Chapter 58.

9 2 0
                                    

RED POV.

" Gusto kong pumunta sa Ecker Building." Pamimilit ko sa mga tauhan ni Decker, as always, lagi silang tumatanggi na dalin ako don.

" Pasensya napo Lady Red, hindi po talaga pede."

" Bakit ba!? Ano bang masama sa pag punta don!? Kasama ko naman kayo!." Inis na bulyaw ko sa kanila..

" Hindi po talaga pe__."

" Pupunta ako." Diin na sabi ko at nag lakad pero hinarang nila ako, seryoso? Sasapakin kona to..

" Tabi."

" Lady Re__."

" Sabing tabi!." Inis na sabi ko at pilit na lumulusot sa kanila, napa hinga ako ng malalim at nag cross arm.

" Ganito nalang, sabihin nyo nalang sakin kung bakit bawal." Mahinahon na sabi ko pero nag si iwas lang sila, walang nag tangkang mag salita kaya tumalikod nako.

" Babalik napo ba kayo Lady Red?." Tanong ng isa kaya hinarap kosya.

" Ano panga bang magagawa ko? Hindi nyo naman ako palalabasin e." Sabi ko at pumasok na ulit sa loob, kainis, bored na bored nako, lagi pang wala si Decker, sinong kakausapin ko? Sarili ko sa salamin? Grabe..

Dumiretso ako sa kusina, bigla kasi akong nagutom, nag hanap ako ng makakain, may nakita akong isang box ng pancake, kaya yun nalang ang naisipan kong lutuin.

Ng maiayos kona lahat ay nag simula nakong mag halo, hindi naman ako magaling mag luto, pero kaya kong mag luto ng pancake hehehe..

Matapos mag halo halo ay nag painit nako sa kawale, at sinimulan mag lagay, syempre dahil malakas ang trip ko, nilagyan ko ng hugis heart, pag titira kona rin si Decker para pag uwi nya matikman nya ang luto ko..

Mabilis lang naman akong natapos at hinanap ang syrup, nag lagay ako ng limang pancakes sa plato at iniayos ito sa tray, kinuha kona rin yung 1.5 na royal sa ref, at syempre kinuha ko yung dalawang cupcake na nasa ref, kahapon pato dala ni Decker..

Ng maayos kona lahat pumunta nako sa sala at binuksan ang tv para manood..

Habang namimili ng panonoorin napa tigil ako ng makita kung sino ang nasa tv..

Kian!

Nag simula akong kumain habang pinapanood ang interview nila Kian, silang tatlo nila Kian, jana at Noel.

" Kamusta naman ang concert nyo nung festival?."

Tanong ng nag iinterview sa kanila, ngumiti naman si Kian at tumingin sa screen.

" Masaya, masarap sa pakiramdam lalo na at maraming sumosoporta sayo."

" Kung hindi ako nag kakamali, 1st place kayo, anong naramdaman nyo matapos makita ang mga magagaling na band? Anong naisip nyo bago sumalang sa stage?."

Tanong pa nito, chismoso ka lang te? Di joke lang, curious din ako..

Bahagya naman natawa si Kian, nababaliw na yata sya..

" Ang totoo nyan, sobra yung kaba namin, hindi namin mapaliwanag yung kabang nararamdaman namin, syempre hindi talaga mawawala yon lalo na at haharap ka sa napaka raming tao, pero syempre kailangan talaga malakas ang loob mo na gawin ang bagay na gusto mo, sayang ngalang.. kasi nung ginawa namin yon, wala ang taong iniintay ko na makita kaming mag perform."

Kahit naka ngiti sya, kita ko sa mata nya ang lungkot, pero sino kaya yung taong iniintay nya?

" Pedi ba naming malaman kung sino ang taong yon?."

Tanong pa nito, sabi na e, chismoso sya, hahaha interview nga Red e, malamang tanungan portion yan, shunga ka talaga..

" She's my schoolmates.. I can't mention her baka kasi magalit sya." Tatawa tawang sabi nya.

" Hay nakoo.. pedi mo naman sabihin na.. 'Hi Red Stavila!' Hahaha.."

Bigla akong nasamid sa biglang pag mention sakin ni Noel.. maiintindihan ko naman kung may kapangalan lang ako, pero putik! Red Stavila daw! Ibig sabihin ako yon! Kingina bat nadamay ako!? At isa pa wala akong matandaan na naging schoolmate kami ni Kian..

" Tapos nayon, peding wag ng pag usapan?."

Biglang singit ni Jana, halatang hindi sya natuwa sa pinag uusapan nila, sabagay, nung makita nyanga ako ay ang sama na agad ng trato nya sakin, akala mo naman pinag lihi sa sama ng loob ang babaeng yon.

Napa tingin ako sa cp ko ng tumunog ito, unknown number ang nakalagay, kinuha kona at sinagot.

" Hello?."

" Red! Si Selena to."

" Oh? Napatawag ka? Saan mo pala nakuha number ko?." Takang tanong ko, napa hagikgik naman sya.

" Kay Karl, balita ko wala ka sa bahay nyo, nandyan kadaw sa bahay ng boyfriend mo, pedi bakong pumunta dyan?."

Napa isip naman ako, hindi kaya magagalit ang kumag nayon pag pinapunta ko si Selena dito? Tyaka babae naman sya wala syang dapat ikaselos.

" Sige, kelan ka pupunta?."

" Bukas!."

" Text ko nalang sayo yung address."

" Oum! Tatawag ako pag pupunta nako, Bye bye!."

Masiglang sabi nya bago patayin ang tawag, napa ngiti naman ako, kahit papano ay hindi nako mabobored, nilipat kona ang palabas at nangain nalang ulit.

Napapahikab pa ako dahil nakakaramdam nako ng antok, lately lagi nalang akong tulog, pano ba naman kasi wala akong magawa kundi ang matulog, siguro ay nasanay narin.

Napa hinga ako ng malalim at sumandal sa sofa, pinikit ko ang mga mata ko at unti unti kong nararamdaman ang bigat ng katawan ko.

NAALIMPUNGATAN ako ng may marinig akong hindi kaaya aya, nag mulat ako at halos mahulog ako ng makita ang palabas, horror pota!

Agad kong pinatay at nag hahabol ng hininga na napakapit sa dibdib ko, kingina, pati sa panaginip ko pumasok yung sound, hanep..

Napa tingin ako sa labas, gabi na pala, grabe naman yung pag tulog ko, agad kong niligpit ang pinag kainan ko at dinala na sa lababo.

Lumabas agad ako at nilapitan ang isa sa tauhan ni Decker.

" Good evening Lady Red." Bati nya, tumango naman ako at ngumiti.

" Hindi paba nauwi si Decker?."

" Hindi papo." Sabi nya kaya nag pilit ako ng ngiti bago tumango at pumasok na ulit sa loob.

Bakit naman ginabi nayon? Minsan naman mga 2 or 4 nandito nasya, ngayon mag 7 na wala pasya, siguro naging busy lang sa work.

Kinuha ko ang cp ko at sinubukan kosyang tawagan, kaso cannot be reach sya, hyss..

Nakakawalang gana kumain, umakyat nako sa kwarto para ituloy na ang pag tulog ko.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now