Chapter 48.

8 2 0
                                    

RED POV.

Naka ngiti akong naka tingin sa kalangitan, kahit madilim na maganda parin dahil sa mga nag liliwanag na stars, plus magandang view ng festival, wala sila Kudos dahil mag sasarili na muna daw sila ng gala, kaya eto naka upo kami ni Decker..

" Salamat ah." Sabi ko habang naka tingin parin sa kalangitan, kita ko ang pag lingon nya sakin.

" Para saan?."

" kahit mukang labag sa loob mong kasama sila o pakisamahan sila ginawa mo parin, pero aminin mo, nag enjoy karing kasama sila kanina hindi ba?." Ngiting sabi ko at tiningnan sya, tinitigan nya ako sa mga mata at hindi rin naka sagot agad.

" Tsk.. ginawa kolang yon dahil sayo." Sabi nya at nag iwas ng tingin, kahit na nag susungit sya ngayon hindi parin mawala ang ngiti ko.

Kahit hindi nya aminin, alam kong nag enjoy sya, hindi lang dahil sa nakakakuha sya ng kiss tsk, abuso.. pero sa bawat galaw nya habang tumatagal, nakikita kong kahit papano ay kinakausap narin nya sila Kudos, kahit halatang naiirita nasya sa kadaldalan ni Kudos hahaha..

" May tanong ako." Sabi ko habang naka tingin sa kawalan, may bigla kasing pumasok sa isip ko.

" Ano yon?." Tanong nya kaya napa tingin na ulit ako sa kanya na naka tingin narin.

" Bakit moko nagustohan? Bakit ako?." Diretsong tanong ko, titig na titig sya sa mga mata ko, parang napako na yung pag kakatitig nya at hindi nanya maialis, ganon rin ako dahil iniintay ko ang sagot nya.

" It's because you're Red Stavila." Sabi nya at tumingin sa harapan, naguluhan naman ako, ano namang kinalaman ng pangalan ko sa pag kagusto nya sakin?

" Kinalaman ng pangalan ko?." Takang tanong ko, mas naguluhan ako dahil bigla nalang syang ngumiti na para bang pinipigilan nyapa yon sa lagay nayan.

" Wala.. Tara na, mag hanap na tayo ng mabibiling pag kain." Sabi nya at tumayo, napa pout ako dahil hindi nya manlang sinagot ang tanong ko, kung sinagot nyaman hindi naman maayos, hindi ko kaya gets.

" Shawarma." Pout na sabi ko kasi bigla nalang pumasok sa isip ko at para akong nag laway, tumango naman sya kaya nag hanap na kami ng mabibilan non..

Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko na para bang pag nabitawan nyalang saglit ay mawawala na agad ako, napa iling nalang ako at tumingin sa paligid.

May napansin akong naka hoodie at mask, ang weird dahil naka shade sya sa dilim, nalingat lang sandali yung paningin ko pero wala na agad sya sa pwesto nya, baka nag hahallucinate lang ako.

Binalik kona ang tingin kay Decker ng tumigil na kami, bigla namang nag wala yung bulate sa tyan ko ng makita ang shawarma!

" Bakit?." Takang tanong ko kay Decker ng ilibot nya ang tingin sa paligid, tiningnan nya ako at umiling lang sya.

Inintay na namin na matapos ang order namin at umalis narin kami, papunta na kami ngayon sa taas, kung saan doon pweding manood ng fireworks mamayang 8, 7 palang pero marami na kasing napunta don, dahil masarap talaga manood ng fireworks don, plus magandang view sa baba.

Nag hanap na kami ng bench na mauupuan, at super yung tuwa ko ng may vacant sa unahan kung saan pedi monang makita ang kabuuan ng festival, magagandang ilaw, mga taong nag lalakad at kung ano pa, kaya sobrang relaxing plus sariwang hangin.

Napa tingin ako kay Decker ng ipatong nya yung nabili lang nyang jacket kanina, ewan bigla nya nalang binili dahil niyakap ko, anlambot kasi hmp!

" Baby.."

" Bakit?." Tanong ko habang ngumunguya, naka titig lang sya sakin ng seryoso kaya hindi nako muling naka kagat sa shawarma ko ng malunok kona, iniintay ko kasi yung sasabihin nya.

" Do you.." Tumigil sya at halos malusaw nako sa sobrang pagtitig nya, ako naman itong kating kati ng malaman kung ano bang sasabihin nya.

" Nevermind." Sabi nya at nag iwas ng tingin, nuyun? Kaloka kala ko naman kung ano na, tsk.. minsan may sayad talaga pag iisip nya.

Napa tingin ako sa kalangitan at hindi ko napigilang hindi mapa ngiti ng malapad ng mag simula na ang fireworks, kahit na parang kailan lang ng makakita ako ng fireworks ay tuwang tuwa parin ako, sobrang ganda kasi talaga.

Ng maramdaman kong kinapitan ni Decker ang kamay kong nakahawak sa unuupuan namin ay napa tingin ako sa kanya, kasabay non ang pag kagulat ko ng bigla nya nalang akong hinalikan, naka pikit din sya habang ako parang naestatwa..

Napahigpit yung kapit ko sa shawarma hindi na inisip kung madudurog yon, damang dama ko ang labi nya sakin, sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa maraming taong nakapaligid, kundi sa taong nasa harapan ko ngayon.

" I love you." Parang hangin na sabi nya sa sobrang hina ng lumayo ng konti ang muka nya, pero sobrang lapit parin ng muka namin sa isa't isa na halos maduling nako.

Titig na titig ako sa mga mata nya habang pinapakiramdaman ang pag kabog ng malakas ng dibdib ko, mag sasalita na sana ako ng mahigpit nyang kapitan ang kamay ko na halatang tensyonado sya sa itsura nya, kaya kinabahan naman ako.

" We need to leave." Sabi nya at walang pasabing hinila ako, halos patakbo na ang ginagawa namin, kita ko ang tensyon sa itsura nya lalo pa't hirap kaming makadaan dahil sa dami ng tao.

" A-ano bang nangyayare?." Tanong ko dahil naririnig kona rin ang mahihinang mura nya.

" There's someone following us, I don't know who that fucktard is, but I don't feel good about it." Sabi nya kaya lalo akong kinabahan, nag palingon lingon ako at parang may taong sumusunod nga samin, sa gitna ng pag sisiksikan namin paalis, nagulat ako ng may biglang humila ng kamay ko, halos manginig ako ng makitang hindi umabot yung kutsilyong patama sa muka ko dahil sa mabilis ng kilos ni Decker, at agad nyang nasapak yung lalaki at ako naman nilayo nya, dahil don nataranta ang mga tao.

" Fuck it!." Bulalas ni Decker at napatingin sa paligid..

" We need to run." Sabi ni Decker bago ako hilahin patakbo, ano bang nangyayare?

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now