Chapter 27.

10 2 0
                                    

RED POV.

Nasa mahabang byahe kami ngayon ni Master, nandito na kami sa Davao para ihatid sa mom ni Master ang folder na binigay ng kanyang kuya noong nakaraan..

Tahimik lang kami, busy rin kasi si Master sa mga papel na tinitingnan nya, habang tahimik lang ako na naka tingin sa bintana.

Pinag dala nyarin ako ng maraming damit, hindi ko alam kung hanggang kelan kami pero pang dalawang linggo ang dinala ko, kaya naka lagay sa maleta.

Ang sabi lang kasi ni Master medyo matatagalan kami sa pag uwi kaya dapat marami akong dala, para ready edi pang dalawang linggo na, diba? Hahaha...

Dahil sa tagal ng byahe, hindi ko maiwasan na tingnan paminsan minsan si Master, naboboring narin kasi ako.

Ilang oras narin kami sa byahe at ansakit na ng pwet ko kahit na malambot naman yung upuan.

" What's the matter?." Tanong nya ng mapansing hindi na ako mapakali.

" Sorry Master.. pero malayo paba?."

" We're almost there." Sabi nya at inayos na ang ginagawa nya, binigay nya ito sa isang bodyguard nya na nasa passenger seat.

" Come here." Sabi ni Master at pinapalapit ako sa kanya, tinitigan kolang sya kasi hindi ko alam kung susunod ba ako o hinde..

" B-bakit?." Tanong ko, inang yan nautal pa, nagulat ako ng hilahin nya ako kaya nanlalaking mata kosyang tiningnan.

" Just relax, ok." Sabi nya at sya na mismo ang nag patong ng ulo ko sa dibdib nya.

Napa labi ako dahil amoy na amoy kosya, promise, crush kona talaga tong si Master..

" Are you hungry?." Tanong nya kaya umiling ako, gada isang oras kasi tatanungin nya ako kung gutom naba ako, tapos andami nyapang binibili kaya busog na busog ako.

" You'll meet my parent later, so be ready." Sabi nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" Bakit naman ako mag reready? Hindi naman siguro sila nag kakatay ng tao para matakot ako hindi ba?." Sabi ko..

Medyo kinabahan talaga ako sa sinabi nya, kasi bukod sa nakakatakot na sila Master lalo na yung kuya nya, pano pa kaya sa pinag manahan? syempre magulang nayon, ano bang malay natin baka talagang nag kakatay sila ng tao.

" Just relax, I'm with you you don't have to worry." Sabi nya, nanahimik nalang ako at nanatiling ganon ang ayos naming dalawa.

MATAPOS ang sobrang habang byahe ay nakarating narin kami, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay, or palasyo na siguro, anlaki e..

Kahit anong yaman namin wala pa talaga kami sa kalahati ng yaman nila, grabe, eto naba ang tirahan ng magulang ng limang Vlades?

" Let's go." Sabi ni Master at bumaba na, inalalayan nya akong bumaba at hindi ko talaga mapigilang mamangha ng makatapak nako sa lupa.

Kahit ang mga damo ay maayos, grabe, wala akong ibang masasabi kundi sobrang linis nila, napaka responsable sa lahat ng bagay, hindi talaga sila makitaan ng kahinaan, yun ang totoong lakas at dahilan kung bakit walang gustong kumalaban sa kanila.

Napa tingin ako kay Master ng hapitin nito ang bewang ko at inayos ang buhok ko, bigla naman akong namula kaya napa iwas ako ng tingin..

" Ok lang ako Master." Sabi ko at inayos ang buhok ko kahit naayos nanya, hinila nanya ako papasok kaya todo talaga yung kabang nararamdaman ko.

Makikita kona sa personal ang magulang ng Vlades, natatakot ako at kinakabahan, sobrang nakakatakot si Dark Vlades, pano pa kaya yung papa nya? Syempre kanino paba mag mamana? Ihh! Katakot!

" Relax." Sabi nya at kinapitan ang nanlalamig na kamay ko gamit ang kaliwang kamay nya..

Medyo naiilang ako sa pagkapit kapit nya sakin, sobrang lapit nyapa, hindi ko alam kung anong iisipin ko, pero curious ako kung ano bang iniisip ni Master at ginagawa nya ito? Hindi na ako makakaangal pa dahil baka mamaya mag collapse ako sa takot mamaya.

" Decker?." Nag stop kami sa pag lalakad ni Master ng marinig ang boses sa likoran namin, nilingon namin ito at halos masilaw ako sa ganda nya, para syang dyosa sa ganda nya, kahit kintab ng ginto mahihiya sa kanya.

" What are you doing here?." Malamig na sabi nito na ikina lunok ko, sobrang nakakatakot sya, para syang papatay sa itsura nya, huhuhu..

" Kuya Dark order me to bring the folder to you." Malamig rin na sabi ni Master, nakipag titigan pa sa babaeng nasa harapan namin, ang lakas ng tensyon sa pagitan nila ramdam koyon..

Namamasa narin ang kamay kong kapit kapit ni Master, napa tayo ako ng maayos ng mabaling ang tingin nito sakin, malamig parin.

" And who the fuck are you? Are you stealing my baby's heart?." Sabi nya na mas lalo kong ikina takot, ramdam kong nanghihina na ang tuhod ko.

At ano daw! Baby's heart? Asawa ba ni Master ang katakot takot na babaeng yan? O girlfriend? Sya ba yung pumunta sa building noon? Huhuhu hindi ako mang aagaw..

" Stop scaring her." Malamig at malalim na sabi ni Master na syang mas lalong ikina dilim ng tingin ng babae, mangiyak ngiyak na nakipag titigan ako sa mata nya.

" Ow really?." Sabi nito at lumapit pa, nanginginig na napakapit ako ng mahigpit kay Master.

" S-sorry.. h-hindi ko naman sya inaagaw sa___."

" Ihh!! Ang ganda mo! Ikaw naba ang girlfriend ng anak ko!? Ihh ang cute mo!." Sabi nya at tumili pa kaya nagulat talaga ako, tapos bigla nya akong niyakap kaya napalayo si Master.

" Mom!." Inis na sabi ni Master, hindi ako makapaniwalang naka tingin sa babaeng nasa harapan ko, seriously? Mommy nya ang dyosang nilalang nato? Pero muka pasyang bata!

" Baby Decker, I miss you so badly, buti naman at may dinala kanang girlfriend dito." Tuwang sabi ng mommy nya at binitawan na ako, namula ako sa sinabi nya, napag kamalan pangang girlfriend ni Masters.

" Honey!! May bisita tayo kasama ang girlfriend ng isa sa anak natin!." Sabi ng mom ni Master at hinila kami yung saan, tiningnan ko si Master dahil hindi nya manlang kontrahin kung sinasabi ng mommy nya na girlfriend nya ako.

" Pero hindi nya naman ako girlfriend." Bulong ko habang naka simangot, pansin ko ang pag titig sakin ni master pero nag iwas nalang ako.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now