RED's POV
Nakasalubong ko si Kevin on my way papunta kina Alex.
Kung hindi ako nagkakamali, nakita kong tumulo ang mga luha nya.
Ng makarating ako, narinig ko ang pinag-uusapan nila.
At dahil dun, nalaman ko ang dahilan ng pagtulo ng luha nya.
He got it wrong.
Kung sa ibang perpective, iisipin kong pagkakataon ko na ito para mapalapit kay Alex pero dahil hindi ako ganun klaseng tao kaya naman, gagawa ako ng paraan para maayos to.
Kinaumagahan, narinig kong nag-aaway ang dalawa.
"Bakit ba hindi mo ako pinapansin?" galit na tanong ni Alex.
"Im not in the mood to talk to you." sagot naman ni Kevin.
"You're not in the mood? Hanggang kelan ko pakikibagayan yang mood na yan ha?"
"Please Alex. Ayokong makipag away sayo. Just leave."
"You want me to leave? F*ck you Kevin!"
Tapos umalis na si Alex.
Never ko pa nakita si Alex na ganun kagalit. Wow. She's like a Lion ready to bite.
Pinuntahan ko si Kevin at kinausap sya.
"So, anong meron pare?"
"Anong meron? Bro, nasaktan ako.. Ginawa ko naman lahat, pero bakit hindi pa rin ako?"
"Baka naman, mali ka ng pagkakadinig kasi hindi yun ang nadinig ko."
"Talaga? Well, sorry. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang narinig ko."
Pagkatapos nun, iniwanan na ako ni Kevin.
Malaking problema to. Anong gagawin ko??
Teka, bakit nga ba ako lang ang namomroblema??
Idadamay ko dito sila KC.
Pumunta ako sa kwarto ni KC. Binuksan ko ang pinto ng padabog.
Ang lukaret na ito, tulog pa din!!
Naglakad ako dahan dahan at kinulbit si KC sa balikat.
"Hoy."
"Pst!"
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
ChickLitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.