Chapter 47.

7 2 0
                                    

RED POV.

" Whoaa! Red!." Tuwang sabi ni Kudos at yayakapin sana ako ng harangin ni Decker ang braso nya sakin dahilan para mapa tigil si Kudos.

" Try to touch her. I'll fucking kill you." Malamig na pag babanta ni Decker na kahit ako ay natakot, napa lunok ako at kinapitan ang braso ni Decker kaya napa tingin sya.

" Stop saying those word Decker, If you say that again to my friends magagalit na ako." Sabi ko, binaba nya ang braso nya at hinarap ako.

" Baby don't hate me, please." Sabi nya at niyakap ako na ikina gulat nila Kudos, ngumiti ako ng awkward sa kanila.

" ANONG meron?." Takang tanong ni karl, mahina lang ang pag kakasabi nya dahil katabi kolang si Decker na naka tutok sa cp nya.

Nandito kami ngayon sa restaurant at iniintay nalang ang order namin, napa buntong hininga ako at hindi alam kung paano sisimulan.

" Ano kasi, ganito yon, ahm.. diba kasi alam nyo na tinatakasan kosya at biglang napunta naman ako sa poder nya, ahm.. paano ba, masyado kasing biglaan e." Sabi ko, tutok na tutok sila sa kung ano ang sasabihin ko, napa tingin naman kami ni Karl kay kudos.

" WHOAA! BUNTIS KA!?." Sigaw ni Kudos dahilan para makakuha kami ng maraming attention, pati ang katabi kong si Decker ay napa tingin narin.

" Pregnant?." Malamig na sabi nito pero naka tingin sakin, binatukan naman ni Karl si Kudos na ikina simangot naman nito.

" Wag kangang manguna! At wag kang maingay nakakahiya ka!." Bulyaw ni Karl, kakamot kamot nalang si Kudos.

" Wala yon, wag mosyang pakinggan." Sabi ko kay Decker na ikina tango nyalang at binalik ang tingin sa cp nya.

Napa hinga ako ng maluwag at sinamaan ng tingin si Kudos na nag peace sign lang.

" I am not Kudos, gosh, ang oa ah, that's not what I mean." Sabi ko.

" E ano nga?." Si Karl, nahihiya man pero sinabi kona rin.

" Ahm.. nililigawan nanya kasi ako." Sabi ko sa mahinang boses para hindi rinig ng katabi ko..

" ANO!? NILILIGAW___Ouch!." Daing nya ng takpan ni Karl ang bibig ni Kudos, para akong nag liliyab dahil sa inis sa kanya.

" Pag hindi ka tumigil, ako mismo papatay sayo." Sabi ko na ikina takot nya naman.

" Baby.. The food is here." Sabi ni Decker at kinapitan ang kamay ko, naka ngiti ko naman syang nilingon.

" Hmm.. kain na tayo, at diba, sabi ko sayo speak tagalog? Kahit ngayong araw lang please." Sabi ko..

" Ah yeah.. Sorry baby sige kain na tayo." Sabi nya at inayos ang buhok ko, nilingon ko naman si Kudos at tinaliman ang tingin na ikina ayos nya.

Kumain na kami ng tahimik, ay male may isang taong daldal ng daldal at si Kudos yon, kaya walang magawa si Karl kundi ang sumagot nalang kahit tinatamad.

" Baby tikman mo pagkain ko, masarap." Sabi ng katabi ko kaya napa tingin ako sa kanya na may naka tapat ng kutsara sa harapan ko..

" Talaga ba?."

" Hmm.. Baby ahh.." Sabi nya kaya wala na akong nagawa kundi ang kainin yung nasa kutsara nya, napa ngiti ako dahil masarap nga.

" Sarap?." Tanong nya na ikina tango ko naman, nag thumbs up pa ako.

" Oo super." Sabi ko..

" Karl ako rin!." Sabi ni Kudos at pinipilit na mag pasubo kay Karl na ikina iling ko, grabe hindi parin pala nag babago.

" Tumigil ka Kudos." Sabi ni Karl, napa tingin ako kay Decker ng kapitan nya ang kamay ko.

