Chapter 49.

6 2 0
                                    

RED POV.

Ng makaalis kami sa kumpulang tao ay mabilis lang kaming tumatakbo ni Decker, habang naka sunod naman yung apat, hindi lima sila! Fuck shit! Sino bayon!?

Ng makarating sa wala ng masyadong dinadaanang tao, ay tumigil kami, malapit lang kami sa kalsada pero walang sasakyan dahil nga festival kaya sa kabilang daan nag dadaanan ang sasakyan.

Hinihingal na napakapit ako sa tuhod ko habang kapit parin ni Decker ang isang kamay ko, hinihingal narin yung mga tarantado.

" Hindi kayo makakatakas!." Sabi ng isa at ngumisi pa kahit halata yung pagod sa itsura nya, mag sasalita na sana ako ng maunahan ako ni Decker.

" Takas? Bakit kami tatakas?." Seryosong sabi ni Decker na ikina kilabot ko, humigpit ang kapit nya sa kamay ko habang diretso ang tingin sa lima.

" E bat kayo tumakbo? Gago kaba?." Sabi ng isa, ngumisi naman si Decker at pinwesto ako sa likod nya, wag mong sabihin na lalabanan nya sila?

" This is the perfect spot for us to fight." Malamig na sabi nya at tiningnan ang relo bago tumingin ulit sa kanila.

" Just wait, it takes more than 10 minutes before they come." Sabi nya, kahit hindi sya naka tingin sakin alam kong sakin nya sinasabi yon.

Agad naman nag si sugod ang mga lalaki, agad na umilag si Decker at agad na hinigit ang kwelyo sa likod dahilan para masakal ito, kung hindi lang mabilis si Decker siguradong ako na yung nasuntok.

Agad nyang hinagis to at sinapak naman yung isang malapit na sa kanya, halos dumugo yung ilong nito, ay male nadugo nanga..

Hindi ko alam pero may susugod sa kanya at may pupuntirya rin sakin pero agad na nilalayo yon ni Decker, nag alala nga ako kasi yung isa may kutsilyong dala, at putang ina ako yung pilit nilalapitan kahit halatang hindi na kaya ng katawan nya dahil sa ginagawa ni Decker sa kanya pag napapalapit ito sakin, gago bat ako? Bat feeling ko ako talaga ang tunay na puntirya nila? Arg!

Ng mapatumba nanya ang lahat ay nilapitan nya yung lalaking nag tangkang sumaksak sakin, paulit ulit nyang tinadyakan ito sa sikmura, alam kong sobrang lakas non dahil narin sa reaksyon ng lalaki.

" Why did you attack us!? How dare you near that fucking knife on my baby's face! You try to attack her with that knife several times! How dare you!." Galit na sabi ni Decker..

Nanginginig lang ako at hindi parin makagalaw, hindi ko alam pero natatakot ako, hindi dahil sa mga lalaki, kundi sa aura ngayon ni Decker, feeling ko mag cocollapes ako.

Agad na pumalibot samin ang apat na kotse at nag babaan ang mga lalaking naka black pati yung driver kanina.

Tumigil na sa kakatadyak si Decker, at pinakuha na yung limang lalaki, titig na titig parin ako kay Decker, ng mapa tingin sya sakin ay agad nawala ang masamang aura at agad na lumapit sakin at kinapitan ang dalawang pisngi ko..

" Are you alright baby? May masakit ba sayo?." Alalang tanong nya pero para akong natulala at hindi nag salita, napamura sya at inalalayan akong sumakay sa kotse.

Sinara nya yung pinto at may sinabi sa mga tauhan nya na hindi ko naman narinig..

Pero.. hindi ko makalimutan yung itsura ni Decker kanina, ibang iba sa decker na nakilala ko, nag muka syang demonyo kanina..

Nag taasan ang balahibo ko ng sumakay na si Decker at umalis na kami, tahimik lang ako, seryoso lang din si Decker kaya wala talagang mag tatangkang mag salita.

Hanggang sa makabalik sa mansyon nya ay seryoso parin si Decker at hinila ako, pinunta nya ako sa kwarto nya at inupo sa kama ng may pag iingat.

" Go to sleep." Sabi nya at aalis na sana ng kapitan ko ang sleeve nya kaya napa tingin sya.

" A-anong gagawin mo sa mga l-lalaking yun?." Utal na tanong ko..

" Like I said, if they try to harm my girl Infront of me or in my back, I'll surely they regret it, now, I'm returning the favor, If it's all about you, no one can stop me of doing what I want." Malamig na sabi nya at hinalikan ako sa noo.

" Now.. rest." Sabi nya bago umalis, anong ibig nyang sabihin sa mga sinabi nya? Hindi ako mapakali, kaya tumakbo ako palabas ng walang makakahalata, hindi ko alam pero natatakot ako para sa limang lalaki, hindi ko alam kung anong balak ni Decker, pero kailangan kong malaman.

Pumasok ako sa kotse nya at sa likod na likod ako kung saan hindi na ako makikita, ng makitang papunta na si Decker ay nag tago ako at siniguradong walang ingay na magagawa.

Umandar na ang kotse, kinapitan ko yung dibdib ko na ang lakas parin ng kabog, parang nayayanig ang buong
pag katao ko.

Hindi ko alam.. pero matapos kong makita kung gaano kalala ang ginawa nya sa mga lalaki, sa itsura nya at sa sinabi nya, nakaramdam ako ng sobrang kaba at natatakot ako sa maaari yang gawin, baka babalikan nya yung lima at bubogbugin.

Alam kong nakikipag away ako aware naman ako na brutal rin ako makipag laban, pero hindi ko kayang pumatay, muntik palang at hindi kona ginawa ulit, pero iba na kasi yung kay Decker, yung itsura nya parang kayang kaya nyang pumatay kahit anong oras.

Halos mangawit na ang katawan ko dahil sa pag tatago, ang haba rin kasi ng byahe pero ng makarating ay agad nasyang bumaba.

Dun lang ako nag karon ng pag kakataon na umupo ng ayos, napa tingin ako sa labas, nasaan kami? Sobrang dilim at nakakatakot, teka.. isa batong hide out?

Mabilis akong lumabas at sinundan si Decker ng hindi nya napapansin, katakot takot yung lugar, at hindi ko kakayanin mag tagal dito dahil hangin palang kinikilabutan nako.

Pumasok sya sa isang pinto, hindi maayos ang pag kakasara nya kaya bahagyang naka uwang iyon, hindi ko alam kung sisilip bako o hindi, baka kasi kung anong makita ko, natatakot ako, si Decker.. ano bang balak nya?

" AHH!!." Binalot ako ng kaba ng marinig ang nasasaktang sigaw nayon, agad nakong sumilip dahil sa kuryosidad, at doon kona naramdaman na parang babaliktad ang sikmura ko.

Who the fuck are you? Decker Vlades..

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now