natatarantang sabi ng lalaki kaya napatayo si Erick.

" Ano yon?."

" Marami pong tao sa labas! at may apat na lalaki na nakakatakot! ang sabi mga Vlades daw sila!." Natatarantang sabi nito kaya galit na napatingin si Erick kay Decker, sisipain na sana ni Erick si Decker sa sikmura ng pigilan nya ito gamit ang mahigpit na pag hawak.

" Now it's my turn right?." Sabi nito, mabilis na binawi ni Erick ang binti nya.

" Alam ko, may isang salita ang mga Vlades, kaya bakit humingi ka ng tulong!? Wala kang isang salita!." Sabi nito, natawa naman si Decker na naupo.

" Nangako bako? Hindi naman ah, alalahanin mo yung napag usapan natin." Ngising sabi nito, tama, wala ngang pinangko si Decker na hindi sya mag sasabi sa iba.

Hindi ako nag kamali ng taong pinag katiwalaan, mautak nga talaga sya.

" Bwisit! Dalian nyo kumilos na kayo!." Sabi ni Erick at mabilis na lumapit sakin.

" Erick, anong balak mo?." Tanong ni Selena.

" Mag isip kanga! Malamang aalis na dito, mahihirapan tayo, isasama natin tong babaeng to."

" Pano si Decker?." Tanong ni Selena.

" Papatayin kosya, alam kong hahabol sya, at pag wala nasyang kasama, dun kona gagawin." Sabi ni Erick at hinila nako paalis.

" Dahan dahan!." Inis na sabi ni Selena.

" Red!." Tawag ni Decker, nakarinig na kami ng mga putok ng baril.

" Tanga kaba Selena!? Maaabutan tayo kung paiiralin mopa yang pag aalala mo!." Sabi ni Erick at lumabas na kami, may naka handa ng kotse.

" Decker!." Sigaw ko, nag pumiglas ako sa kanila.

" Hayop ka Erick! Wala na kayong kawala!." Sabi ko, kaya humigpit ang hawak nya sa braso ko.

" Manahimik ka!." Sabi nya at pabato akong sinakay sa kotse, tumabi sakin si Selena at pumunta na sa driver seat si Erick..

" Magagawa parin namin ang planong mapatay sya, kaya wag kang mag salita na parang tagumpay na kayo." Sabi nito at mabilis na pinatakbo ang kotse.

Tumingin ako sa likod, at nakita ang pasakay na si Decker, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, what if mabangka kami? Pano kung maaksidente kami sa habulang to?

Umiling iling ako, Hindi dapat ako nag iisip ng ganito, parang hindi ako to e, kailangan magulo kotong kupal nato.

" Red!." Nagulat si Selena ng guluhin ko si Erick sa pag dadrive kaya gumewang gewang ang kotse.

" Pota! Selena ayusin monga pag babantay! Maaaksidente tayo!."

" Red tumigil ka!." Sabi ni Selena pero hindi ko binitawan ang manibela at nakikipag agawan kung sino ba ang makakakontrol.

" Red!."

" Tumigil ka Selena! Sunod sunuran ka sa gagong to!." Sabi ko, pero tinulak ako ni Erick at nagawa nyang makontrol ang manibela, dahil nakatali ang kamay ko hirap akong pumalag.

" Tamana, please." Pag mamakaawa ni Selena, masama kosyang tiningnan.

" Dahil sa kasakiman mo! Nag kakagulo na! Pera lang ba mahalaga sa inyo!?."

" Red!."

" Muka kayong pera ng pamilya mo!." Sabi ko, natigilan ako ng maramdaman ang palad nya na dumapo sa pisngi ko, tiningnan kosya at nakita ko ang naluluha nyang mga mata.

" Sa tingin moba ginusto koto? Pamilya kolang yung may gusto, nadamay lang ako, at wala akong choice kasi alam ko sa sarili kong tumulong ako at nakinabang, Wala akong choice Red.. kung sinuway ko ang magulang ko baka namumulube nako ngayon!." Iyak na sabi nya, gusto kong mag sorry sa mga nasabi ko, pero sobra kasi yung galit ko kaya koyon nasabi.

Napahiyaw kami ni Selena ng may bumunggo sa kotse, napa tingin ako sa labas, at nakita ko ang sinasakyan ni Decker.

Nakita kong kinuha ni Erick ang baril at binuksan ang bintana, ngayon ay nag palitan na sila ng bala, kaya wala kaming nagawa ni Selena kundi ang mag tago sa baba.

" Dito lang tayo, baka matamaan tayo." Sabi ni Selena habang kapit ang tenga ko, hindi nako umangal dahil baka mabingi nako sa pag papalitan nila ng putok ng baril.

" Shit!." Bulalas ni Erick at tumigil ang kotse, sinilip namin kung bakit, yun pala may mga sasakyan na naka harang at mukang kami ang iniintay.

Aantras na sana ang kotse ngunit hindi narin nya nagawa, dahil yung apat na Vlades humarang na sa maaari naming daanan, bumaba isa isa ang mga Vlades, anlalakas ng dating nila, tingin palang nakakamatay na, bumaba si Decker sa kotse.

" Baba Selena! Kapitan mo si Red!." Utos ni Erick at bumaba na, pag baba ay agad akong hinigit ni Erick mula kay Selena, at nagulat ako ng itulak ni Erick si Selena dahilan para mahulog ito.

" Erick?." Gulat na tanong nito, tinutukan ng baril ni Erick si Selena habang lumalayo at tumitingin sa paligid, napapalibutan kami ngayon ng mga tauhan ng Vlades, napakarami kaya wala talagang takas tong kupal nato.

" Pasensya na Selena, kailangan mag sakripisyo ng isa."

" Napaka makasarili mo!." Sabi ni Selena.

" Red.. sabihin mo sa kanila na padaan tayo, kung hinde, papatayin ko ang pinsan mo." Nag babantang sabi nya, bigla namang naluha si Selena, nakaramdam ako ng awa, dahil ginawa lahat ni Selena pero nitraydor lang sya ng gagong to.

" Red mag salita kana!." Sigaw ni Erick kaya bahagya akong nanginig sa gulat.

" Fuck you! How dare you shout at her!." Galit na sabi ni Decker, palapit na sana sya, ng sakin naman itutok ang baril.

" Sige lumapit ka, pasasabugin ko bungo neto." Sabi nya kaya walang nagawa si Decker kundi ang tumigil, tinutok nanya ang baril kay Selena.

" Red kung ayaw mong mamatay ang pinsan mo, sabihin monang padaanin tayo! Hindi kaba naaawa sa kanya!? Lagi kanyang pinag tatanggol sakin!." Sabi nya at tumawa na parang nababaliw na.

Hindi kona alam ang gagawin ko, ayokong mamatay si Selena, pero ayoko namang makatakas tong mokong nato, kailangan kong umisip ng paraan kung saan walang mag sasakripisyo.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now