Chapter H: Selosan

7.6K 71 2
                                    

Alex's POV

Nagising ako ng may nakayakap sakin. Teka..Nakayakap? Bakit..bakit may nakayakap sakin?? Pagmulat ng mata ko..isang gwapong mukha agad ang nakita ko. Natigilan ako. Nanlaki ang mata ko.

Sumilip ako sa ilalim ng kumot and..thank GOD may damit pa ako.

-_____-

Tiningnan ko si Kevin. Ano bang nangyari kagabi??

"Wag mo kong iiwan please?" sabi nya sakin.

"Hindi kita iiwan."

"Pede ba kitang yakapin?"

"Ha?"

"Please?"

"Ah..eh..Sige." pumunta ako sa kabilang side ng kama nya at humiga. OMMO. Bakit ganito ang nararamdaman ko??

Lumapit ako sa kanya. Nakahiga sa kama nya. Nakatalikod sa kanya. Maya maya lang..naramdaman kong niyakap na nya ako. Alam nyo yung parang nakaback hug sya pero nakahiga lang kami?? Basta..ganun na yun.

"It feels great holding you like this." sabi nya.Pagkatapos nun hindi na sya umimik. Hindi na rin ako umimik. Nakapatong yung ulo nya sa balikat ko. Naririnig kaya nya ang tibok ng puso ko? Shems. 

"Ganun ba talaga ako kagwapo para titigan mo ng ganyan?" tanong nya sakin. Shems. Gising na pala ang baliw na ito!

"Hindi ka gwapo." umalis ako sa pagkakayakap nya at tumayo. Nag toothbrush ako at pumunta sa may kusina.

Naghalungkat ako ng dalang pagkain ng bakulaw na ito. I decided to cook pasta.

*___________*

Habang busy ako sa paghahalo ng pasta ko. Naramdaman kong may yumakap sakin. Aba!! Nawiwili na ang bakulaw na to sa kakayakap sa akin!! Naka back hug na naman sya at nakapatong ang ulo sa kaliwang balikat ko. Kita ko din sa peripheral view ko na naka pout sya. Shems. Ang GWAPO!!

O_______________o

"Thanks for taking care of me. I owe you one." sabi nya habang tinitingnan ang niluluto ko. Hindi pa rin sya bumibitaw sa hug nya sakin.

"May choice ba ako? Isa pa..bitawan mo nga ako..namimihasa ka na ah."

"Ang sarap mo kayang yakapin. Ang lambot lambot mo kaya!"

"Che. Wag mo akong utuin." nilapit nya yung muka nya sa leeg ko. Shems. Wala naman akong kiliti pero bakit nakikiliti ako??

"Ang bango mo at ang bango din ng niluluto mo. Hay.." sabi nya tapos mas hinigpitan nya ang yakap nya sakin.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon