Chapter 38: Midterms

11K 125 2
                                    

ALEX’s POV

“Wag kang magulo!! Ang kulit mo naman Bakuls ei.”

 


“Hindi ako nang gugulo. Nag-aaral kaya ako.”

 


“Nag-aaral?? Grabe naman ha. Ang lakas naman ng boses mo. Kinabog mo pa yung microphone ei.”

 


“Makapagsalita ka naman dyan, parang hindi yung iyo ah!”

 


“argghh!! Kevin!! Tumahimik ka na please??”


“Tatahimik na. Ang init init naman kasi ng ulo mo ei. “

 


“Mainit talaga ng ulo ko. Ang init na ng panahon sinabayan pa ng init ng ulo ko.”

 


“Tatahimik na nga po ei”


Nandito kami ngayon sa bahay nila Bakuls. Midterms na kasi namin bukas. At kokonti pa lang ang naaaral ko. Nakakainis kasi tong katabi ko, ang ingay ingay. Hindi tuloy ako makapag concentrate.


“Tama na muna ang bangayan, kumain muna kayo” bigla namang sulpot ni Ate Kim.


“Buti na lang dumating ka na Ate. Gutom na ako ei.”


“Kelan ka ba nabusog?” tanong ko naman sa kanya.


“Nabubusog kaya ako! Ang ganda ganda kaya ng katawan ko!”


“Sige lang. Paniwalaan mo ang sarili mo.”

 


“Ang cute nyo talagang dalwa. Bagay kayong mag-asawa.” Sabi ni ate Kim habang naka pout. Anu daw?


“Naku, riot po sa bahay kung nagkataon.” Sagot ko naman.


“Nga pala, may announcement ako right after ng midterms nyo ha!”

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon