Special Chapter

8.8K 90 15
  • Dedicated kay Clarissa Ninobla Miranda
                                    

A/N: Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Haha. Anyway, ito na ang special chapter as promised. Natagalan nga lang. Anyway, enjoy!

---------


"Kevin! I swear! Papatayin kita kapag nakalabas na ako ng hospital!" pagsisigaw ko habang dinadala nila ako sa labor room. Oo, manganganak na naman ako!

"Wag naman! Sayang ang genes ko! Mawawalan ng ama ang mga anak ko!" sabi naman nya.

"Anak mo? Alam mo ba kung gaano kahirap manganak ha?" tapos naramdaman ko na talaga na malapit ng lumabas ang anak ko. Huli na talaga ito.

"Mom, stop shouting! Youre hurting my eardrums!" reklamo naman ni Ice na kasama ng ama nya.

"Mom, are you ok?" tanong naman ni Adam. Buti pa si Adam, nag aalala. Samantalang si Ice naman ay iritang irita na.

"Mommy! Hihintayin ko si baby bro ha!" sabi naman ni Rain. Yung dalawa namang lalaki na si Sky at Cloud ay magkatabi at tahimik lang.

Pumasok na ako sa loob ng labor room kung nasaan si Dra.

"Push Baby girl  push!" parang baliw na sabi ni Kevin.

"Cant you see Im pushing? Ikaw kaya ang manganak!"

"Baby girl, push!"

"Argghhh!"

"Baby girl, di ka pedeng matulog! Konti na lang."

"Ok, Mrs. Villarasa, one last push na lang po." sabi ni Dra.

"Arghhh!" bigla ko na lang narinig ang iyak ng anak ko. Naiiyak naman ako. Ito kasi ang kauna unahang pagkakataon na nasa tabi ko si kevin ng ipanganak ko ang anak namin.

Pagod ako. Gusto ko ng matulog. "Baby Girl, anong pangalan ang gusto mo?" tanong ni Kevs habang pinapaypayan ako.

Ngumiti ako bago sumagot. "Storm Villarasa" pagkatapos nun, pinikit ko na ang mga talukip ng mata ko. I need to rest.


-----------------
4 years later

"Pffffft" pumito si Kevin. Ito kasi ang tanda na kailangan ng pumunta ng mga bata sa dining area para kumain at mag bonding.

Napagkasunduan namin ni Kevin na gawin to para kahit na busy kami sa work ay may time pa rin kami sa mga bata. We never let them feel na they're alone.

"Present!" nagmamadaling tumakbo si Ice papunta sa amin at tumayo na parang sundalo sa harap.

"Present!" sabi naman ng kasunod nya na si Adam. Ngumiti ito at kumaway pa sa akin. Ganyan talaga kami ni Adam. Hindi man sya nanggaling sa akin, ako na ang ina nya ngayon. Ako rin ang best friend nya. Remember?

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon