Alex's POV
"Date? Bakit?" tanong ko sa kanya. Kung naging mag asawa kaya kami ni Bakuls, ganito din kaya kami?
"Ano ka ba? Mag asawa tayo. Kaya gagawin natin yun." mag asawa? Ang sarap pakinggan. Ito na ang the best na paglilihi ko. Haha.
"Pano si Ashley?" tanong ko na naman. Matanong day ata ako ngayon.
"Sino yun?"
"Kevin!!" saway ko. Ano bang iniisip ng bakukaw na to?
"Ikaw ang asawa ko ngayon kaya might as well umarte ka. Ikaw ang may gusto nito remember?" nilapit nya ang ilong nya sa ilong ko at nag nose to nose kami. He is smilling to me. Smilling like he never smilled before. Smile na nakakatunaw.
"You're blushing!" he pinched my nose and held my hand. Bumaba na kami at sabi nya, ipagluto ko daw sya. At dahil mabait akong asawa, ginawa ko nga. Lels. Asawa?? Haha. Lakas maka feeler ano??
Habang niluluto ko ang favorite kong sinigang, which is feel kong kainin, naramdaman ko na lang na niyakap nya ako mula sa likod. Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.
"Matagal pa ba yan Baby girl? Gutom na kasi ako." sabi nya. Nakita ko namang nag pout sya. Me is kinikilig. He never fails to do that to me. Yung feeling na sya ang sweetest na tao sa mundo. Mas naging sweet pa sya ngayon. Ewan ko lang. Siguro dala na din ng pagbubutis ko kaya super weak ng feelings ko. Pero, me is kinikilig pa din.
"Wait lang! Nasaan nga pala si Ice?" pag iwas ko sa tanong nya.
"Sinundo sya kanina ng kapatid mo. Hindi mo alam?" napa angat naman ang uli nya pero di bumitaw sa yakap. Tsansing.
-____-
"How would I know? Im sleeping kaya! DUH!!" nilagay ko ang sitaw at hinalo iyon.
Bigla na lang nya ako binuhat na parang pang kasal. Nabigla ako dun ah. Biglang nagising ang inaantok kong diwa.
"Ibaba mo ako! Isa! Kevin Xander Villarasa!!" saway ko sa kanya. Utas naman sya ng kakatawa.
"Hahaha. You look cute Alex." sabi nya. Nag pout tuloy ako.
"Cute lang?" nagtatampo kong boses. Nag senyas ako sa kanya na ibaba na nya ako. Binaba naman nya ako at pinagpatuloy ko ang pag luluto.
"Ok. Hindi ka cute." sabi nya. Naramdaman kong lumapit sya sakin at niyakap na naman ako mula sa likod. This time, mas mahigpit na. Yung ramdam na ramdam mo na gusto ka nyang protektahan. Yung ramdam mo na mahal ka nya.
"Seriously Alex, ikaw ang pinakamaganda. No jokes." literal kong naramdaman ang pag akyat ata ng dugo ko sa muka ko. Haha. OMG. Namumula ako. Alam ko. Pakiramdam ko. Kinikilig ako!!!!
"Talaga?" nagtatampo kong boses. Naramdaman ko ang pagngiti nya.
"Talagang talaga." huminga sya ng malalim saka pinatong muli ang ulo nya sa balikat ko.
"Can I stay here? Best place on earth. It feels like Im in a paradise with you." tiningnan ko sya. At kita kong nakapikit sya habang nakahilig ang ulo sa may leeg ko. Nararamdaman ko ang paghinga nya at tumataas talaga ang balahibo ko.
"Kahit nakalimot ka, you still haven't change your perfume." sabi nya.
"You still smell like an apple. A green apple in fact." malumanay nyang sabi habang nakapikit at nagsasalita.
"You still remember that?" tanong ko sa kanya.
"I am living everyday trying to remember something Ive forgotten about you. I can't risk to forget something." tumitig sya sa mga mata ko na syang naging dahilan ng pagngiti ko. Nais ko syang halikan. Pero alam kong hindi pwede kasi may asawa na sya. Kasi ayaw kong manakit ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
ChickLitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.