Chapter 62.

8 2 0
                                    

RED POV.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong wala nakong katabi, tiningnan ko ang oras at 3am na ng umaga..

Saan nag punta yun?

Tumayo ako at nag kukusot ng mata na ang lakad, wala naman sa cr dahil patay ang ilaw, lalabas na sana ako ng kwarto ng mapa tingin ako sa balcony, may anino ng tao don.

" Decker?." Mahinang sabi ko at nag lakad, bahagyang naka uwang ang pinto habang hinahangin ang kurtina..

" Dec___." Natigilan ako ng marinig ko na may kausap sya, kaya nag tago ako sa gilid at pinakinggan sya, hindi ko gawain to pero pag ganitong curious ako, talagang aalamin ko kung sinong kausap nya, ganitong oras may kausap sya?

" Force him to speak, do whatever you want just make sure you get the information I want, this will never end, so make sure that fucker will speak, then kill him." Rinig kong sabi nya na ikina takip ko sa bibig ko, what the hell!! Ano nanaman to!? Bat may patayan nanaman na magaganap?

" I don't have much time, let me talk to lowey." Sabi nya,

Who's Lowey naman!?

" Did you do my order? Pasabugin lahat ng pag mamay ari nila, make sure that they will suffer, wag mong intayin na ako pa ang gumawa ng trabaho." Sabi nito, ano bang pinag uusapan nila? At sinong Lowey? Parang narinig kona yon, saan nga ba!? Pota eto nanaman e!

" Ok.. good.." Sabi nya, hindi kona kinakaya ang pinag sasabi nya at aalis na sana ng matigilan ako..

" Zane.. take care of my children, I trust you, mother need to be responsible, you need to take the responsibility so do I.." Sabi nya, parang tumigil ang mundo ko..

Children?

" Hmm.. I love you too." Sabi nya..

Agad akong nag madaling nahiga sa kama at nag talukbong, narinig ko kasing pinatay nanya ang call..

Naging tahimik at naka tigil ako, naramdaman ko ang pag higa nya, rinig na rinig korin ang pag buntong hininga nya, para bang may malalim na iniisip.

Nakapikit ako, pero naramdaman ko ang init ng mata ko kasabay ng pag tulo ng luha ko, naramdaman ko ang pag lapit nya sakin at niyakap ako..

" I'm sorry." Halos pabulong na sabi nya, mas lalo akong naluha, hindi ko alam kung para saan yang pag sosorry nya, pinigilan ko ang pag hikbi ko at nag kunware paring tulog.

Akala ko ay may sasabihin pasya, pero naramdaman ko naman na mabigat na ang bawat pag hinga nya, halatang nakatulog nasya.

Pinunasan ko ang luha ko at dahan dahan syang hinarap para tingnan ang muka nya..

Ano bang dapat kong isipin? Kakapropose lang nya kagabi, naniniwala ako, mahal nyako, mahal nyako..

Pero sino yun ka I love you-han nya?

Mas naiyak ako at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang hikbi ko, marahan kong hinawakan ang muka nya..

Hindi naman siguro, hindi naman siguro nyako niloloko, baka nag kamali lang ako ng dinig at hindi nya anak ang tinutukoy nya, at hindi nya mahal ang taong sinabihan nya ng I love you, maniniwala ako, kung noon nasira kami dahil sa hindi kasiguraduhan na punyetang girlfriend nya na kasama nya sa party, pwes hindi na gagana yan ngayon, kahit masakit pipilitin kong kalimutan, kasi di naman totoo lahat ng to.

Mahal ako ni Decker, hindi nyako magagawang lokohin, sakin nyalang pinaparamdam kung gaano nyako kamahal.

Talaga bang ako lang?

NAGISING ako ng maramdaman may humalik sakin, naka tulog na pala ako kanina dahil siguro sa kakaiyak ko.

" D-decker?." Mahinang sabi ko at agad na hinawakan ang kamay nya ng makitang papaalis nasya, naka bihis narin sya.

" Anong oras na?." Tanong ko, kinapitan nyarin ang kamay ko at hinalikan..

" It's already 5am." Sabi nya, umupo ako at tiningnan sya..

" Ang aga mo naman yata.." Naka simangot na sabi ko, binawi nya ang kamay nya at hinawakan ang pisngi ko, bahagya syang ngumiti at parang may malalim na iniisip..

" Importante lang."

" Iiwan mo nanaman ako mag isa." May pag tatampong sabi ko, napa buntong hininga naman sya.

" Ganito nalang, uuwi ako ng maaga, hmm.." Ngiting sabi nya..

" Promise?." Tanong ko, nag alangan pasya at nag isip, pero sa huli sumagot rin.

" Hmm.. Need to go bye." Sabi nya at umalis na, napa simangot nalang ako ng todo todo, nalimutan nyang halikan ako, kahit naman kasi hindi kosya naaabutan, minsan nararamdaman ko na bago sya umalis hinahalikan nyako sa labi, bat wala ngayon? Hmp!

Bumangon nako ng tuluyan at sinilip ang kotseng papalabas, mabilis ang pag papatakbo nya na para bang nag mamadali pa..

" Sana, yang importanteng sinasabi mo, sana hindi yan maging dahilan ng ikasasakit ko.. Don't hurt me, alam kong hindi mokong kayang saktan in physically, but how about in emotionally? Kaya mobang panindigan ang nararamdaman ko?." Mahinang sabi ko habang naka tingin sa pinag labasan nya, tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko.

Ayaw konang isipin ang nangyare kaninang madaling araw, ayokong isipin na niloloko nyako, ayoko ng isipin lahat ng narinig ko..

Pero puso na ang nag papaalala sakin, nasasaktan ako kahit hindi pa naman ako sigurado kung totoo nga ba ang hinala ko.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang singsing sa daliri ko, mag titiwala ako sa kanya, hanggat nasakin tong singsing, paninindigan ko ang mga salitang binitawan nya, at alam kong totoo lahat ng yon..

Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ang cp ko na tumutunog, agad akong lumapit don at nabasa ko ang pangalan ni Selena, kaya sinagot kona.

" Hello.."

" Hey Cous! Bukas na! May susuotin kana ba para bukas?."

Naalala ko bigla, may event nga pala bukas at kasama ako don..

" Hahanap nalang ako ng maayos na dress."

" Sunduin nalang kita! Meron akong biniling dress and I know it will fit on you." Masayang sabi nya.

" Anong oras?."

" Maybe 11.. so be prepared! Bye!." Sabi nya at pinatay na ang tawag.

Naupo ako sa kama, paano ko naman sasabihin to kay Decker? Baka hindi pumayag yon, halata namang ayaw nya kay Selena.

Bahala nanga bukas, ang iisipin ko muna ngayon kung anong magandang gawin.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now