Alex's POV
Dahil ginabi na kami ay napagdesisyunan na naming dito matulog sa Nasugbu. May dala naman kami ni Ice na extrang damit tapos may spare na damit din namang dala si Kevin. Handang handa sya ano???
Madaling araw ng umalis kami sa Nasugbu dahil may usapan akong breakfast sa bahay nila Red kasama ang mag anak nya syempre, at ang bagong kasal. Makikita ko na din si Alfie na medyo matagal ko ng hindi nakikita.
7 AM ng makarating kami sa bahay nila Red. Hindi na ako tumuloy sa amin dahil baka ma late ako sa usapan namin. Si Ice naman, nakatulog na naman sa likod. Natanggal na din ang pagkapugto ng mata ko mula sa pag iyak naming dalawa. OK na kami. FRIENDS. And all thats left.
Pinarada ni Kevin ang kotse nya sa labas. Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang mga kaibigan ko sa labas na naghahanda na for breakfast. Garden breakfast ang peg nila ah. Nakatingin si Red sa kotse. Alam nyang kay Kevin ito. Yung iba lang ang hindi nakaka alam. Inaabangan nyang bumaba ako.
Bababa na sana ako ng mauna sakin si Kevin. Napatingin silang lahat. Nabigla sila. Syempre naman, what would Kevin be doing here right?? Binuksan nya ang likod na pintuan para kuhanin ang natutulog na si Ice. Binuhat nya ito at nilagay sa balikat nya. Tulog pa rin kasi si Ice.
Bumaba na rin ako para ayusin ang tayo ni Ice. Pumunta ako sa likod ni Kevin at tiningnan kung anong itsura ng anak ko. He's comfortable with Kevin. Dati kasi, kay Tristan, nag adjust pa sya. Speaking of Tristan, bukas ko pa sya makikita. Busy daw sya eh.
Nakatingin pa din sila sa amin. Nararamdaman ko ang AWKWARD scene. Kinausap nya ako.
"Sure ka na ok lang na nadito ako?? Parang di naman ako welcome eh." reklamo nya sakin. Gumalaw ng kaunti si Ice.
"Nandito ka na eh. Panindigan mo na. Saka, ayaw mo nun?? breakfast with Ice??" konsensya ko sa kanya. Nag angat ng ulo si Ice at nag pout. Ang gwapo ng anak ko kahit na bagong gising. Napangiti ako. Humikab pa sya tapos nagkusot ng mata. Niyakap nya si Kevin. Napangiti naman si Kevs.
"Mom, where are we??" tanong nya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya.
"Were at Blue's house." bulong ko sa kanya. Agad naman syang nag angat ng ulo. Kitang kita ang singkit nyang mata. Ang gwapo.!!! Kras ko na ang anak ko.
"Really?" humarap sya sa bahay at napangiti. Gusto nyang bumaba. Binaba naman sya ni Kevin. Akala ni Kevin ay bibitawan nito ang kamay nya pero hindi. Hinigit sya ni Ice papasok na sya namang nagpagalaw sa mga taong kanina pang nabigla.
"Come on Kevin!!" higit higit ni Ice kay Kevs. Sumunod na ako para hindi naman ako ma out of place.
-______-
Lahat sila ganyan ang itsura ngayon. Hindi magawang makangiti. Agad kong nilapitan si Jane para batiin at tingnan ang fetus nya.
"Hello. Good Morning!!!" masigla kong bati sa kanila. Si Kevin naman ay hinigit ni Ice papunta sa likod kung nasaan ang playground ni Blue. Naikwento ko kasi sa kanya na may malaking slide si Blue sa likod ng bahay nila. Nandun din ata si Red.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
Genç Kız EdebiyatıLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.