Chapter 69.

8 2 0
                                    

RED POV.

" HAHAHA!!." Malakas na tawa ko habang napapahampas pako sa hita ko..

Paano ba naman kasi, nag lalaro kami ng habol habolan tapos bigla syang nadapa sa putikan, ayun balot nasya ng putik muka nasyang chocolate man hahaha!

" Eh!." Pout na nag papadyak sya na para bang maiiyak na, ako naman tong naiiyak na sa kakatawa.

" Ate Red naman eh!." Malapit na talaga syang maiyak kaya pinigilan kona ang pag tawa ko.

" Oo na, oo na.. pahihiramin na kita ng damit." Sabi ko at natatawa parin.

" Dyan kalang kukuha ako." Sabi ko at pumasok na sa loob, kumuha ako ng damit na maliit na, marami naman akong binili sa ukay ukay e.

Kinuha kona rin sya ng short na black at white t-shirt, medium kaya malaki sa kanya, pero ok narin yon haha..

Pag kakuha ko ng tuwalya ay lumabas na ako, nakita kosyang naliligo na sa gripo, wala narin syang pang itaas at tanging short nalang.

" Wag kana muna mag brief, wala ako non eh haha" Sabi ko, tumango nalang sya at ngumiti.

Napa ngiti narin ako, ilang araw narin ang laging pag punta nya dito, at hindi nyako binigo, kasi tuwang tuwa talaga akong kasama sya, feel konga na para akong nag karoon ng kapatid e.

" Totoy.. wag masyadong mag babad sa tubig ah, baka sipunin ka."

" Opo!." Sabi nya, pinanood ko nalang syang maligo, sarap na sarap e..

Nawala ang ngiti ko ng pumasok sa isip ko yung Vlades, paano kung malaman nanaman ni Dark na nandito ako? Aalis nanaman ako? Paano na si Totoy? Mamimiss kosya for sure..

Iniisip ko palang na aalis ako at iiwan sya, nalulungkot na agad ako, kung bakit ba naman kasi kailangan kopang mag tago sa mga yun, kung tutuusin si Decker naman ang may kasalanan, manloloko sya.. niloko nyalang ako..

Agad kong pinahid ang luha ko at nag iwas ng tingin kay totoy, baka kasi makita nyakong umiiyak..

Kahit sa gabi, hindi ko maiwasan hindi maiyak pag naaalala si Decker, lahat kasi ng mga sinabi nya, umaasa talaga akong totoo, pero sa twing maaalala yung mga sinabi nya sa party, nasasaktan ako, hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko..

Napa buntong hininga ako, nag paloko kasi ako, nag muka akong tanga sa harapan ni Selena, kahit paulit ulit nanyang sinabi na may gf na si Decker, mas naniwala parin ako sa kanya, kaya tanga talaga ako.. pero hindi ganon katanga, sayang naman ang ganda ko kung tanga talaga ako, ay ewan ang gulo ko..

Napa tingin ako kay totoy ng lumapit itong yakap ang sarili, ngumiti ako ng makita syang naka ngiti sakin.

" Bibihis kana?." Tanong ko..

" Opo." Sabi ko kaya binigay kona sa kanya yung tawel at damit, pumasok nasya sa loob, hindi naman problema sakin kung mag damusak sya, pupunasan ko nalang..

Ng mag sawa ako sa kakatingin dito sa labas ay napag pasyahan kona rin pumasok, pinunasan konarin yung mga tulo tulong tubig, baka mamaya madulas pasya.

Pumunta ako sa kwarto at naupo sa kama, kinuha ko yung laptop ko sa side table at kinalikot iyon.

Tiningnan ko kung ano nabang balita, o binalita, hindi ko kasi natingnan kahapon at ayoko rin mag bukas ng tv, tinatamad ako haha..

Wala namang iba, usap usapan parin yung tungkol sa poverty, okaya sa mga fuel.. wala namang about sa announcement ng Vlades, kaya hindi dapat ako kabahan, pero hindi dapat ako makampante.

" Ate Red! Tapos napo ako!." Masiglang sabi nya at patalon na tumabi sakin.. nginitian ko naman sya.

" Oh? Anong ginawa mo sa basa?." Tanong ko, ngumiti sya at taas noo na naka tingin sakin.

" Sinampay po sa labas." Sabi nya kaya napa ngiti ako ng malawak.

" Very good! Dahil sya may kiss ka sakin." Sabi ko at pinag hahalikan sya sa pisngi, natawa naman sya.

" Ate naman eh! Haha.." Sabi nya, may kiliti kasi sya sa leeg, pout syang naka tingin sakin ng lumayo ako sa kanya.

" Ikaw naman po maligo, bantot mona e haha!." Sabi nya kaya ako naman itong nag pout at kunwareng nag tatampo.

" Hmp! Porket nakaligo kana aasarin mona ako ah!." Pag mamaktol ko kaya napa kamot nalang sya sa ulo nya, ang cute nya hahaha..

" Sorry napo."

" Oo na maliligo nako, kung gusto mong manood, alam mona pipindutin mo." Sabi ko, tumango naman sya kaya kumuha nako ng damit at lumabas na ng kwarto, dumiretso nako sa banyo at naligo..

Habang naliligo naramdaman ko ang pag kalam ng sikmura ko, tanghali na pala, tapos tinapay lang kinain namin kanina, tapos hindi pako ganun kaalam mag luto, mag delata nalang kami..

Tinapos kona ang paliligo at nag bihis na, lumabas ako ng banyo habang pinupunasan ang buhok ko, nagulat pako ng may bigla nalang pumasok na babae kaya hinarang kosya..

" Sino po kayo?." Tanong ko..

" Susunduin kolang sana si Totoy, nasaan sya?." Tanong nya, may hawig sya ni totoy, kaya sure akong nanay nyato.

" Ah.. nandito po sa kwarto ko." Sabi ko at pumunta sa kwarto, nakita ko si Totoy na naka dapat habang nanonood.

" Toy! Tawag ka ng mama mo." Agaw ko sa attention nya, ng makita nya ang mama nya sa tabi ko bigla syang napa upo ng maayos, tiningnan nyapa ako.

" Totoy.. tara na, umuwi na tayo." Sabi ng mama nya sa mahinahon na boses, halata ang lungkot sa muka ni totoy pero pinilit nyang ngumiti, tumayo nasya at lumapit sa mama nya.

" Aalis na kami, salamat." Sabi ng mama nya, kaya ngumiti ako.

" Welcome posya dito, ingat po." Sabi ko kaya tumango sya.

" Babye ate Red." Ngiting sabi ni Totoy, naka sunod lang ang tingin ko sa kanila hanggang sa makalabas sila..

Pero bakit ganun? Parang malungkot si Totoy ng makita nya ang mama nya?

Iniling ko nalang ang ulo ko at napag pasyahan na mag bukas na ng dilatang uulamin ko, si totoy yung nag saing kanina kaya may kanin ako, sa totoo lang hindi pako ganon kagaling mag saing, buti nalang at maraming alam si totoy sa bahay..

Nag simula akong kumain, napa tingin ako sa oras.. 12:10 na pala, kalungkot, nasanay akong kasabay si totoy kumain, kayalang kasi sinundo sya e, bakit kaya?

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now