Chapter Z: The Visitor

8.2K 108 14
                                    

Hi kay Rizza! I super like her story 14 pages. Basahin nyo ha!! Thanks!! =)

Ashley's POV

Ako ang kontabida sa istorya pero bakit ako ang pinakasalan nya? Until now, hindi ko pa rin malaman ang dahilan ni Kevin. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan na lang ni Alex na mangyari to. They both love each other right?

Nakatingin ako sa kanila ngayon. Naka piggy back ride si Alex kay Kevin habang nagtatawanan sila.

Alam ko namang masasaktan ako sa ginagawa ko pero, I just want to see how they look together. And they look freakin perfect.

Dati, I look at Kevin ang me as a perfect couple but I was too blinded by my dreams na I have to sacrifice my relationship with him para lang dun.

Inaamin ko na isa yun sa mga pagkakamali ko. Ang iwanan sya para sa mga pangarap ko. Minsan nga, tinanong ko ang sarili ko. If pinili ko sya over my career in ballet, siguro, kami nga talaga.

But fate has its own way of playing destiny. I was too blinded sa fact na Kevin was no longer mine that's why maraming bagay akong nagawa na hindi ko naman talaga dapat ginawa.

Nagmahal sya ng iba. And that girl was very lucky to have him. I envy Alex those times. At dahil dun, napilitan akong maging ibang tao. Gusto ko, akin lang si Kevin. Kasi akin naman talaga sya diba?

Unti unting pumatak ang luha ko. What have I done? Looking at these two persons make me feel so selfish. Kung may term lang na more than selfish, ako na yun.

I have never seen Kevin this happy when he's with me. Alex is very special to him. Na kahit ako, aware na aware sa fact na yun.

I was ready to let go of Kevin when Alex talked to me. Sabi nya, alagaan ko daw si Kevin. He even told me facts na dapat at di dapat gawin kay Kevin.

Sobrang kita ko sa mga mata nya kung gaano nya kamahal ang lalaking mahal na mahal ko rin.

Iba ang sitwasyon ngayon. I am married to Kevin and Alex is all alone. Habang tinitingnan ko sila, napangiti ako. Isa na akong fan ng Bakuls and Crazy Girl love team.

Tumingin ako sa wedding ring ko. I remembered what I promised Kevin on our wedding day. "Hindi ko sya kayang pantayan dyan sa puso mo pero kaya kong pasayin yan kahit papaano." tumalikod ako sa kinatatayuan ko at naglakad papunta sa kotse. I should make a move soon. Before its too late. Before ko pa masaktan si Kevin.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon