Chapter 43: TuesDATE

11.6K 127 4
                                    

3RD PERSON's POV

 Naging masaya ang maikling bakasyon ng barkada. Laro dito, swimming doon. Away dito, bati doon. Lahat na ata ay nangyari pero ang pinaka hindi nila makakalimutang experience ay ang bonggang surprise birthday nila kay Ate Kim.

Everyone had a blast and natulog na lang pagkatapos ng party because they need to go home first thing in the morning.

Maayos at ligtas naman silang nakarating sa bahay nila pauwi. Syempre, hinatid muna ni Kevin ang lahat ng babae sa kani kanilang bahay lalo na ang kanyang pinakamamahal na si Alex.

Hinawakan ni Kevin ang kamay ni Alex at saka nagsalita.

"Thank you for everything."

"I know. Thank you din. For making me happy. Oh sya, umuwi ka na at ng makapahinga naman tayo."

"Anong gagawin mo??"

"Tutulog."

"Ok."

Hinalikan nya sa pisngi si Alex. Himala nga sa pisngi lang at hindi nakaw na halik. Pumunta si Kevin sa side ng driver's seat at kumaway kay Alex bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Tumalikod na si Alex ng maka-alis na ang kotse. Papasok na sana sya ng gate ng biglang bumisina si Kevin at inatras muli ang sasakyan at sumilip sa bintana sa kabila para sabihing.

"Matulog ka na at pag gising mo, mamahalin pa kita." tapo binigyan nya si Alex ng killer smile.

Sobrang kinilig si Alex sa line na yun at halos hindi na nawala ang ngiti sa mga labi nya hanggang sa makapasok sya sa loob ng bahay.

"Mukang sobrang saya mo ata Alexandria." sulpot naman ng kapatid nyang kasalukuyang umiinom ng kape.

"Yeah. Hindi naman masyadong obvious. Anyway, may pasalubong ako sayo Matt."

"Talaga?? Ang bait mo ata ngayon."

"Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang to, wag kang mag-alala, hindi na bukas." sabay ngiti ni Alex sa kanyang kapatid.

Paakyat na si Alex ng tawagin nya si Poorita para magpatulong sa gamit nya at iakyat to sa kwarto nya.

"Poorita!!" tawag nya.

Dumating naman agad si Poorita at ginawa ang inuutos ni Alex sa kanya.

Bago matulog si Alex ay naalala nya ang sinabi sa kanya ni Kevin kanina.

"Matulog ka na at pag gising mo, mamahalin pa kita."

"Matulog ka na at pag gising mo, mamahalin pa kita."

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon