Alex's POV
Naiwan ko ang kotse ko kahapon sa bahay nila Kevin. Nakatulog na kasi ako at hinatid ni Reddish sa bahay ko. Sabi naman sakin ni Reddish..yung kotse ko..naka park sa loob ng bahay nila Kevin. pinasok daw nya kahapo bago nya ako ihatid. Hayss.Kailangan ko ba talaga pumunta dun?
Ito ako ngayon. Pasilip silip sa bahay nila Kevin. Muka akong tanga dito. Nakaka bad vibes dahil nararamdaman kong nasa loob ng malaking bahay sa harapan ko ang mukang pugita na si Ashley. Sa sobrang careless ko sa kakasilip sa bahay..napansin ako ng isang matanda. Teka..wala bang security ang bahay na to? Ang poor naman nila. Ang pagkalaki ng bahay..wala man lang silang security. Mukang hindi rin sila nauusuhan ng CCTV Camera.
"Yes? May kailangan ka?" tanong ng matandang may suot na salamin. He looks familiar to me. Parang na meet ko na sya sa New York. Naglakad sya papalapit sakin.
"Good Morning po. I just went to get my car. Naiwan ko po kagabi eh." paliwanag ko sa matanda. Nasa harap ko na sya ngayon at pinag aaralan ang itsura ko. Isang gate lang ang namamgitan sa aming dalawa.
Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Muka ba akong magnanakaw? Hindi naman madumi an damit ko ah. designer clothes pa nga. Bumalik ang tingin ko sa matanda. He's smilling to me. Ang creepy ha!
"The great Alexandria Benitez?" tanong nung matanda. OMMO. Kilala nya ako. Bakit? Stalker ko ba sya? O baka naman fan ko sya.Pero he's super tanders na kaya! Pinagbuksan nya ako ng gate at pinapasok sa loob.
"Ah iha, pasensya ka na at di kita naalala agad. Don't you remember me?" tanong ng matanda habang pinupulot ang dyaryo na kanina ay binabasa nya.
"Nope. Sa dami po ng na mi-meet kong tao..for sure..nakalimutan ko na kayo"
"I'm Kevin's dad." nawala ang ngiti sa labi ko. OMMO. Nakakahiya yung inasal ko kanina. ANg panget ng first impression nya sakin!! Teka..aanhin ko naman yung first impression nya eh hindi naman ako ang girlfriend ng anak nya?
"You still haven't changed at all. You're still honest in a very silly way." sabi nya habang naglalakad kami papunta sa living room nila. WOW. Ang ganda ng baahy nila ha? Pinag gastusan talaga.
"Really? I don't remember myself being silly." natatawa kong sabi. Gwapo din pala sya kaya gwapo si Kevin. Mag ama nga sila.
"Ah..iha..umupo ka muna.Tatawagin ko lang si Kevin." sabi nya ulit sakin. Umupo namana ko sa couch nila. Nakakatuwa kasi yung living room nila katapat ang gaden.Kumbaga see through ang peg. Nakaka relax na view.
Lumapit naman si Mr. Villarasa sa isang telepono at nag dial ng number.
"Kevin..someone's looking for you." sabi nya sa telepono tapos binaba ito. Ok. Ang sosay nila ha? Kailangan pa talagang tawagan? Hindi pedeng sigawan na lang?? Maririnig din naman ah.
Maya maya lang..may isang gwapong nilalang ang bumababa sa hagdanan. Basa pa ang buhok nya at bukas pa ang tatlong butones ng polo nya. Tinutupi nya ngayon ang dulo ng long sleeves nya..OMG. He's HOT.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
ChickLitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.