KIM's POV
*yawn*
Today is a big day!
Bakit?? It's my birthday kaya!!!
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nagshower, toothbrush, nagbihis at nagsuklay.
Lumabas ako ng kwarto ko with a very big smile. Akala ko, madami ng tao sa labas pero, ako pa lang pala =.=
Tiningnan ko ang orasan 10:04 am na.
Bakit, tulog pa rin ang lahat?? Pumunta ako sa kawarto ng ng boys, tulog pa ang dalawa. Pumunta naman ako sa kwarto ni KC, ang himbing ng tulog dinaig pa ang baby. Si Clarissa naman ang sunod kong pinuntahan, tulog din sya, makatihaya at tulo pa ang laway (=.=) . Pagkapasok ko naman sa kwarto ni Jane, nagsalita sya, sabi nya, "Ano ba??" tapos nananaginip lang pala (=.=) Langhiya naman oo, bakit tulog pa sila??? Si Alex kaya??? Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Alex, chos lang! Pagkabukas ko ng pinto, tulog din sya. Ay nakangiti pa ang bruha. Gusto ko sana syang gisingin kaya lang, baka naman sabihin nya, naiistorbo ko sya.
Agad kong isinara ang pintuan ng kwarto ni Alex at nakasimangot na pumunta sa sala. Dapat palaging maganda ang simula ng araw ko lalo na at birthday ko tapos, lahat sila tulog pa. (-.-)
Itinuon ko na alng ang pansin ko sa pagluluto. Good vibes!! Pansinin mo naman ako!!!
Maya maya lang, sumulpot ang kapatid ko sa harapan ko.
"Ay, halimaw."
"Ang gwapo ko namang halimaw."
Sagot nya sakin. May pagkusot kusot pa sya ng mata na animong gusto pa nyang matulog. Bakit hindi pa nya ako binabati?? Nakalimutan ba nya? Imposible makalimutan ng kapatid ko ang birthday ko.
Ako, makakalimutan ko pa. Pero si Kevin, no way.
"Ah, Ate."
Yan na!! Babatiin na ako ni Kevin!! Sabi ko na nga ba, hindi ako makakalimutan ng kapatid ko ei.
Humarap ako sa kanya ng may malaking ngiti na dinaig pa ang ngiti ng mga taong nasa disneyland.
"Gutom na ako."
(-.-) Yun ang sinabi nya. Akala ko pa naman, babatiin na nya ako :(
"Sige, malapit na to matapos." malungkot kong sagot sa kanya.
Hayss. Bakit ba hindi pa ako binabati ni Kevin?? Bakit tulog pa ang mga tao eh malapit na ang tanghalian? Bakit lahat ay di sumasang ayon??
Nagyaya pa naman ako dito sa resort to celebrate my birthday na may kakaibang experience tapos, mababalewala lang?? Nakakalungkot naman.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
ChickLitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.