Chapter 71.

10 3 1
                                    

RED POV.

Successful naman ang pag takas ko at nasa matao na ulit ako, nandito ako sa maliit na bahay nag tatago, naka sara lahat ng bintana at naka silip lang ako sa kurtina.

Nagugutom na ako, pag tapos ng habulan kanina, hindi pako nakakakain, 11 na kasi..

Nag taklob ako at binulsa ang wallet ko, wala nakong ibang dinala at lumabas na, naka yuko ako dahil may mga tao, baka mamukaan nila ako.

Hindi talaga sila tumitigil kakahabol sakin, naiinis nako, nakakapagod narin kasi e..

May nabunggo ako pero hindi ko pinansin, pero narinig ko na minura nyako, wala ako sa mood pumatol ngayon..

Pumasok ako sa isang shop at kumuha ng Ice cream at binayaran ng naka tungo, lumabas narin ako agad at kinain na, hindi ko alam kung saan ako peding kumain o bumili, natatakot ako na baka pag may makakilala sakin sabihin agad nila sa Vlades..

Naupo ako sa bench at kinain ang ice cream ko, nag angat ako ng tingin, napa tingin ako sa malaking tarpulina, malaking picture ni Decker na naka Attire, malamig rin ang itsura nya at may naka lagay na Decker Vlades CEO..

Mabilis kong tinapon ang stick at pinahid ang luhang kumawala sa mata ko, napa tungo ako at hindi napigilan na umiyak..

Namimiss kona kasi sya, kahit na niloko nyako, mahal ko parin sya pero may mahal syang iba, kaya nga ako umalis para maging masaya sya, pero bakit patuloy nyakong hinahabol? Nahihirapan nako..

" Magugunaw naba ang mundo kaya ka umiiyak?." Sabi ng nasa harapan ko kaya nag taas ako ng tingin sa kanya.

" Alam kong maganda ako, hindi mona kailangan sabihin." Ngising sabi nya, suminghot naman ako, kaya napa iling sya, sino bato? Bakit nyako kinakausap? At ano? Maganda sya? Oo aaminin ko pero kapal parin ng face nyang ipamuka sakin yon, e maganda rin ako.

" Bat nandito si master dark?." Tanong nya, nagulat ako sa sinabi nya, Dark daw!? tiningnan ko ang tinitingnan nya.

" Tang ina talaga, bakit si Dark pa?." Sabi ko at agad kong nilingon ang babaeng to at kinapitan sya sa kamay.

" Kilala mo si Dark?." Tanong ko kaya tumango sya, mag sasalita na sana sya ng bigla kong hinigit patakbo.

" Hoy! Saan mo ako dadalhin? Alam kong maganda ako pero hindi ko hahayaan na kidnapin mo ako." Sabi nya, ang ingay nya puta!

" Shut up for fucking sake!." Sabi ko pero hindi sya natahimik.

" Panong shut up?." Pang aasar nya kaya humigpit ang kapit ko sa kanya.

Hindi kona sya pinansin at dinala sya sa bago kong tinitiran, sinara ko ng mabuti ang binatana..

Naiinis ako sa sagot nya pag tinatanong kosya, para kasi syang tanga kausap, nakakapikon at pilosopo.

Hindi rin naman nag tagal at nag gabi narin, ang init at mag kasama pa kami nitong madaldal nato, tinalikoran ko nalang sya at natulog na, dahil bukas pupunta daw kami sa bahay nya.

LUMIPAS ang araw na dito kami namamalagi nitong si Janice, akala ko kung sino lang na Janice, pero napatunayan ko na sya yung kinukwento ni Decker sakin na mahal na mahal daw ni Dark.

At nalaman korin kailan lang na kaya pala ako nahahanap ni Dark e dahil may kinabit sya sa buhok kong tracker, hindi rin ganon kahalata, kahit maligo ako hindi matatanggal dahil sobrang dikit.

Pero may ipinag tataka lang ako, kung ganon nag kita narin sila ni Dark? E bakit hindi pa sila? Mahal na mahal raw ni Dark tong si Janice e paanong hindi pa sila?

" Kain na." Sabi nya at nilapag na ang pag kain, nag simula nakong kumuha at kumain, ang sarap talaga nya mag luto, kainggit..

Nasanay narin akong naka taas ang paa, kaya ayan lagi nyakong pinapagalitan na ibaba koraw ang paa ko, pero iniirapan ko nalang sya, wala akong panahon sa mga ganyanan nya lalo pa't kumakain ako.

" Red.." Seryosong tawag sakin ni Janice, mukang seryoso ang sasabihin nya kaya inintay ko ang sasabihin nya.

" Kailangan mong malaman na.." Pabitin na sabi nya, kinabahan naman ako, ano yon? Anong kailangan kong malaman?

" A-ano?."

" Kailangan mong malaman na isang plastic nalang ng marshmallow ang meron ako! Kaya ibili mona ako!." Bulyaw nya, halos matanggal ang muka ko sa diin ng pag hilamos ko, akala ko kasi kung ano ng mahalaga, tapos marshmallow lang pala pinoproblema ng gagong to..

" Bibili tayo! Hindi ako lang!." Balik na bulyaw ko sa kanya.. inirapan nyako, tusukin ko kaya sya dyan.

Nag suot na kami ng pang disguise namin at lumabas na, habang nag lalakad kami hindi matigil ang bunganga nya, hindi ko nalang pinansin at baka mag talo pa kami.

" Baka hinahanap nako ni Master." Biglang sabi nya kaya napa tingin ako sa kanya, naka tingin lang sya sa daan at napa tingin sakin, tinaasan nyako ng kilay.

" Ano?." Tanong nya..

" Wala." Sabi ko at tumingin na sa daan..

Pumasok na kami sa isang store at kumuha nasya ng marshmallow nya, napa iling nalang ako kasi limang plastic ang kinuha nya, grabe ang takaw nya, sa isang araw yata nakakaubos sya ng dalawang plastic.

Lumakad na kami sa cashier at binayaran, tuwang tuwa ang loko habang papalabas kami ng store.

Napa tigil ako sa pag lalakad kaya napa tingin sakin si Janice ng may pag tataka, bumilis ang tibok ng puso ko habang naka tingin sa lalaking may kausap.

Dahil sa takot na makita nya ako ay agad kong hinigit si Janice at nag tago kami, sinilip kosya..

" Bakit!?." Inis na tanong ng kasama ko pero hindi kosya sinagot..

Naka tingin lang ako sa lalaki, sa lalaking gustong gusto konang makita, pero.. ayaw kona rin mag pakita, ayoko ng bumalik sa kanya kahit na miss na miss kona sya.

Ng umalis ang kausap nya, napa suklay nalang sya sa buhok nya at halatang inis nasya..

Nilibot nya ang paningin nya, kaya mas nag tago ako, kitang kita ko ang pag buntong hininga nya, kita rin sa muka nya ang pagod..

Bakit ba kasi? Bakit moba kasi ako pilit na hinahanap?

Naramdaman ko ang luha ko habang naka tingin sa kanya na nag lalakad na palayo.

Bakit monga ba ako pilit hinahanap?

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now