RED POV.
" Masaya kaba?." Tanong ko habang sinusundan ng tingin ang pag lalakad nya, nag pout ako.
" Paano ako sasaya kung nakakulong naman ako dito? Buti kapa, makakalabas ka kahit kelan mo gusto, ang problema mo nalang pag kain." Sabi ko at ng makapasok na sa butas yung langgam halos isubsob ko yung muka ko sa mesa.
Para akong baliw, kausapin ba naman yung langgam? buti pa yung langgam, pagala gala nalang, kahit saan sila mag punta makakalabas pasok sila, tsk..
Ilang araw na ang lumipas, hindi parin natawag si Karl, huling tawag nya yung pumunta si Decker sa kompanya ni Kudos, nag aalala nanga ako e, malay koba kung may nangyari nabang masama sa kanila.
Tumayo ako at nag unat, grabe, ngayon kolang naranasan ang ganito kaboring sa buong buhay ko, hindi nako nasisikatan ng araw sa labas, baka mag muka nakong bampira nito.
Pumunta ako sa bintana, binuksan ko yung bintana at don naupo para mag pahangin, ingat ingat lang at siguradong pag nahulog ako dito 50/50 na ang buhay ko nyan.
Nilibot ko ang tingin sa labas, sobrang daming tauhan, hindi nag papatinag sa gitna ng ganito kaaraw, grabe sunog yang mga yan for sure.
Mag kukusot nalang ako mamaya, dahil paubos na ang damit sa closet, hys..
Habang naka tingin sa mga tauhan ni Decker, may biglang pumasok sa isip ko dahil sa kaboringan.
" HOY!!." Sigaw ko dahilan para mag tinginan sila, naupo ako at nilaylay ang paa sa labas, naalarma sila at nag puntahan sa gawi ko, mga naka handa na ang mga kamay para saluhin ako kung sakaling mahulog ako.
Pft! Iniisip siguro nila na tatalon ako, siraulo ba sila? Bakit naman ako tatalon?
" Lady Red! Baka mahulog po kayo!." Sabi ng isa at halatang kabado, eh?
" Lady Red! Please po wag po kayong gumanyan!." Pag mamakaawa ng isa dahil parehas kong dinuyan ang mga paa ko sa ere.
" Tatalon nako!." Sabi ko at nag pipigil ng tawa ng makitang nataranta sila.
" Patay tayo kay Master!."
" Hoy! Dalian nyo sabihan nyo yung nasa loob!."
" Gago dalian nyo!." Tarantang sabi nila kaya mahina akong natawa, nag takbuhan ang ibang tauhan at yung iba nanatili.
" Please Lady Red! Mag hinustili po kayo!." Sabi ng isa, natawa na ako, grabe hindi ko kinakaya yung mga reaksyon nila.
Tawa ako ng tawa ng may maramdaman akong presensya sa likod ko, nilingon koyon at nawala agad ang ngiti ko.
" What are you doing?." Malamig na sabi nito, walang mababakas na kahit anong expression sa muka nya, dahil don nasaktan ako..
" D-decker." Sabi ko, hinigit nya ako paalis sa bintana.
" Aray!." Daing ko ng masaktan ako dahil sa pag hila nya, hindi sya nag salita, nakita korin yung mga tauhan nya sa likod nya.
" I won't allow you to do that." Malamig na sabi nito kaya naguluhan ako, tyaka kolang narealize yung tinutukoy nya, siguro iniisip nga nila na tatalon ako.
" Bossy." Mahinang sabi ko na mukang narinig naman nya..
" Leave." Malamig na utos nya sa mga tauhan nya na ikina tango naman ng mga to, mabilis silang lumabas at sinara yung pinto.
Napalunok ako ng kaming dalawa nalang, sa iba sya naka tingin, hindi kona alam ang sasabihin, sobrang bilis rin ng tibok ng puso ko.
" Don't try to jump or else you want me to bring you to the room, that you will lose of hope." Malamig na sabi nya, kumirot ang puso ko, parang naiiyak rin ako dahil sa inaasta nya.
" So behave." Sabi nya at tumalikod na para umalis.
" Bakit moba to ginagawa?." Mahinang sabi ko sapat na para marinig nya, hindi sya nag salita o lumingon manlang.
" Galit kaba dahil nalaman ko ang sekreto mo? Iniisip moba na mag susumbong ako sa pulis?." Sabi ko pero hindi parin sya nag salita kaya napa kagat ako sa labi ko at napa tungo..
Nilakasan ko ang loob ko at tiningnan ulit sya, naiiyak ako, naiiyak ako kasi hindi nya manlang ako magawang kausapin ng matino o tingnan manlang sa mata.
" Bakit ba hindi ka mag salita!? Hangin ba ako dito na nararamdaman molang pero ayaw mong pansinin!? Na pag nilamig ka mag jajacket ka nalang! Ano bang ginawa ko!?." Lakas loob na sabi ko, nag tuluan ang mga luhang kanina kopa pinipigilan..
" Ano ba!? Kinakausap kita kaya tumingin ka!." Lakas loob na utos ko sa kanya, pinunasan ko ang luha ko pero may kasunod agad.
Natagalan bago sya kumilos, dahan dahan syang humarap sakin, at ng mag tama ang tingin namin mas lalong akong naiyak dahil sa sakit ng nararamdaman.
" Bakit ba ganyan ka?." Mahinang sabi ko.
" What do you want me to do?." Sa sagot nyang yon, nag init ang palad ko at mabilis syang nilapitan at sa isang iglap, umalingaw ngaw sa buong kwarto ang malakas na sampal ko sa kanya.
" Pag katapos mong sabihin na mahal moko! Bigla ka namang magiging cold! Pag katapos non! Hindi mo manlang inisip ang mararamdaman ko sa pag iwas mo!." Sabi ko dahilan para mapa tingin sya sakin, wala akong pake kung mag tuluan ang mga luha ko, basta nasasaktan ako..
" Decker naman.. Bakit ba? Bakit ba iniiwasan moko?." Umiiyak na sabi ko, kita ko kung paano lumambot ang tingin nya sakin.
" Because I can't let you go, you hate me! You fucking hate me because of that! And I'm scared that you will leave me if I let you go, I'm scared to talk to you because I don't want to hear that you want to leave me.. it's fucking hurt." Hinanakit na sabi nya, ramdam koyon, ramdam ko sa bawat pag sasalita nya..
" Totoong galit ako sayo!." Sabi ko kaya nabakas ang sakit sa mata nya.
" Pero hindi ibig sabihin non iiwan na kita!." Sabi ko kaya napa titig sya sakin.
" What do you mean?." Tanong nya, pinunasan ko ang luha ko.
" Galit ako sayo kasi nakita kitang ginagawa yon, nag wala ako kasi I was so shocked, ok.. pero hindi naman nabago ang nararamdaman ko sayo!."
" What?."
" Mahal kita! Kaya putang ina wag mokong iwasan! Miss na miss na kita." Sabi ko at napa iyak nalang ako at pinag hahampas sya.
" Narinig moba? Mahal kita." Sabi ko at napasandal nalang ang ulo ko sa dibdib nya dahil narin sa pagod.
I really love him, that's why it hurts me a lot.
YOU ARE READING
The Destroyer King 2(4D)
FanfictionI'M THE DESTROYER KING, WITH NO HESITATION. It's not bad to love a bad guy, especially if that guy is afraid to hurt you, he can't even look to others to you to feel, that he's all yours and all he just do is to you to feel that you're the most esp...