Chapter 36: I Can't

11.5K 129 5
                                    

Alex's POV


Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko ang sarili ko na nakatali sa isang upuan. Pinilit kong tanggalin ang pagkakatali ko pero hindi ko matanggal. Napakadumi ng lugar na to. Puno ng pakalat kalat na kahoy tapos basag basag na mga salamin. Maraming nakatambak na bagay.

"Tulong!!! Help Me!! May tao ba jan??" sigaw ko sa paghingi ng tulong pero halos mapaos na ata ako, wala pa rin nadating. Napakalayo naman ata ng lugar na to para walang makarinig sakin.

"Tulong!!" pagsisisgaw ko ulit.

"Miss, walang tutulong sayo dito. Masyadong tago ang lugar na to kaya walang makakarinig sayo." sagot ng isang lalaki mula sa likuran ko.

"Sinu ka? Anu bang kailangan mo sakin? Pera? I've got lot's of that. Pakawalan mo lang ako." sagot ko sa kanya habang pinipilit tanggalin ang tali.

"Pera? Di kailangan ni boss ng pera mo. Mayaman din si boss. Kailangan ka lang nya makausap kaya ganito ang ginawa nya."

"Kausapin? Pede naman nya akong lapitan ah. Hindi yung ganito pa." galit kong sigaw sa kanya.

"Kung hindi mo sya tinatanggihan kausapin edi sana, hindi aabot sa ganito." sagot ulit sakin ng lalaki. This time, malapit na sya sakin. Tapos inabot nya sakin ang plato na may lamang pagkain.

"Oh, kumain ka muna. Baka pumayat ka. Mawala pa ang maganda mong kutis." sabi nya sakin. Tiningnan ko sya. Bakit naman ganito kagwapo ang nilalang na ito? Ok, nagawa ko pang lumandi ^_^

"Ayaw kong kumain. Baka mamaya, may pangpatulog pa yan. Matutulog na naman ako, kagigising ko lang." sagot ko sa kanya habang nakikipagtitigan.

"Ha-ha. You're funny Miss. Ang lakas ng sense of humor mo."

"Ganito na talaga ako. Sino ba kasi yang boss mo ha? Ang cheap nya. Kung di nya kailangan ng pera, bakit dito sa panget na lugar nyo ako dinala?" pagmamataray ko sa gwapong lalaking kaharap ko.

"Nakakita ka na ba ng kinidnapped na nasa hotel? Hostage pede pa." pabalang naman nyang sagot sakin.

"The heck."

Biglang tumunog ang phone nya.

"Hello, o pare,"

"Oo,"

"Okay na. Gising na." may pagtingin pa sakin. Tinarayan ko nga.

"Ang taray pala nito pare."

"Malapit ka na? O sige, hihintayin ka namin dito."

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon