Chapter 33.

9 2 0
                                    

RED POV.

Ilang araw na ang lumipas simula ng mag bonding kaming tatlo, at hanggang ngayon hindi parin ako maka move on sa babaeng kasama ni Master.

Napa buntong hininga ako at napa sandal sa upuan ko, napa tingin ako sa pintuan ni Master, bakit ba hindi parin sya dumarating? Tanghali na.

Napa tingin ako kay manager Haze ng lumapit ito sakin at may dalang kape, nilapag nya yung isa sa table ko at ngumiti.

" Kape ka muna." Sabi nya kaya ngumiti rin ako.

" Thanks." Sabi ko at uminom na, lagi nalang wala si Master, diba dapat natutuwa ako kasi hindi kosya nakakasama ngayon? Bat parang nalulungkot pako? Baka nasanay lang na kasama sya, at isa pa, inamin kona rin sa sarili ko na Crush kona sya.

" Ok kalang ba Miss Red?." Tanong nya at hinila ang bangko palapit sakin.

" Ok lang naman bakit?."

" Lagi ka nalang kasing tulala pag walang ginagawa, tapos sobrang focus mo sa trabaho ni hindi mona naaalalang kumain." Sabi nya..

" Tsk.. Natural lang yon, kailangan kong gawin ang dapat, para hindi matambakan." Sabi ko at napa tingin sa computer..

" Pero kumain karin, pag nag kasakit ka mas lalo kang matatambakan." Sabi nya na ikina simangot ko.

" Tutulungan mo naman ako e." Pag bibiro ko na ikina tawa nyalang.

Matapos ang break time umalis narin sya at marami padaw syang gagawin, kahit papano nalibang rin ako sa kwentuhan namin ni manager Haze.

Nag patuloy nalang ulit ako sa pag tatrabaho, sa isang araw na ang birthday ni Selena, nakabili narin ako ng masusuot para sa party, kaya ang dapat ko nalang gawin ay tapusin ang trabaho ko.

Mabilis lang lumipas ng oras at nag unat nako ng buto ng matapos, kahapon rin hindi rin dumating si Master, pati ba naman ngayon? Hys..

Nag ayos nako at napag pasyahan ng umalis, palabas nako ng building ng may biglang tumawag sakin.

" Red!." Tawag mula sa likod kaya nilingon kosya, at nakita ko ang naka ngiting si Hailey.

" Red Free ka?." Ngiting tanong nya ng makapalapit sakin.

" Hmm.. bakit?." Balik tanong ko..

" Kape tayo, may alam akong Cafe na masarap ang kape." Ngiting sabi nya kaya tumango nalang ako.

Sakto wala syang dalang sasakyan kaya yung kotse kona ang ginamit, sinabi narin nya kung saan.

Mabilis lang naman kaming nakarating at nag park nako, simple lang yung Cafe pero maganda, pumasok na kami at umorder.

" Anyway, bakit pala nag aya ka mag kape?." Tanong ko..

" lately you look sad and stress, kaya inaya kita para makapag usap naman tayo, we're always busy, kaya madalang lang tayo makapag sama." Sabi nya kaya napa tango nalang ako.

" May problema kaba Red? You can tell me." Sabi nya, hindi ko alam kung sasabihin koba, kasi napaka liit na bagay lang naman ang iniisip ko, at si Master lang naman yun, hindi big deal yon, pero sa tingin ko para sa kanila malaki ang problema ko dahil sa kinikilos ko.

" Ok lang ako, at isa pa normal lang na maging tutok ako sa trabaho, one week ba naman kami ni Master don sa Makati, maraming trabahong natambak." Sabi ko..

" Ok.. I won't force you if you can't share it, basta nandito lang ako Red, I'm just worried." Sabi nya at humigop ng kape ng maabot na samin ang order namin.

Nag kwentuhan lang kami ng konti at napag pasyahan ng umuwi, nag taxi nalang sya dahil sa kabilang way sya.

Napa buntong hininga ako dahil nararamdaman kona ang pagod sa buong mag hapon na ginawa ko.

Ng mag stop light ay tumigil ako, bored akong tumingin sa labas dahil 45 sec pa bago mag green..

Habang naka tingin sa labas, napatingin ako sa glass wall ng luxury shop, at nanlaki ang mata ko at napa ayos ng upo ng makita kung sinong nasa loob.

" M-master." Bulong ko habang naka tingin sa kanila, kasama nanaman nya yung babae..

Bigla akong nainis, kasi pagkatapos nyang landiin ako, ngayon may iba syang kasama, tumingin ako sa harapan at napahigpit ang kapit ko sa manibela, kasabay ng pag andar ko ay ang pag tulo ng luha ko..

Wala man akong karapatan sa kanya, pero may karapatan akong masaktan, kahit sabihin mong assuming ako dahil sa ginagawa ni Master, wala na akong pake, ni minsan ba inisip nya na gusto nyarin ako? Kasi ako gusto kosya kahit ansama ng ugali nya..

NG maka uwi nako ay agad na akong dumiretso sa kwarto at binaksak ang sarili sa kama, wala na akong gana, at yung luha ko, ayaw nyang tumigil.

Pinunasan ko ang tuloy tuloy na pag tulo ng luha ko, bakit ba kasi ako umiiyak? Alam ko naman na nasasaktan ako, pero kahit umiyak pa ako hindi kailan man magugustuhan ni Master ang tulad ko, kahit anong yaman ko barya parin yon para sa kanila.

Niyakap ko ang unan ko at sinubsob don ang muka ko, naiinis rin ako sa sarili ko dahil ngayon nararamdaman ko na mahina ako, nasanay akong malakas at matatag, sa lahat lahat si Master pa ang dahilan kung bakit nag kakaganito ako ngayon.

Napa upo ako at pinunasan ang luha ko ng may biglang kumatok, nakita ko naman ang pag pasok ni Mom..

" Anak.." Tawag nya at ng makita ako nginitian nya ako, lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko.

" Bakit po?." Tanong ko..

" Oh.. bakit mugto ang mata mo? May nangyare ba?." Tanong nya, gusto kong maiyak dahil ngayon ko nalang ulit narinig at nakitang nag aalala sakin si mom, simula kasi noon lagi nya nalang ako sinesermonan lalo na ng tanggihan ko ang company na ipapamana sakin.

" Ok lang po ako, sadyang inaantok lang po." Pag sisinungaling ko, alam kong hindi sya kumbinsido sa sinabi ko pero ngumiti nalang sya.

" Bakit po pala kayo nandito?."

" Pakamusta nalang sa pinsan mong si Selena, hindi kami makakapunta ng dad mo dahil may biglaang business trip." Malungkot na sabi nito kaya nalungkot rin ako, akala ko ay makakasama kona sila sa party, hindi parin pala.

" Sige po." Sabi ko, niyakap ako ni mom at gumaan naman ang pakiramdam ko.

" Mahal ka namin ng dad mo anak, wag mong kalilimutan yan."

" Opo."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now