Chapter 80.

6 3 0
                                    

RED POV.

" Nag sinungaling nanaman ako." Panimula nya.

" Simula palang naman nag sinungaling kana e." Sabi ko habang naka tingin sa ibang direksyon..

" Sorry cousin, sana mapatawad moko, at dahil sa nangyareng to galit kana sakin, gusto kong malaman mo yung nakalimutan mo Red, naaalala moba na sinabi ko sayo na si Zane ay si Shine? Hindi totoo yon." Sabi nya kaya napa tingin na ako.

" Kala koba importante? Wala akong pake kung sya ba si shine o hinde, wala akong pake sa shine nayan o kahit first love pasya ni Decker."

" Kumalma ka, importante to dahil part to ng buhay mo."

" Hindi part ng buhay ko yang shine nayan! Kaya pede ba umalis ka nalang __."

" Ikaw si Shine!." Sabi nya kaya natigilan ako, ano daw? Ako si Shine? Nag papatawa bato?

" Tumigil kana, umalis kana Selena, tamana tong kalokohan mo."

" Maniwala ka Red, si Decker mismo nag nickname sayo non, nung bata pa kayo." Sabi nya kaya nangunot ang noo ko.

" Bakit moto sinasabi sakin? Akala koba gusto nyong patayin si Decker? Kaya bakit mopa sinasabi sakin na mag kababata kami ni Decker e wala akong maalala na kasama sya? hindi pako nababaliw Selena." Inis na sabi ko, napa buntong hininga sya at parang hindi na alam ang sasabihin.

" Red, alam kong mali to, pero kung hindi nanya kami ginambala edi sana hindi to mangyayare, kami ang napapahamak."

" Tama lang siguro ang ginagawa nila, bakit naman nila pababayaan ang drug pusher na tulad nyo?." Sabi ko na ikina gulat nya, halatang hindi nya inaasahan na alam kona.

" Red."

" Hindi kita mapapatawad Selena, at hindi ako marunong mag tolerate ng mali alam moyan." Sabi ko, kita ko kung paano pumatak ang mga luha nya, pinunasan rin nya agad at tumayo, nag iwas sya sakin ng tingin.

" Alam mo? Ikaw lang talaga ang pinaka favorite na pinsan ko, kaya nasasaktan ako na ganyan kana kagalit, kaya kahit sa huling pag kakataon na makita mong buhay si Decker ang mahal mo, gusto kong maalala mosya, dahil dun ka sumaya, maniwala kaman o sa hinde, ikaw si Shine, ikaw yung shine na lagi kong nakikitang sobrang saya pag kasama mosya." Sabi nya bago sya nag madaling umalis.

Pag sara ng pinto, hindi ko alam kung bakit naluha ako bigla, alam kong mahal ko si Decker, pero may kakaiba talaga, lalo na sa mga sinabi ni Selena, ayokong maniwala na ako nga si Shine, dahil hindi ako magiging si shine.

Nahiga ako sa kama at kinalma ang sarili ko, Decker, please hanapin moko gaya ng pag hahanap mo sa twing tinatakasan kita, asan kana ba? Bakit antagal mo?

THIRD PERSON POV.

" DECKER!!." Agad na awat ni Karl dito, dahil kasalukuyang hawak ni Decker ang kwelyo ni Kudos, at dahil nanghihina pa si Kudos ay hindi ito makatayo ng maayos, dagdag narin Ang mga pasang nakuha nya mula kay Decker.

" Decker tamana! Hindi pasya ganon kagaling." Sabi ni Karl at pilit na pinag hihiwalay ang dalawa, pero parang walang narinig si Decker at sobrang sama parin ng tingin neto kay Kudos.

" Tinanong ko sa inyo dati, Kung meron bang may malalim na galit sa kanya, pero wala kayong sinagot, ngayon pupunta kayo para sabihin na kinuha sya ng matagal nyonang kaaway!?." Inis na sabi ni Decker, nanggigigil ito dahil hanggang ngayon hindi nila alam kung nasaan na si Red.

" Dahil hindi pa kami sure sa isasagot." Matapang na sagot ni Kudos, hindi ito nag pakita ng takot kay Decker, pinunasan nya ang dugo sa labi nya.

" Kaya kami lumapit sayo dahil sigurado na ako, pede mokong sisihin, dahil sa mahina ako, dahil huli na ako ng magising ako, kaya sige! Saktan moko! Pero kailangan mo kaming tulungan na hanapin sya!." Sabi nito at nag tuluan ang mga luha nya, kahit matatag parin ang pakikipag titigan nya kay Decker.

" Kailangan mo kaming tulungan, k-kasi hindi namin kayang hanapin sya ng kami lang." Sabi nito, napa iwas nalang ng tingin si Karl dahil sa awa kay Kudos.

Masama parin ang tingin ni Decker sa kaharap, sa inis nya pabato nyang binitawan si Kudos at napakapit sa sentido nya.

" I can't believe this, may kaibigan nga si Red pero wala namang kwenta." Sabi nito bago umalis, inalalayan namang tumayo ni Karl si Kudos, hindi parin tumitigil sa pag baksak ng mga luha ni Kudos.

" Pag pasensyahan mona, alam naman nating ganon talaga sya, mag tiwala tayo, alam kong hahanapin nya si Red, dahil ilang beses narin nya itong nabalik sa kanya, mag tiwala tayo, ang maganda nalang gawin ay kumilos na tayo, alam naman na natin kung sino ang kumuha, ang problema nalang ay ang lugar na pinag tataguan nila." Sabi ni Karl, tumango naman si Kudos bilang pagsangayon sa mga sinabi ni Karl.

" Wala sakin ang mga sugat at pasang to, ang mahalaga lang ay nasabi natin sa kanya ang dapat nyang malaman." Sabi nito, kaya tumango naman si Karl.

Agad silang umalis para puntahan ang magulang ni Red para sabihan ito sa nangyare.

" Kudos.. alam mobang hindi talaga ako makapaniwala na kasama si Selena sa pag kuha kay Red?." Seryosong sabi ni Karl habang naka tingin sa daan.

" Kahit ako nagulat, napaka bait kasi ni Selena, nung araw na inambush nila ako, hindi ako nakalaban dahil na distract ako kay Selena, paulit ulit kong tinatanong kung bakit nyato nagagawa, pero Wala akong nakuhang sagot, hanggang sa ayun nanga, nawalan nako ng malay, at kahit lumaban pa ako, alam kong talo parin ako, may mga kahoy silang dala at marami, alam nyo naman na ako ang pinaka mahina sating tatlo." Sabi ni Kudos at nag pipigil itong maiyak, bahagya namang natawa si Karl sa mga sinabi nito at binatukan si Kudos, kaya napa pout nalang ito.

" Hindi kaman kasing lakas namin ni Red, pero para samin malakas ka, hindi molang siguro napapansin, pero malakas ka Kudos, tayong tatlo, walang mahina satin, kaya tamana yang kadramahan nayan, kung hindi ipapabugbog kita kay Red para matauhan ka." Sabi nito kaya natawa nalang sila pareho.

Dahil sa usapan nilang yon, nawala ang konting pagod nila, nawala ang panghihina nila sa katawan.

" Mahahanap natin sya, tiwala lang."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now