" Kain ng kain, wag kung saan saan ang tingin." Sabi nya, tumango ako at nag patuloy nalang ulit sa pag kain.

Ng matapos kaming kumain ay si Decker na ang nag bayad at lumabas na kami sa restaurant.

" Saan tayo unang pupunta?." Tanong ko sa kanila.

" May peryahan doon, tara punta tayo!." Masiglang sabi ni Kudos.

" Sige." Sabi ko at pumunta nanga kami doon.

Maraming makikitang palaro at kung ano anong binebentang gamit, sa kabila naman nito ay ang mga bilihan na ng pag kain.

Habang nag lilibot kami ay naka kita ako ng mga teddy bear, naalala ko tuloy yung pumunta kami ni Decker sa Makati, may fiesta at doon una kong nakuha si Greedy, yun yung teddy bear na nakuha ni Decker sakin, Greedy ang pinangalan ko hihi..

" Tara don!." Sabi ni Kudos at tinuro ang isang palaro kung saan kailangan mo mag shoot ng bola.

" Tara!." Sabi namin ni Karl, patakbo kaming pumunta don kaya naalis ang kapit ni Decker sa bewang ko.

" Apat po mam, sir?." Ngiting tanong ni ate..

" Ikaw gusto mo?." Tanong ko kay Decker pero umiling lang sya.

" Tatlo lang po." Sabi ko, kukuha na sana si Karl ng pambayad ng mag abot na si Decker ng isang libo.

" Mag laro lang kayo hanggat gusto nyo." Sabi nito kaya nag pasalamat nalang kami, syempre tuwang tuwa si Kudos dahil naka libre nanaman sya.

Agad na lumapit samin ang bola ng mag simula na kami, hagis lang ako ng hagis, tuwang tuwa ako ng nakaka shoot ako, medyo nakakangalay lang dahil medyo mabigat ang bola.

" Tapos napo ang oras." Sabi ng babae at tinanong pa kami kung mag lalaro pa dahil malaki pa ang sukli.

Ng mag Oo si Kudos ay wala kaming nagawa kundi ang mag laro pa ng isa pa, napagod nako kaya tumigil na ako kahit may oras pa.

" Yoko na, tyaka lagi namang sablay yung tura ko, apat lang yata na shoot ko e." Pout na sabi ko at tiningnan si Decker.

" Ayaw mo itry? Mag shoot kalang naman e." Sabi ko sa kanya, naka sandal lang naman sya at naka pamulsa..

" Ano namang magandang premyo ang makukuha ko?." Tanong nya kaya tiningnan ko ang papremyo ni ate at tiningnan ulit sya.

" Ayun oh." Turo ko pero hindi nya tiningnan.

" Ayoko non." Sabi nya kaya napa simangot ako.

" E anong gusto mo? Yun lang meron e." Sabi ko pero ngumisi sya at nilapit ang muka sakin..

" You'll kiss me If I shoot 20x." Sabi nya at nag simula ng mag shoot.

" Ang daya!." Sabi ko at nag shoot naman yung unang tira, hindi nanya ako pinansin at nag tuloy tuloy sa ginagawa nya, namangha naman ako kasi ni isa ay hindi pasya sumasablay.

" Tapos napo ang oras." Sabi ni ate.

" Ok na ate." Sabi ni Kudos.

" Ano pong premyo ang gusto nyo? Eto narin po yung sukli." Sabi ni ate.

" Keep the change, and I don't want any prize from you." Sabi ni Decker at hinarap ako ng may ngisi.

" Pano bayan? I got 40 shoots can I get my prize now?." Sabi nya kaya namula naman ako.

" Pero hindi naman ko pumayag e." Pout na sabi ko.

" But you ask me to try, so I need to have a good prize." Sabi nya kaya mas napa nguso ako, mabilis kosyang hinalikan dahilan ng pag kakilig ni ate.

" Parang ang sarap laging mag laro kung may ganyan laging premyo." Sabi nya at hinalikan ako sa noo at hinapit na ang bewang ko para mag hanap na ulit kami ng ibang malalaro.

" Ngayon lang to Hmp!." Sabi ko kay Decker na bahagya nya naman na ikina tawa, namula ako kaya nag iwas nalang ako ng tingin.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now