Chapter 11.

13 3 1
                                    

RED POV.

" Anong nangyare kagabi ah?." Excited na tanong sakin ni Hailey ng makasalubong nya ako.

" Ok naman, nitreat ako ni master." Sabi ko kaya kinikilig syang yumakap sa braso ko.

" Omg! So you guys date yesterday? O my girl! You got the power of beauty!." Sabi nya at tumili pa kaya nakaagaw kami ng attention, hinampas ko si Hailey para patigilin sa kalandian nya.

" Tumigil kanga dyan, hindi kami nag date, and I will never dated a guy like Master, kasi nakakatakot sya, ok? So shupii!." Pag tataboy ko sa kanya at sumakay na ako ng elevator, naka simangot syang nag wave nalang na ikina iling ko.

Ng makarating sa taas ay pumunta nako sa mesa ko at naupo, tiningnan ko kung may naka schedule ba si Master, pero wala kaya napa hinga ako ng maluwag.

Napa tingin ako sa paper bag na daladala ko, nilaban kona kasi yung attire ni Master na pinahiram nya sakin, ang kaso pano ko ibabalik?

" Hi Miss Red, Good morning." Napa tingin ako kay manager Haze na naka ngiting papalapit sakin.

" Good morning din, ahm.. Manager Haze, pedi ba akong makisuyo if wala ka namang gagawin." Sabi ko.

" Bakit ano bayon?."

" Nandyan naba si Master?." Tanong ko.

" Oo, maaga syang dumating kasi marami pasyang gagawin." Sabi nya.

" Ah ok, pedi bang paki bigay to sa kanya? Attire nya yan, nalaban kona rin kaya don't worry malinis nayan." Sabi ko at nilahad sa kanya yung paper bag.

Ng kapitan nya napa tingin kami sa pintong bumukas at bumungad samin ang malamig na si Master, ng mapa tingin ito samin mas lalo syang nanlamig at napaka sama ng tingin nya.

" Ah.. G-good morning Master." Kinakabahang sabi ko, tiningnan nya ang kamay ko kaya napa tingin din ako, bigla kong nabitawan yung paper bag ng mapagtantong kapit na pala ni manager Haze yung kamay ko, kaya pati sya nagulat.

" Stop flirting in my territory and do your job, and you." Turo nya sakin kaya napa ayos ako ng tayo.

" Y-yes Master?."

" Follow me." Sabi nya kaya kinuha kona yung paper bag at sumunod sa kanya papasok sa loob ng office nya.

" Ahm.. Mast__." Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng pumasok nasya sa isang room, napa simangot akong napa upo sa sofa, laging beast mood si Master.

Nilibot ko ang tingin sa paligid habang iniintay na lumabas si Master sa pinag pasukan nya, hindi narin naman nag tagal at nakita kona rin syang lumabas, pero gulo na yung buhok nya at yung suot nya, hindi ko alam kung anong ginawa nito sa loob pero pogi parin naman sya kahit gulo na yung buhok nya..

" Mast___."

" We're leaving." Sabi nya at papalabas na sana ng mabilis akong lumapit sa kanya dahilan para mapa tigil sya.

" Teka Master, you look perfect as always, so let me fix this one." Sabi ko at inayos ang neck tie nya, bahagya korin hinigit pababa ang attire nya para mag straight ulit, ng maayos na napa tingin ako kay Master na naka tingin sakin, bigla akong napa iwas ng tingin ng makitang malapit ang muka nya sakin.

" A-ah sige Master alis na tayo, by the way, yung attire mo nilagay ko nalang sa sofa." Sabi ko at nauna ng lumabas.

Kapit kapit ko yung dibdib kong sumakay ng elevator, syempre hinintay ko si Master alangan namang iwan ko e aalis nga daw kami.

Ng makasakay narin si Master tahimik lang ako, gusto ko sanang tanungin kung saan pupunta kaso baka magalit, tyaka hindi naman kami ganon ka close para mag tanong ako.

Ng maka baba na kami, lumabas na kami agad ng building at sumakay sa kotse, sa passenger seat ako pinaupo ni Master at sya ang mag dadrive ngayon.

Tiningnan ko si Master na seryoso lang na naka tingin sa harapan, gusto kong mag tanong, kasi amboring, kaso wag nalang kasi nakakatakot talaga sya.

Bahagya akong nagulat ng bigla nalang mag ring ang phone ko kaya kinuha ko at nabasa ko ang pangalan ni Karl, napa tingin ako kay Master na tutok parin sa harapan kaya sinagot kona.

" Hello Karl? Bakit?." Tanong ko..

" May day off kaba?."

" Oo naman, wala akong pasok sa Sabado, bakit?."

" Aayain kasi kitang mag sleep over sa bahay." Sabi nya na ikina ngiti ko, antagal narin simula ng matulog ako don.

" Sige ba, pedi ako sa sabado, kasama ba si Kudos?."

" Oo."

" Bakit pala bigla kang nag aya?."

" May business trip kasi kami ni dad sa Sunday for one week, kaya mamimiss ko kayo, kaya dapat mag bonding tayo." Sabi nya na ikina simangot ko.

" Aww.. malalayo kana samin, sige pupunta ako."

" Ok, so I'll hung up now, see you in Saturday."

Sabi nya at binaba na ang tawag, napa simangot ako dahil aalis yung kaibigan ko, grabe one week matagal narin yon no.

Natigil lang ako sa pag iisip ng bigla nalang mamatay ang makina, napa tingin ako sa labas at mukang nandito na kami.

Bumaba na si Master kaya bumaba narin ako, tahimik lang akong sumunod sa kanya.

" Master nasan tayo?." Tanong ko pero hindi sya nag salita kaya patago kosyang binilatan, hahaha..

Ng makapasok kami sa isang pinto napa tigil ako dahil ngayon kolang narealize na nasa bahay ampunan kami..

Napa tingin ako sa paligid at maraming taong nag bibigay ng pag kain at sa kabila mga gamit.

Lumapit kami sa isang lalaki, ng mapansin ang presensya namin ay napa tingin sya samin at ngumiti.

" Master Vlades, maayos naman po ang lahat, hindi mo naman po kailangan pumunta." Sabi nito.

" I just want to check it." Sabi ni Master at hinubad ang attire nya at maayos na pinatong sa upuan, tinaas nyarin ang dalawang sleeves nya at nag simulang tumulong kaya napa titig ako sa kanya.

Kahit na ang cold nyang maka tingin at hindi nag sasalita, may puso parin pala tong si Master, at habang tinitingnan kosya ngayon, hindi ko mapigilang di mapa ngiti, pero bigla ring nawala at napa iwas ng tingin ng tumingin sya sakin.

" Are you going to stare and do nothing? Do want me to fired you now?." Malamig na sabi nito kaya tarantang napa iling ako.

" Hinde po eto na!."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now